Chapter 19

34 6 0
                                    

Simula nang araw na 'yon ay naging mas malapit na kami ni Kylex. Si Freya naman ay naging masungit na din sa'kin. Ewan ko ba! Wala naman akong ginawang masama sakanya. Nararamdaman ko ding umiiwas siya kay Kylex. Pero madalas ko siyang nahuhuling nakatitig kay sakanya. Gusto niya ba? Ewan, hindi naman kasi mahirap gustuhin 'yung mokong na 'yon. Pero sorry girl, akin lang siya.

"Hey." Napatingala ako sa ngising ngising si Kylex.

"Hey." Bati ko naman. Umusog ako para makaupo siya sa tabi ko. Nandito kasi ako ngayon sa bench. Nagbabasa ng wattpad book. Alam niyo na, stressor.

Tumabi naman siya sa'kin. Medyo napakislot pa ako sa pagdampi ng balat niya sa balat ko. Damn! Napatingin siya sa'kin. Uminit naman 'yung pisngi ko. Umiwas ako ng tingin. Humalakhak siya.

"Pinagkakatuwaan mo na naman ako!" Nakanguso kong ani. Lumabi naman siya pero ngumiti din kalaunan.

"Haha hindi ah!" Natatawa niya ani.

"See?!" Sinamaan ko siya ng tingin. Lumayo ako ng kaunti sakanya. Tumawa naman siya tsaka ako hinila palapit sakanya habang hawak 'yung bewang ko. Pakshet ka Ethan!

"Dito ka lang sa malapit sa'kin" seryosong ani niya.

"E' inaasar mo ako!" Palatak ko para pagtakpan 'yung kilig na nararamdaman ko. Wala na, lunod na lunod na ako. Kung hindi ako sasalohin neto, mataas ang bagsak ko, malalim.

"Ang ganda mo." Nakatitig sa mukha kong ani niya. Uminit 'yung pisngi ko. Shiz! Stop na please!

"Ano?" Namumula kong tanong. Ginulo niya 'yung buhok niya tsaka  siya humalakhak at tumingala. Ang gwapo. Those adams apple, nakakaakit! Ipinilig ko 'yung ulo ko sa naiisip. Umayos ka, Ulan!

"Wala! Ang ganda ng binabasa mo, kako. Ano bang title niyan?" Namumula niyang tanong. Napangiti ako ng palihim. Gustong gusto ko sakanya 'yung nagb-blush siya!

"I got you." Wala sa sarili kong sagot.

"Yeah, you got me." Seryosong ani niya tsaka umiwas ng tingin. Nanlaki 'yung mga mata ko at malakas na tumawa.

"HAHAHAHAHA!" Tumingin siya sa'kin ng nagtataka. Tumawa ulit ako.

"Pinagkakatuwaan mo 'yung nararamdaman ko, Rain?" Kunot nuong tanong niya. Napatigil ako sa pagtawa. Napalunok ako. Iritado na 'yung mukha niya. Oh no!

"Pinaglalaruan mo ba ako? Sabi mong gusto mo 'ko pero pinagkakatuwaan  mo 'ko. Hindi p'wedeng ganito, Rain. Baliw na baliw na ako sa'yo. Hindi p'wedeng pinagkakatuwaan mo lang ako." Iritado niyang ani. Kumalabog ng malakas 'yung puso ko. What?! Pitomput pitong puting pating!! Kinikilig akoooo!

"Hindi sa gano'n." Napapalunok kong ani. Shet shet shet! Kainis ka, Ethan. Bakit ka ganyan? Pinatitibok mo ng kay bilis ang puso koooo. Ginulo niya 'yung buhok niya. Damn, Kylex. May nakapagsabi na ba sa'yo na ang gwapo gwapo mo, lalo na 'pag ginugulo mo ang buhok mo?

"Kung hindi, bakit ka tumatawa?" Frustrated niyang tanong. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang pagngiti. Iniharap ko sakanya 'yung librong hawak ko.

"I got you. 'I got you' ang title ng binabasa ko." Natatawa kong ani. Napaawang 'yung mga labi niya.

"Fck!" Malutong niyang mura tsaka dali dali siyang tumayo at walang lingong lingon likod na iniwan ako do'n.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon