Chapter 10

52 6 0
                                    

It's funny how someone can seems normal to you one day, only for you to realize the next day that you are in love with them. It is like a light bulb suddenly being turned on.

Napailing ako habang tinatanaw siyang nakakunot noo habang pinaglalaruan ang kanyang ballpen. Anong ginawa sa'kin ng lalaking 'yon para maramdaman 'to? Kung tutuusin andami kong pagpipilian sa mga nagkakagusto sa'kin, pero mas pinili ko paring manatili sa taong hindi ako gusto. There is something really special about him that I can't quite explain.

"Ang hirap naman, pa'no kaya 'to? Uy, Kylex paturo naman!" dinig kong sabi ni Pia at saka siya lumapit kay Kylex at ipinakita 'yong notebook niya.

"Sure, gan'to kasi 'yan," Ani niya at itinuro kay Pia kung pa'no gawin 'yong assignment. Tignan niyo, ang bait bait niya sa iba, tapos sa'kin, tsk. Ano ba talagang ikinagagalit sa'kin neto?

"Rain, may assignment ka na?" kalabit sa'kin ni Wendy. Umiling ako. 'Di ko kasi alam kung pa'no simulan.

"Paturo nga rin ako kay Ethan mo," tawa niya. Umiling ako. Baliw.

"Kylex! Paturo naman!" Sigaw ni Wendy. Abaaa! Ang bruha tinotoo nga. Ngumisi si Kylex bago tumango. Napatingin din ako sa notebook ko. Kinuha ko na rin ito at lumapit sa kay Kylex na dinumog na ng mga kaklase namin.

"Woah, ang galing! Mas magaling ka pa magturo kesa kay proof!" sabi ng isang kaklase namin. Humalakhak siya. Tumayo ako sa harap niya at inilahad 'yong notebook ko.

"Paturo rin ako," mahinang ani ko. Napatigil 'yong mga kaklase naming nakapalibot sakanya. Tinignan niya lang 'yong notebook na hawak ko at umiling.

"Hindi ko alam 'yan," iritadong ani niya sabay balik sa pagtuturo sa iba.

WHAT THE HELL?! ANONG KABULBOLAN 'YAN? E' PAREHO LANG NAMAN KAMING LAHAT NG ASSIGNMENT AH? PA'NONG 'DI ALAM?! 

Nagtatagis ang bagang kong tinalikuran siya. Bwiset! Nananadya ba siya? Arg, kainis! Sarap ibitin patiwarik. Gusto kong manuntok!

"Ulan, may tanong ako."

Nakakagigil! Sino siya sa akala niya?! Amp! Kainis!

"Ulan, anong tagalog ng expensive profit?" tanong ni Tristan sabay tabi sa'kin. Isa pa 'to. Baka kung hindi pa ako makapagtimpi. Siya pa masuntok ko ang nguso! -__-

"Hoy!" sundot niya sa tagiliran ko. 'Yong masamang tingin ko sa harap ay nabaling sa katabi ko.

"Tumigil ka nga." Naiinis kong sabi. Ngumisi naman siya.

"Sagutin mo muna," pang-aasar niya.

"Kainis kainis kainis!" nanggigigil kong sabi sabay tutok ng kamao ko kina Kylex.

"HAHAHAHAHA ano ngang tagalog ng expensive profit, Ulan?" tanong parin ni Tristan habang tumatawa.

"MAHAL NA KITA!"
At dahil sa inis ko, isinigaw ko sa mukha niya 'yong sagot. Andali dali, hindi niya alam?! At gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagtanto ko ang sagot.

Pumalatak ng tawa si Tristan.

"HAHAHAHAHA I LOVE YOU TOO!" tumatawang ani niya sabay hawak sa tiyan niya. Uminit 'yong pisngi ko. Huli na nang mapagtanto kong nakatingin na pala sa'min lahat 'yung mga kaklase namin.

"Ayieeee!" malakas nilang tukso. Lupa kainin mo na ako, now na!

Tinakpan ko 'yong mukha ko dahil sa hiya. Nagtaka naman ako nang biglang tumahimik ang lahat. Bago pa ako makaangat ng tingin ay may humila na sa kamay ko at kinaladkad ako palabas ng classroom. Holy shit! Halos madapa-dapa na ako sa bilis ng paglalakad niya.

"Kylex, ano ba! Ansakit na ng palapulsuhan ko sa higpit ng pagkakahawak mo," nakangiwing ani ko habang sinusubukang tanggalin 'yong pagkakahawak niya.

Pagalit siyang tumingin sa'kin at hinila niya ako ng walang pag-iingat at saka niya ako isinandal sa pader na malapit sa'min.

"D*mn!" malakas niyang sinuntok 'yong pader. Napapikit ako dahil sa gulat sa ginawa niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Anyare? Kitang kita ko ang mabilis na paghinga at pagtaas baba ng dibdib niya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Kylex—-

"What is that, Rain?" nakakunot noong ani niya. Nanlilisik ang mga mata. Ngayon ko lang nakita ang Kylex na wala sa pagpapanggap. Wala akong masabi, para kong nalunok ang sarili kong dila. Parang yung lakas lang ng tibok ng puso ko ang naririnig ko.

Pumikit siya at mahinang nagmura.

"Niloloko mo ba ako?" pula ang gilid ng mga matang tanong niya. Napaawang ang mga labi ko. Umiling ako.

Umigting ang  panga niya bago niya ako ikulong sa mga braso niya. Itinukod niya sa magkabilang gilid ko 'yong dalawang kamay niya.

" 'Wag mo'kong lokohin! Kitang kita ko! Dinig na dinig ko kung pa'no kayo mag "I love you-han" ni Tristan sa harap ko!" singhal niya sa mukha ko. Parang may nakalabit na gatilyo sa loob ko at umahon ang galit ko.

"Ano naman sa'yo? Tayo ba? Hindi naman 'di ba? Kaya wala kang pakealam kung sino man ang ka-I love you-han ko!" malakas kong sigaw sa mukha niya. Napapikit siya at pagdilat niya ay deretso sa mga mata ko. My heart skipped a beat.

"May pakealam ako. Kahapon sinabi mong gusto mo'ko, kaya pa'nong nangyaring ngayon ay siya na?" iritadong ani niya habang titig na titig sa mata ko.

"Ano naman sa'yo?" irap ko sakanya. Binalewa ang panghihina ng mga tuhod ko.

"Ano naman sa'kin? Gusto ko ako lang, Ulan. Gusto ko, sakin lang. Kahit walang tayo, gusto ko sa'kin ka lang."

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon