Bago pa ako makahakbang palayo ay hinila na ulit ako ni Kylex at tumama ako sa dibdib niya.
"Rain, let me explain--
Itinaas ko 'yung kanang kamay ko para matigil siya sa pagsasalita." Tama na, Ky. Ayoko nang marinig 'yang mga kasinungalingan mo. Pabayaan mo na ako." Nagmamakaawa kong ani sakanya. Lumuwag naman 'yung pagkakayakap niya sa'kin at hinarap ako. Pula na ang kanyang mga mata at nakikita ko ang nagbabadyang mga luha. Umiwas ako ng tingin. Don't pretend as if you care, when actually you didn't.
"Hayaan ka, Rain? Parang sinabi mo na ring itigil ko na rin ang huminga!" Basag ang boses niya sigaw sa'kin. Suminghot siya at mabilis na pinahid 'yung nakatakas na butil ng luha sa pisngi niya. Napahikbi ako. Dahil sa sakit na naramdaman ko, parang namanhid na ang puso ko. Wala na akong maramdaman. Kutang kuta na ako sa lahat. Nakakapagod.
"Kung mahal mo 'ko, palayain mo na ako." basag ang boses kong ani. Tumingin siya ng deretso sa'kin. Puro sakit at panghihinayang ang nakikita ko sa mga mata niya. Don't make it hard for me, Kylex. Pagpahingahin niyo naman ako. Totoo pala 'yung sinabi nilang, kahit mahal mo, darating at darating pa rin talaga sa puntong ikaw na mismo ang susuko.
" 'Yan ba talaga ang gusto mo, Rain? ang palayain ka? Bakit parang napakadali sa 'yo?" Kung alam mo lang! Kung alam mo lang, Kylex! All of my life, I always feel left out, worthless and unloved at all times. Saan ang madali diyan? Saan?! Kase ako mismo, 'di ko alam kung saan banda 'yung madali diyan.
"Bakit napakadali sa inyo ang lokohin ako? Just for once, Ethan. I want someone to be afraid of losing me! Kase lahat nalang kayo, kung hindi iniiwan, niloloko niyo naman ako. Kaya pwede ba? Hayaan niyo nalang ako. Hayaan niyo namang piliin ko ang sarili ko. Hindi 'yung kayo na lang palagi. Pa'no naman ako?" Umiiyak kong ani sakanya. Lumamlam ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Humakbang siya palapit sa'kin at marahang pinahid 'yung mga luhang namamalisbis sa mga mata ko.
"Shh, baby. Stop crying, it hurts." turo niya sa dibdib niya
" Okay, if you want, I'll distance myself from you, but it doesn't mean that I'm over you. I'm still here baby, loving you from a far. Always remember that you are my favorite person and you'll always be, no matter what." Ngiti niya sa'kin kasabay ng pagtalikod niya at naglakad palayo. Napahikbi ako at mas lalong bumuhos ang mga luha ko. You want it right? Ginusto mo 'yan, Ulan. Kaya manindigan ka. Napaupo ako sa kinatatayuan ko at napatakip ng mukha dahil sa walang awat na pagluha.
" It's okay to be sad right now, feel every inch of the pain. And someday, you will be over it." Naramdaman ko ang pagsquat ni Tristan sa harap ko at inilagay niya yung takas na buhok na tumatabing sa mukha ko, sa tenga ko.
"Stop crying my angel." seryoso niyang ani habang pinapahid 'yung luha ko.
"Tristan, ang sakit." Dinamba ko siya ng yakap at humalakhak pa siya dahil muntik na kaming matumba. Isinubsob ko 'yung mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak.
Everyone in your life will hurt you sooner or later, but you will have to decide. What is more important? The pain or the person?