Chapter 8

56 5 0
                                    

Masuri kong pinagmamasdan ang mga galaw ni Kylex. 'Di ko alam kung pa'no ko nasabing barbie ang isang 'to, eh lalaking lalaki ang galaw. When how he frown, how he raise his eyebrows, how he smile, boyish na boyish. Kahit anong pagtatago niya, mapapansin at mapapansin pa rin ito sa mga galaw niya. Tumigil ka nga Ulan! Kung 'di mo pa nakita sa cellphone niya, hindi ka rin magdududa. Singit ng ibang bahagi ng isip ko. Yeah, whatever.

"Good morning, lady," napatalon ako sa kinauupuan ko nang may magsalita sa tabi ko. Potek naman o'!

"What the hell, Tristan? You scared the hell out of me!" nakahawak sa dibdib kong sabi. Humagalpak naman siya ng tawa. Amp.

"If you just saw your face HAHAHAHAHA!" tawa niya parin. Umungos ako. Malakas ko siyang sinapak sa tiyan.

"OUCH! Anlakas mo manapak, babae ka ba talaga?" Nakangiwi niyang sabi habang hawak 'yong tiyan niya. Hmp, buti nga sayo.

"Lumayas ka nga sa harap ko. Nagdidilim paningin ko sa'yo," Irap ko sakanya.

"HAHAHA tama na kakatitig kay Ethan, hindi magkakagusto sa'yo 'yan," nakangisi niyang ani. Akma ko sana siyang sisipain pero mabilis siyang nakalayo.

"Watch and learn, boy," nakangisi kong ani sabay baling ng tingin sa kinaroroonan ni Kylex baby, at sakto namang pagtama ng mga tingin namin. Masama 'yong tingin niya at bahagyang naka igting ang panga. Parang may dumaang malamig na bagay  sa tiyan ko. What? May nagawa na naman ba akong masama? Nanlaki 'yong mga mata ko nang may mapagtanto. Hindi kaya—-

" Hoy, Tristan!" binato ko siya ng lukot na papel at tumama ito sa ilong niya HAHAHA LMAO.

"ANOOO!" Tinignan niya ako ng masama.

"Sinabi mo ba kay Kylex na ako ang nagbigay ng cellphone niya?" I mouthed. Kumunot naman 'yong noo niya.

"ANO?!" malakas niyang tanong. Nabato ko  ulit tuloy siya ng ballpen at tumama ito sa bibig niya. Aw, my bad. Anooo sige, lakasan mo pa—-

" Pambihira ka naman Ulan! Ikaw na nga 'tong nag-aaya ng date. Ikaw pa may ganang manakit. Oo na! Payag na akong makipagdate sa'yo!" malakas niyang sabi habang nakangisi.

Nanlaki 'yong mga mata ko. What the f?! Pinagsasabi neto?! Mabilis kong iginala 'yong mata ko sa mga natitigilan naming mga kaklase at mabilis na nagtama 'yong mga mata namin ni Kylex. Nakakapanlamig 'yong tingin niya. Mabilis siyang umiwas ng tingin and he loudly muttered 'TSS' saka siya lumabas ng room. Oh no! Galit na ata ang bebe ko!. Taena mo, Tristan, kasalanan mo 'to.

Tumayo ako at kinuha 'yong bag ko. Wala naman na yata kaming teacher. Bago ko pa malampasan si Tristan ay sinipa ko pa siya sa tuhod.

"Wala ka ng libre!" Ungos ko sakanya.

"Madaya!" sabi niya pa pero mabilis na akong lumabas ng room. Asa'n na bebe ko? Yown! Nakita ko siyang mabilis na naglalakad patungo sa Caf.

"Kylex, hintay!" sigaw ko. Tumakbo ako para maabutan siya. Tumigil naman siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon.

"What are you doing here?" malamig niyang ani. Lumapit ako at tinabihan siya.

"Galit ka ba?" tanong ko. 'Di siya sumagot at nagtuloy lang sa paglalakad.

" 'Wag mo'kong sundan. May date kayo ni Tristan, right?" nakatiim bagang niyang sabi. Bumilis 'yong tibok ng puso ko. Are you finally jealous, Kylex? Tell me.

"Nagseselos ka ba?" tanong ko sakanya. Kumunot 'yong noo niya sabay baling sa'kin.

"What are you talking about?" nakangisi niyang ani pero may pagkairitado sa boses.

"Nagseselos ka," I stated . Ngumisi siya.

"Ba't ako magseselos? Gusto ba kita?" malamig niyang ani. Parang may nagbara sa lalamunan ko sa narinig.

" 'Yan ang nakikita't nararamdaman ko sa ikinikilos mo. Ba't ka nagagalit kung gano'n?" seryoso kong tanong . Yeah, alam ko namang 'di niya ako gusto. Pero masakit pala talaga kung sa mismong taong nagugustohan mo na nanggaling ang katagang 'hindi kita gusto'.

"Naiinis lang ako. Kasi sabi mong ako ang gusto mo, pero nakikipag date ka pa sa ibang tao," iritado niyang sabi. Tumawa ako ng pagak.

"Kung gusto mo'ko sabihin mo. Kung ayaw mo naman sa'kin, hayaan mo ako sa iba," malamig kong ani at nilampasan siya.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon