Chapter 13

42 4 0
                                    

Kinabukasan ay ang ganda ng gising ko. Alam niyo kung bakit? P'wet niyo may rocket HAHAHAHAHA joke! Bastaaaa, alam niyo na. Taas baba ng dalawang kilay.

Humarap ako sa salamin at ngumiti. Ang ganda mo, Ulan! Akalain mo 'yon? Nakuha mo na agad si Ethan. Napangisi ako. Aware kaya 'yon na hindi na siya nagpapanggap? 'Yong mga galawan niya, possessive man! HAHAHAHAHA. Naglagay ako ng kaunting liptint sa lips ko bago ako lumabas.

Napatalon ako nang saktong pag-apak ko sa bukana ng  gate ay may malakas na bumusina sa likod ko.

BEEEEEEP!

"Ay! pusang kabayo!" malakas kong sigaw  at saka pagalit na tumingin sa walang hiyang may gawa no'n.

"HAHAHAHAHA pa'nong talon, Ulan?" tumatawang ani Ethan, habang nakadungaw sa bintana ng kotse niya. Uminit 'yong magkabilang pisngi ko. Shemay! Ang gwapo niyang tumawa.

BEEEEEEEP!

Napatalon ulit ako nang bumusina ulit siya. Ampotek na kwagong 'to! Sinamaan ko siya ng tingin, pero tumawa lang siya ng malakas. Pinausad niya 'yong sasakyan niya, kaya tumabi ako. Huminto siya sa tapat ko. He's wearing a school uniform. Gwapo as always.

"Gandang bungad ng umaga," nakangising ani niya. Inismiran ko siya.

"Gandang pambwiset ng umaga," irap ko. Tumawa ulit siya. Asa'n cellphoneeeee? Irerecord ko lang, pang ringtone ko sa call NYEHAHAHA—ay, 'wag na pala. Baka pagalitan pa ako ng tumatawag kase 'di ko sinasagot 'yong tawag dahil nawili ako sa pakikinig ng ringtone ko HAHAHAHAHA.

"Mas gumaganda ka 'pag naka ngiti."

Nabalik ako sa katawang lupa ko nang malakas niyang kurutin 'yong pisngi ko.

"Ouch!" Bago pa ako makaganti ay pinaharurot na niya 'yong kotse niya papasok.

"Makakaganti rin ako sa'yo!" malakas kong sigaw. Itinaas niya lang 'yong kaliwang kamay niya, amp! Ansakit no'n ah?!

Pagpasok ko sa classroom ay saktong nakita ko ang paghalik ni Freya sa pisngi ni Kylex. Parang umurong 'yong dila ko sa pagbati, sa nakita. Kumunot ang noo ko. Dati na ba silang naghahalikan 'pag nagkikita? Ngayon ko lang naman nakita ah? May kaunting selos akong naramdaman. Paanong—bakit siya nagpapahalik sa ibang babae? Kung 'di ako pwede sa iba, dapat siya rin hindi pwede! Kainis.

Padabog akong umupo sa upuan ko. Napatingin sa'kin si Wendy.

"Oh what's with that face? Agang-aga babae," pang-aasar niya. Sumimangot lang ako. May trespassing sa pag mamay-ari ko!

Tumingin ako sa kinaroroonan nila. Seryoso silang nag-uusap. Nakakunot ang noo ni Ethan. I make face. Utot! Naiinis ako. Nakita ko ang pagbaling sa'kin ni Kylex. Seryoso ang kanyang mukha. Nginitian ko siya. Kumibot   ang mga labi niya at saka umiwas ng tingin. Come on! Let me see your smile. Nakangusong ani ko sa isip ko. Napatingin ako sa matalim ang titig na si Freya sa tabi niya. Nakita niya siguro ang pag ngiti ko sa katabi niya. Ano? Inis ka na sa'kin kasi okay na kami? Samantalang noong sinusungitan ako niyan, ambait bait mo sa'kin!

"Good morning, Rain!" masayang bati ni Tristan at akmang hahalik sa pisngi ko pero itinulak ko sa mukha. Iisa ka pa ha!

Ngumuso siya.
"Damot!"

Narinig ko ang pagtikhim ni Ethan kaya napatingin ako sakanya. Matalim ang tingin kay Tristan. Pag lipat niya ng tingin sa'kin ay pumungay ang mga mata niya. He mounted something that makes me blushed.

"Don't make me jealous."

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon