Chapter 22

39 6 0
                                    

Kinabukasan ay ang ganda ng gising ko. Pero ewan ko talaga kung nakatulog ako. Pagkauwi kasi ni Kylex kagabi ay nag-usap naman kami sa tawag. Puro mga impit na tili lang ang pinapakawalan ko kagabi. I am smiling ear to ear, right now. Haaaay, ewan ko ba! Nababaliw na 'ata ako.

"Rain, bumaba ka na anak. Kanina pa sa baba 'yung boyfriend mo." Nanlaki 'yung mga mata ko sa narinig kay manang. Shiz! Nandito si Kylex?! Wala naman siyang sinabi kagabing susunduin niya ako ah? Dali dali akong nag-ayos at  bumaba na din.

Naabutan ko si Mommy at Daddy sa sala, kaharap nila si Ethan. Shemay! Wala pa akong nababanggit kina Mommy!

"O' heto na pala si Rain." Seryosong ani Mommy, pagkakita sa'kin. Ambilis ng tibok ng puso ko!

Sabay namang bumaling si Daddy at Ethan sa banda ko. Nang magtama ang tingin namin ni Daddy ay nakita kong kumibot 'yung labi niya, sabay kindat sa'kin. Napangiti na lang ako. Mas close ko kasi si Daddy kesa kay Mommy. I'm Daddy's girl.

"Good morning, Mom, Dad." Bati ko sakanila at tsaka hinalikan sa pisngi. Napatingin naman ako kay Kylex. Titig na titig siya sa'kin. What the heck? Pinanlakihan ko siya ng mga mata, para iparating na kaharap lang namin ang mga magulang ko. Hindi ba siya nahihiya?! He chuckled.

"Good morning, bab—Ulan." Nakangiting bati niya. Shiz! Uminit ang magkabilang pisngi ko nang marinig kong tumikhim si Daddy.

"My, Dy, una na po kami." Nahihiyang ani ko tsaka hinila 'yung kamay ni Kylex palabas. Narinig ko pang tinawag kami ni Mommy.

"Breakfast muna kayo, Ulan!" Itinaas ko nalang ang kaliwang kamay ko at sinabing sa school na.

"Ba't 'di mo sinabing pupunta ka dito?" Tanong ko kay Kylex, pagkalabas namin. Hinapit naman niya ako sa bewang at tsaka hinalikan sa sintido. My chest hammered. Paking tape! Bakit ganito? Hindi 'ata ako masasanay sa gesture ng kumag na 'to! Pagdating sakanya, parang first time lahat.

"Arg, Kylex! Baka makita tayo nina Mommy!" Natatarantang ani ko sabay tulak sakanya palayo. Humalakhak siya.

"Tss, masanay ka na." Nakangiting ani niya sabay patunog sa sasakyan niya. Inirapan ko nalang siya.

"This way, mahal kong Ulan." Nangingiting ani niya, sabay muwestra sa sasakyan niya. Pakshet! Ang gwapo ng boyfriend ko.

Pagdating namin sa school ay sabay kaming lumabas sa sasakyan niya. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto.

"Ulaaaaan!" Nagulat ako nang bigla akong dambahin ng yakap ni Tristan. Itutulak ko na sana siya, pero napasugaw ako sa gulat nang bigla nalang siyang natumba sa harap ko. Oh my god.

"You don't just hug my girl!" Nagpupuyos galit na sigaw ni Kylex. Akma na naman sana niya itong aambahan ng suntok kaya hinawakan ko na 'yung kamao niya.

"Kylex, tama na!" Hinila ko siya palayo kay Tristan. Nanatili itong nakaupo sa sahig, habang pinupunasan gamit ang hinlalaki 'yung gilid ng labi niya.

"Anong problema mo?" Matigas na tanong ni Tristan nang makatayo siya. Akma na naman sanang lalapit si Kylex pero hinila ko siya. Dumarami na din 'yung mga nanonood.

"Wala akong problema, kaya baka ikaw ang magkaproblema!" Galit na sigaw ni Kylex. Tumingin sa'kin si Tristan, kaya inilingan ko siya. Umalis ka na muna, Trist. I care for you, baka ano pang mangyari sa'yo!

"Niyakap ko lang naman si Ulan—-

"Girlfriend ko ang niyayakap mo, pare!" Singhal ni Kylex. Ngumisi si Tristan at tumingin ulit sa'kin.

"Rain, totoo ba?" Malamlam ang matang tanong niya sa'kin. Tumango ako. Kumuyom ang panga niya at may sinabi pa bago kami tinalikuran.

"Mag-ingat ka.Hindi lahat ng naririnig at nakikita mo, totoo."

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon