Chapter 14

41 5 0
                                    

Napakislot ako nang maramdaman kong nag-vibrate 'yong cellphone ko sa bulsa ko.

May isang text message galing sa unknown number.

From: Unknown
Don't make me jealous, please. :(

Napakagat labi ako. Mukhang alam ko na kung sino 'to. Sumulyap ako sakanya at nagtagpuan ko siyang naka kunot noo.

To: Unknown
Sino ka? Wala naman akong boyfriend ah?

Reply ko at saka pasimpleng ngumisi. Pinagmasdan ko kung pa'no siya iritadong nagtype sa cellphone niya.

From: Unknown
You are my private property, Rain Salvador. No one can have you, but me.

Para akong nawalan ng hininga sa nabasa. My heart racing so fast! Why are you so territorial, Mr. David? Hindi agad ako nakapag reply. May pumasok ulit na mensahe galing sakanya.

From: Unknown
Ba't antagal mong magreply? Gusto mo ba talaga ako? May katext ka bang iba? May pakagat kagat labi ka pa. -__-

Uminit 'yong pisngi ko. Parang ggusto kong gumulong sa sahig at tumawa ng malakas. Amp! HAHAHAHA nyemes! Ambabaw ng kaligayahan ko.

Hay nako, Kylex. If you just know. Nababaliw na yata ako sa'yo.

To: Unknown
Ang possessive mo, Kylex. Pa'no pa kaya 'pag naging tayo?

Uminit ang pisngi ko sa isinend ko. Naiimagine ko kung pa'no niya samaan ng tingin ang mga lalaking titingin sa'kin habang magkasama kami. Shiz! Anong feeling maging boyfriend ang isang Kylex Ethan David? Iniisip ko palang nababaliw na ako.

Pagkatapos ng klase namin sa umaga ay nagligpit na rin ako ng mga gamit ko.

"Lunch?" napaangat ako ng tingin sa nagsalita sa harap ko. Nakatayo sa harap ko si Ethan, habang nasa likod niya ang nakangusong si Freya.

Napatingin ako kay Wendy sa tabi ko. Tumango siya sa'kin at sinabing lalabas sila ni Drei, boyfriend niya.
Binitbit ko  'ying bag ko at at saka ngumiti kay Kylex.

"Sure."

Ngumuso siya sabay ngiti.

"A'right!" ani niya at nagsimula nang maglakad palabas.

Andaming tao sa cafeteria. Luminga linga ako at itinuro 'yong sa gilid na walang tao.

"Doon tayo," untag ko at nagpatiuna nang maglakad patungo ro'n.

Pang-apat na tao 'yong mesang in-occupied namin. Umupo ako sa may malapit sa bintana habang si Kylex ay sa harap ko at si Freya naman ay sa tabi niya.

"Anong sa'yo, Rain? My treat," tanong ni Ethan. Ikaw, Ethan. Ikaw 'ying para sa'kin—talandeee! Napapikit ako nang pitikin niya 'yong noo ko.

"Ano ba!" nakangusong ani ko habang hawak ang noo. Tumawa naman siya. Nakita ko ang pag-irap ni Frey. What's her problem, really? Kanina pa siya ah! Kung ayaw niya dito, edi sana 'di na lang siya sumama. Basic.

Pagkatapos kong sabihin 'yong order ko kay Kylex ay pumunta na siyang counter. Naiwan kami ni Freya. Ang awkward.

"Gusto mo ba si Ethan?" malamig niyang tanong. Napaangat ako ng tingin sakanya. Itinuro ko pa 'yong sarili ko. Obviously, Ulan!

"Ano naman?" taas kilay ko. Nagtiim bagang siya.

"Hindi mo siya p'wedeng gustohin," seryoso niyang ani habang nakatingin sa mga mata ko. Napataas kilay ako. Anong karapatan niya para pagsabihan niya ako ng ganyan?

"Hindi ikaw ang magsasabi kung sino ang p'wede kong gustohin," iritang ani ko. 'Di ko alam kung ba't bigla na lang akong nainis sakanya. Kakairita! Sana tumahimik nalang siya.

Mga ilang minuto pa ay dumating na rin si Kylex.

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong niya habang inilalapag 'yong mga pagkain. Tinulungan ko siya at saka sumagot.

"Pinag-uusapan namin kung pa'no mo'ko ipagbawal sa iba, kahapon."

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon