Ang gwapo talaga ng nilalang na 'to.
Sumipsip ako sa binili kong Milk Tea habang nakatingin ako kay Kylex Ethan David.
Nang masulyapan niya akong nakatitig sakanya ay inirapan niya ako. Napahalakhak ako. Kegwapo gwapong nilalang pero mas babae pa sa'kin gumalaw!
Pagkatapos kong ubusin yung iniinom ko ay napagpasyahan ko nang tumayo at maglakad patungo sakanya.
"Oh sa'n ka na naman pupunta?" Tanong ng mga best friend ko. Inginuso ko si Kylex.
"Di ka parin talaga nadadalang babae ka! Hindi ka tipo nun. Mas gusto niya yung mga kauri niya!" Pangangantiyaw ni Alexa. Nagkibit balikat ako tsaka ko sila tinalikuran.
"Wala siyang magagawa, gusto ko rin kauri niya." I chuckled
Habang palapit ako nang palapit sa table nila, mas lalo namang nalulukot yung mukha niya. Ket anong gawin mo sa mukha mo, gwapo ka parin sa paningin ko.
Nang tuluyan na nga akong makalapit sa table nila, dali dali kong hinila yung isang upuan at itinabi sakanya.
"Hey guys! Hi mahal!" Nakangiti kong bati sa mga kaibigan niyang babae tsaka ako bumaling sakanya. Umasim naman yung mukha niya tsaka niya inusog palayo sa'kin yung upuan niya. Ayt! Diring diri ghorl? Dahil nga sa makulit ako, inusog ko ulit palapit sakanya yung upuan ko.
"Ano ba, Rain! Lumayo ka nga!" Parang nandidiring sabi niya tsaka niya tinulak palayo yung upuan ko.
Napanguso ako.
"Ang sama mo naman sa'kin, mahal. Kung makalayo ka naman sa'kin, parang may nakakahawa akong sakit ah? Wala naman akong Corona Virus, hmp!" Pagdadrama ko. Napatawa yung mga kasama niya, samantalang siya e parang mas lalong sumama yung aura.
"Nako, tigil tigilan mo'ko ha! Kung nandito ka na naman para ipahayag yang nakakadiring pagkagusto mo, pwes! Sinasabi ko sayo, hindi tayo talo! Pareho tayo ng gusto. In short, may hakdog ang gusto ko! Kaya tsupi! 'Wag mo'kong guluhin at nang hindi ko matusok 'yang ngala ngala mo!" Umuusok ang ilong niyang sigaw sa'kin. Kulang nalang ata lumabas yung ngala ngala niya. Napatingin naman lahat sa'min yung mga tao sa Cafeteria, pero bumalik din sa ginagawa kalaunan. Sanay na sa'min siguro HAHAHAHA araw araw ka ba namang makatagpo ng ganitong eksena eh.
Tumikhim ako at hinaplos yung braso niya. Tigas! Ewan ko kung anong sumanib sa katawan ng lalaking 'to at naisipang mag bakla! Ang gwapo gwapo tapos.. naku namannnnn. Matangos ang ilong, check! Maganda ang mga mata, check na check! Manipis ang mga labi, check! Makinis ang mukha, na pati ata tigyawat eh mahihiyang dumapo sa kakinisan ng mukha! Dinaig pa ata ako, amp!
"Alam mo, mahal...bakit kase di mo ako makita ha? May mata ka naman, pero wala ka naman pagtingin sa'kin. Maganda naman ako--
"Mas maganda ako sayo." Putol niya sa sinasabi ko sabay irap. Sungit sungit ng lalaking 'to. Sarap pakasalan.
"Pero mas maganda 'pag tayo." Kindat ko. He groaned from frustration.
" 'Pag 'di ka pa tumigil, ipapaligo ko sayo 'to." Pagbabanta niya sabay pakita ng iniinom niya. We have the same taste huh? Ganun din yung favorite na inumin ko e.
"Mahal naman--
"Isa."
"Di mo ako matitinag--
"Dalawa. Hindi na aabot ng tatlo 'to, isasaboy ko na talaga sayo." Pagbabanta niya.
Napangiwi ako. Akala mo mapapatigil mo'ko sa pananaboy mo ha?
Dali dali ko siyang hinalikan sa pisngi sabay karipas ng takbo palayo sakanya bago pa ako maligo ng Milk Tea.
"Yuck! Kadiri! Ew!" Narinig kong reklamo niya.
Napatawa ako. Hay nako Kylex Ethan David, mapapasakin ka rin. Mahuhulog ka rin sa angkin kong kagandahan. Makakalimutan mong barbie ka, dahil napa-ibig na kita.