"Pinag-uusapan namin kung pa'no mo'ko ipagbawal sa iba kahapon," seryoso kong ani at para narin iparinig kay Freya. Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Kylex saka umiwas ng tingin. Kinagat ko 'yong labi ko. Parang may naglalarong mga kulisap sa tiyan ko. Napatingin ako kay Freya nang padabog siyang tumayo.
"Where are you going?" naka kunot noong tanong ni Kylex sakanya. Iritado niya itong inirapan at saka sinabing magc-cr lang siya. Okay! Solo ko ang baby Kylex ko hihi.
"Anyare ro'n?" wala sa sarili kong tanong at nilantakan 'yong pagkain ko. Tumingin siya sa'kin at umiling.
"Baka may dalaw," kibit balikat niya. Kumagat ako sa burger.
"Sarap! Nakakagutom ngayong araw," ngumunguya kong sabi sabay tingin sakanya. Nahuli ko siyang naka-titig sa'kin. Kumalabog 'yong dibdib ko. Ethan, ba't ka ganyaaaan! Gustong gusto mo'kong pinapahirapan.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko at nagsalamin sa cellphone ko. He chuckled.
" Haha wala! Ang cute mo kumain," nakangiti niya ani sabay subo ng fries. Ihh! Ansabe? Cute raw ako? Hihihi enebe! HAHAHA! My heart went oopps~
" Bolero! Parang baboy nga akong kumain HAHAHA!" malakas kong tawa. Tumawa rin siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Haha what?" nakangisi niyang tanong. Lumabi ako.
"So, inamin mong parang baboy ako lumamon?!" Irap ko. Humalakhak siya at itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko.
"I didn't say anything," iling niya habang nakangisi. Ngumuso ako.
"Gano'n din 'yon!" untag ko. Umiling siya at dumukwang palapit sa'kin. Nanlaki yung mga mata ko. What are you doing, Kylex Ethan?! Mas lalo pa siyang lumapit sa'kin. 3 inches nalang— pumikit ako at hinintay ang pagdampi ng mga labi niya.
"Ang kalat mo kumain," Natatawa niyang sabi sabay punas sa gilid ng labi ko. Pakshet! Nakakahiyaaaaa! Ano 'yon, Ulan? May papikit pikit ka pang nalalamaan! Uminit 'yong magkabilang pisngi ko at umiwas ng tingin kasabay ng pag-upo ni Freya. Gosh!
***
Bakit ang ganda ganda ng babaeng 'to? Ipinilig ko 'yong ulo ko sa iniisip. Stop it, Kylex. Pinagmasdan ko kung pa'no niya kagatin 'yong burger at ipinapanalangin na sana ako nalang 'yon—WHAT THE HELL?!"May dumi ba ako sa mukha?" nagtatakang tanong niya nang mapansin siguro ang pagtagal ng titig ko sakanya. Ngumisi ako at umiling.
" Haha wala! Ang cute mo kumain." Ani ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagpula ng magkabilang pisngi niya. Nakakaakit. Nakakabaliw. Pasimple kong dinama ang tapat ng puso ko sa biglaang pagbilis ng tibok nito. Wala lang 'to. Nagui-guilty lang ako.
Dumukwang ako ng palapit sakanya. 3 inches, Kylex itigil mo'to! I told you! Ang bango niya. Napatingin ako sa mga labi niya. Nasasabik ulit akong matikman ang mga 'yan. I can't get enough of it. Pumikit siya. Ang ganda. Bago ko pa maidampi ang mga labi ko, ay natauhan na ako. Pinunasan ko 'yong kumalat na ketchup sa gilid ng labi niya. Arg! Put yourself together, Kylex! Hindi ka pwedeng mapaso sa sarili mong apoy.