Chapter 18

37 5 0
                                    

"Nakakainis ka, Ulan. Nakakainis ka. Sabing ayoko nito, pero pinagseselos mo 'ko."Mahinang ani niya na narinig ko naman.

"Anong sabi mo?" Pigil ang ngiting tanong ko.

"Wala!" Irap niya sa'kin tsaka tumayo at pumuntang counter. Hay nako! Ang gulo gulo mo, Kylex! O sadya ba talagang magulo ang buhay mo, para ayusin ko?

Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan naming manuod ng sine.

"Anong gusto mong panoorin?" Tanong niya sa'kin, sabay halik sa ulo ko. Napakislot tuloy ako.

"Ano ba 'yan, Kylex!" Namumula kong saway. Humalakhak naman siya.

"Ano nga?" Tanong niya ulit habang nakatitig sa'kin. Umiwas ako ng tingin. May nagliliparan atang mga kulisap sa tiyan ko. Nakakakiliti!

"Kahit ano." Sagot ko nang 'di makatingin sakanya. Nakita ko siyang sumimangot.

"Walang kahit ano diyan, Ulan." Ani niya tsaka siya pumunta sa likuran ko. Naramdaman ko ang matigas niyang dibdib. Holy hell! Dumagundong ng malakas 'yung puso ko. Yumuko siya sa'kin at kinuha 'yung kanang kamay ko. Para tuloy siyang nakayakap sa'kin! Iginiya niya ito paturo sa title ng mapapanood.

"Ito o ito?" Bulong niya sa tenga ko. Tumaas 'yung mga balahibo ko sa batok, papunta sa aking buong mukha. Naramdaman niya ata ito kaya humalakhak siya. Pakshet ka, Ethan! Sinasadya mo 'to!

"Lumayo ka nga!" Itinulak ko siya palayo. Tumawa siya.

"Haha easy, baby." Sabay taas ng dalawang kamay niya na parang sumusuko. Uminit 'yung magkabilang pisngi ko. That endearment again! Nakakapanghina ng tuhod! Sabayan pa ng killer smile niya, double kill!

"Tumigil ka nga sa kaka-baby, hindi ako bata." Nakangusong untag ko pero ang totoo, ngiting ngiti na ako sa kaloob looban ko.

Ngumuso siya.
"But you are my baby." Ani niya sabay iwas ng tingin. Nanlaki 'yung mga mata ko nang makitang namula 'yung leeg niya hanggang sa tenga. Damn!

"Are you blushing?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Nataranta naman siya sa narinig at marahang hinimas ang batok.

"A-ano, mainit kasi." Nauutal niyang sabi. Ang gwapo gwapo mo, Kylex! Pupuwede ba kitang itanan?—HAHAHAHAHA CHOUR! Baka patayin ako ni Daddy.

"May aircon naman ah? Anlamig nga." Nagtatakang ani ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Naglakad siya palapit sa'kin. Umatras ako. Ngumuso siya. Humakbang ulit. Umatras ulit ako.

Nanlaki 'yung mga mata ko nang tumakbo siya palapit sa'kin at binuhat ako ng parang bagong kasal at tsaka itinakbo. Napatili tuloy ako.

"Aaaaaaaack! Kylex, ibaba mo ako! Pinagtitinginan na nila tayoooo!" Pagmamakaawa ko. Uminit na din 'yung magkabilang pisngi ko. Nakakahiyaaaa! Pinagtitinginan na  kasi talaga kamiii! May nakita pa akong kumukuha ng picture. What the heck? Hindi kami artistaaa! Isiniksik ko 'yung mukha ko sa may malapit sa kili kili niya. Habang 'yung dalawang kamay ko ay nakakapit sa batok niya.
Hmm, bangoo! Mas binilisan niya pa 'yung takbo niyaaa!

"WAAAAHH! MAMA! KYLEX, MAHUHULOG AKO, IBABA MO NA AKO! PARANG AWA MO NA!" Takot na takot kong ani. Malakas naman siyang tumawa. Huhu pa'no kung madulas siya? Pa'no kung mabitawan niya ako?! At tsaka hindi ba siya nahihiya? Nawe-weirdohan na mga tao saamin!

"Kylex, ibaba mo na ako. Ambigat ko pa naman. Hindi ka ba napapagod?" Namumula kong tanong. Dinungaw niya naman ako tsaka ibinalik din agad sa 'dinadaanan 'yung tingin niya.

"Pa'no ako mapapahod, e' buhat ko 'yung lakas ko?"

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon