Nag-aalala kong tiningala si Kylex.
"Are you okay?" Marahang tanong ko. He tssed.
"Nakakainis! Anong karapatan niya para yakapin ka nalang ng basta basta?!" Nagagalit niya ani habang nakatingin sa pinanggalingan ni Tristan. Hinaplos ko 'yung kamao niyang nanggigigil pa rin. Dinungaw niya ako at ipinaharap sakanya. Hinawakan niya 'yung baba ko at itiningala ako sakanya para magtama ang aming tingin.
"Tell me, Rain. Palagi ka bang niyayakap ng gagong 'yun?" Nag-aalab ang mga matang tanong niya. Napakagat labi ako. How can he be this handsome, even if he is angry? Umiling ako. Kumibot 'yung dalawang kilay niya.
"Really?" Seryoso parin niyang tanong. I chuckled.
"Yes, sir!" Nakangiti kong sagot. Napangiti na rin siya kalaunan, tsaka ako hinila sa isang yakap.
"Damn, nakakaselos. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Nag-iinit 'yung ulo ko, Ulan. Parang gusto kong bumugbog." Bulong niya sa tenga ko. My chest hammered. Shems! Nararamdaman ko na naman ang pagwawala ng mga insekto sa tiyan ko!
"Tumigil ka nga!" Natatawa kong ani sabay sapak sa braso niya. Tumawa naman siya.
"Hangga't maaari, iwasan mo 'yung lalaking 'yon. Maliwanag, Ulan?" Seryoso niyang ani sa'kin habang nakahawak sa magkabilang braso ko. Ngumuso ako.
"Mabait naman si Tristan e'—-
"Kung ayaw mong ma-hospital 'yung kaibigan mo, 'wag mong hayaang hawakan ka kahit hibla ng buhok mo." Iritado niyang ani. Kinagat ko nalang 'yung labi ko, sabay tango. Umirap siya. Ang kyut mo, Kylex! Parang gusto kong nagseselos ka nalang palagi, pero ayaw ko namang maimbaldido lahat ng lalaking lalapit sa'kin. Hayst, nakakabaliw ka Kylex.
Pag-apak palang namin sa corridor ay tinginan na lahat ng studyanteng nadadaanan namin, lalo na sa kamay naming magkahawak. Kanina ko pa din binabalak kunin 'yung kamay ko sa pagkakahawak niya, pero mas lalo naman niyang hinihigpitan ito. Takte, Kylex. 'Pag 'di mo pa 'to binitiwan, iiyak mga babae mo!
"Kylex." Tawag ko sakanya.
Binalingan naman niya ako."Yes, baby?" Pakshet! Uminit 'yung magkabilang pisngi ko. Huhu ba't ka ganyan!
"Pinagtitinginan na tayo." Nahihiya kong ani. Nakita ko pa ang pag-iba ni Freya ng daan, pagkakita sa'min. Hindi 'ata nakita ni Kylex, dahil bumaling siya sa'kin.
"Maganda nga 'yon, para malaman nila kung sino ang totoong nag mamay-ari sa'yo." Nakangisi niyang ani. Kumalabog 'yung puso ko. Umiwas ako ng tingin. Tekaaaaa! Mahihimatay na 'ata akooo!