Chapter 27

36 7 0
                                    


"Tristan, sayaw tayo!" Tawa ko sabay hila sa kamay ni Tristan, papunta sa dance floor. Umaalon na ang paningin ko pero wala akong pakealam.

"Yuhooooo!" Tumatawa kong sigaw habang itinataas 'yung dalawang kamay ko. Ang sayaaaaa! Taena, ang saya sayaaaaa! Tumigil ako sa pagsayaw at tinakpan ng dalawang kamay ang mukha ko.

"Rain, let's go back to the counter." malumanay na ani Tristan sabay hila sa'kin paalis sa maraming tao.

"No, Trist. Let us dance!" Hila ko sa kamay niya. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Lasing ka na, Ulan." Seryosong ani niya. Tumawa ako. Mali ka!

"I'm not drunk." Umiiling kong sabi. Umiling siya at tuluyan na akong hinila sa counter.

"Isang inumin, please? 'Yung matapang, 'yung kaya akong ipaglaban." Natatawang ani ko sa bartender. Ngumiti naman siya. Wosh! Ang gwapo ng isang 'to ah? pero mas gwapo si Kylex ko hihi.

"One juice." ani naman ni Tristan.

"I want it hard, Trist!" Singhal ko sakanya. Umiling siya.

"No, Rain. You're already drunk." igting ang panga niyang ani. Humalakhak ako.

"Nagkakamali ka. Kung lasing na ako, bakit nararamdaman ko pa rin 'to? Kung lashing na ako, bakit ang shakit shakit pa rin dito, Trist?" turo ko sa dibdib ko.

"Kung lashing na ako, bakit tanda ko pa rin lahat? Hindi ba't sabi nila, kung lasing ka na makakalimutan mo kahit panandalian lang 'yung problema mo? Kaya, NO. Hindi ako lashing haha." pikit ang matang ani ko sabay dukdok sa mesa. My world is spinning—around him. Haha, lasing na nga 'ata talaga ako.

Naramdaman ko ang paglapag ng baso sa harap ko.

"Inomin mo 'yan para mahimasmasan ka." Ani Tristan.
Nag-angat ako ng tingin at pinakatitigan siya. Iniangat ko 'yung kanang kamay ko at hinaplos 'yung pisngi niya. Ngumiti ako.

"Bakit hindi na lang ikaw?" Bakit hindi na lang ikaw,Tristan?
Bumuntong hininga siya at hinawakan 'yung kamay ko tsaka ibinaba.

"Bakit hindi na lang ako, Rain."
Humikbi ako habang dinadama 'yung pagsikip ng dibdib ko.

"Can I escape from this world for a while?" basag ang boses kong ani. Bumuntong hininga ulit siya tsaka pinunasan 'yung luha ko.

"The most painful thing is losing yourself in the process of loving someone too much, and forgetting that you are special too." 'Yan ang huling narinig ko, bago ako nawalan ng malay.

Napangiwi ako nang maramdaman ang pagsakit ng ulo ko. Damn, hang over. Bumangon ako at umupo sa kama, habang sapo 'yung ulo ko. Binalikan ko lahat ng nangyari kahapon. Nalaman kong niloko pala ako ng taong pinagkakatiwalaan ko ng buo. Tapos pumunta kami ni Tristan kagabi sa bar. Napangiti ako, ang bait talaga ng mokong na 'yon. Nagdrama ako kagabi sa kanya. Siya din siguro ang naghatid sa'kin kagabi.

"O' gising ka na pala." Napatingin ako sa pintuang pinasukan ni Mommy. May hawak siya na tray ng pagkain. Ang bango.

"Morning, Mom." Matamlay kong ani.

"Naglasing ka kagabi. Buti na lang mabait 'yung kaibigan mong si Tristan at inihatid ka. ' Di ka nagpaalam na may bar party pala ang isang kaklase niyo." Ani mommy habang inilalapag 'yung pagkain sa table. Napakagat ako ng labi. Hay, Thank you talaga Tristan Mendel! Isinagip pa ako sa panenermon ni Mommy. Walang alam si Mommy sa nangyari. At gusto ko na sanang sarilihin ito. Ayoko nang madamay pa siya sa problema ko.

Buong maghapon ay nagkulong lang ako sa kwarto ko. Wala din naman kasing pasok ngayon kasi sabado.

Napabangon ako nang tumunog 'yung cellphone ko.
Tristan:
Hey, beautiful.

ngumuso ako. Bolero talaga.

Ako:
Hey.

Tristan:
Ay ang cold naman. Buti pa ako hot ;>

Aba't!

Magrereply na sana ako nang may isang pumasok na text message.

Kylex:
Baby.

Halos mabitawan ko 'yung cellphone sa panghihina ng kamay ko. Simpleng text lang 'yan pero sobra sobra na ang paghaharumentado ng puso ko.

Pinatay ko na lang 'yung cellphone ko at 'di na nagreply.

Sumikip na naman 'yung dibdib ko at hindi ko na napigilan ang paglandas ng luha ko.
I hate getting flashbacks from things I don't want to remember.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon