"Pero tatawagin mo ba akong selfish, kung sasabihin kong 'wag mo 'kong sukuan?" He said while he intently looking at my eyes. Parang kinukurot 'yung puso ko.
"Hey!"
Mabilis kong binawi 'yung kamay ko nang biglang lumitaw sa harap namin si Elise. Napaayos ako ng upo. Tumikhim lang si Kylex.
"Why are you two so serious?" Nakakunot noong tanong ni Elise habang pinaglilipat lipat 'yung tingin sa'min ni Kylex.
"Wala! Ang dami mong napapansin." Kylex chuckled. Nagkibit balikat nalang si Elise at kumuha ng sandwich. Lumapit siya kay Ethan at iniumang sa tapat ng bibig niya.
"Taste it. Ginawa ko 'yan kanina." Nakangiting sabi ni Elise. Napaayos ng upo si Ethan at tumingin sa'kin na parang kinakabahan. Umiwas ako ng tingin. Come on, taste it daw! Tss.
Sakto namang dumating si Jacob. He jogged in front of me tsaka inihilamos sa mukha ko 'yung basang kamay niya. Gross!
"You-!" Inis ko siyang binato ng shell na nakita ko sa tabi ko. Mabilis naman siyang nakailag habang tumatawa.
"HAHAHAHA! Come on, hit me, babe!" Pang-aasar niya. I made face tsaka ko siya inirapan. Sakto namang nagtama 'yung tingin namin ni Ethan. He clenched his jaw tsaka padabog na tumayo. Tinawag pa ni Elise 'yung pangalan niya pero hindi siya lumingon. Napayuko ako. Bakit feeling ko may nagawa akong mali? Parang kinukurot 'yung puso ko.
Bumuntong hininga ako at tumayo. Nagpagpag ako ng p'wet.
"O' sa'n ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Jake habang umiinom ng juice.
"Maglalakad lakad lang." ani ko. Gusto po niya sanang sumama pero sinabi kong gusto ko munang mapag- isa, kaya tumango nalang siya.
Sinundan ko 'yung pinuntahan ni Ethan. Luminga linga pa ako sa paligid baka malampasan ko siya. Bumagal 'yung paglalakad ko nang makita ko siyang nakaupo sa may rock formation. Bumabato siya sa dagat. Naglakad ako palapit. Nang makalapit na ako ng tuluyan ay tumabi ako ng upo sakanya.
"Ang ganda ng dagat 'no?" Basag ko sa katahimikan habang natingin sa harap namin. Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Naka kunot lang ang kanyang noo.
I sighed.
"Are you mad?" Marahan kong tanong. Nag-iingat.
Hindi ulit siya sumagot, kaya nilingon ko ulit siya.
"No." Simpleng sagot niya. Umiwas ako ng tingin at ibinalik ko 'yung tingin ko sa dagat.
"What are you thinking?" Tanong ko ulit. Ba't ba ang daldal mo, Ulan?!
Dinilaan niya 'yung pang-ibabang labi niya tsaka siya yumuko at marahang ginulo 'yung buhok niya.
Tumingin siya sa'kin.
"My mind is clouded by things that are involved with you. In short, all I think about is you." Seryosong ani niya. Sht! Pasimple akong napahawak sa dibdib ko nang bigla itong kumabog. Shemay Kylex! P'wede bang magbati nalang tayo at tayo nalang ulit?!Humarap ako sakanya at hinawakan 'yung kanang kamay niya. Sinundan niya ng tingin 'yung kamay naming magkahawak.
"My heart is broken but I have some glue." Tumigil ako saglit at hinila siya palapit para maabot 'yung mga labi niya. Nagpatianod siya sa gusto kong gawin. Our lips met. "Help me fix it. Mend it with you." Mabilis ang tibok ng puso kong ani.