Chapter 16

36 5 0
                                    

Today is Sunday. Inaya ako kahapon ni Kylex na mamamasyal kami ngayon sa mall. Excited na nga ako. Is it a date? O m g! Parang sinisilaban ng sili 'yong pwet ko, 'di ako mapakali HAHAHAHAHA.

Umikot ako sa harap ng salamin. Okay na ba 'to?  Nakasuot ako ng black dress na above the knee. Sinisiguro kong magagandahan talaga sa'kin ngayon si bebe ko NYEHAHAHA! Gumayak na nga ako at pumunta na ng mall. Doon namin napagkasunduang magkita ni Kylex.

Tumingin ako sa relo sa bisig ko. 9:30 a.m. maaga pa para sa napagkasunduan naming oras. Sorry naaa, excited lang. Tumingin ako sa cellphone ko nang magvibrate ito.

From: Kylex
Asa'n ka na?

Simpleng text lang ito, pero nagpapalpitae na ako. Shemay! Anong ginawa mo sa'kin para mabaliw ako sa'yo ng ganito, lalaki? Hindi na 'to makatarungan!

Kinagat ko 'yong labi ko tsaka ako nagtipa ng sasabihin.

Ako:
Mall. How about you?

Pagkatapos kong isend ay tumuloy na ako papasok. Nagvibrate ulit ito.

Kylex:
Wait for me.

'Yan lang 'yong 'sinagot niya. Ibinulsa ko na 'yong cellphone ko at nagdesisyong maglakad lakad muna.

Nakarating ako sa palaruan. Napingiti ako nang may makita akong mga cute na dalawang batang pumapalakpak sa harap ng claw machine, habang yung kuya ata nila 'yon na kaedaran ko lang na siyang kumukuha ng mga laruan sa loob ng claw machine. Lumapit ako.

"Yey! Ang gawing! Tenchu tuyaa!" masaya nilang sabi at saka niyakap 'yong teddy bear na maliit. Ginulo naman no'ng lalaki 'yong mga buhok nila.

"Gusto niyo pa?" Nakangiting tanong no'ng lalaki. Mabilis naman silang tumango tango.

"YES, PWEASE?!" sabay nilang sabi.

Napatawa ako. Ang cute! Napatingin tuloy sa'kin 'yong lalaki sabay ngiti. Napaawang ang labi ko. Ngingitian ko sana siya pabalik pero bigla may tumakip sa mga mata ko. Halaaaaa! Kidnaper! What the heck, Ulan?! Kid ka? Kid? Baby ka lang ni Kylex, pero hindi ka kid. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napatigil ako nang may marealize ako. Hindi ba dapat sa bibig 'yong pag takip? Inamoy amoy ko 'yong may-ari ng kamay na nakatakip sa mga mata ko. I knew it! Kaya pala mabilis, kaya pala nagwawala! 'Yng m
nagmamay-ari pala.

"Hold up 'to. Akin na puso mo," bulong niya sa tenga ko. Tumaas 'yong mga balahibo ko sa likod at gumapang ito pataas sa batok. Sa lakas ng tibok ng puso ko, tingin ko naririnig na niya ito.

"Sorry po kuya, may nagmamay-ari na nito," pagsakay ko sa kalokohan niya. Narinig ko 'yong pagbuntong hininga niya.

"Sino?" bulong niya. Shete, Kylex! Tumigil ka! Malapit nang bumigay ang tuhod ko.

"Kylex Ethan David," sagot ko. He chuckles and kissed the back of my ears at saka bumitiw sa pagtakip sa mga mata ko. WHAT THE PAKENING HELL?! Mabilis akong humarap sakanya habang nanlalaki ang mga mata. Natagpuan ko siya malaki ang ngiti  sa mga labi. Ang gwapo.

"Why did you do that?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko. Ngumisi siya at nagkibit balikat.

"I don't know. My body just did," kibit balikat niya saka niya hinila 'yong kamay ko para mapalapit sakanya. Muntik na akong matumba sa ginawa niya. The heck!

"Dahan dahan naman!" palatak ko. Tumawa siya at kinurot 'yong ilong ko.

"Haha okay, I'll be gentle, ba," nakangising sabi niya. Uminit 'ying magkabilang pisngi ko. Sinapak ko siya.

"Kainis ka!" untag ko at saka ko siya sinamaan ng tingin. Tumawa lang siya sa ginawa ko.

"Ang ganda mo talaga 'pag nagagalit," ani niya habang nakatitig sa mukha ko. Naconcious tuloy ako. Umiwas ako ng tingin. Grabe! Napunta na yata sa buong mukha ko 'yong dugo ko.

"Bolero. Tara na nga." Pag-iwas ko. He chuckles.

"Let's go," ani niya at naglakad na. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay na hindi niya pala binitiwan no'ng hinila niya ako. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Hindi ka na tumibok ng normal ah?

"Kylex, bitiwan mo ako," mahina kong ani. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Tinignan niya 'yung magkahawak naming kamay.

"Okay," binitiwan niya ito, pero may idinugtong pa siya na ikinawala ng puso ko ng sobra.

"Bibitiwin ko lang ang kamay mo, pero hindi ikaw mismo."

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon