Chapter 36

36 6 0
                                    

"Hindi, Kylex. Kung mahal ka, hindi ka iiwan. You left like I was never a reason for you to stay." Humiga na ako at tinalikuran siya.

"Now, please get out." Seryosong sabi ko at pumikit na.

Narinig ko pa 'yung pagpapakawala niya ng sunod sunod na buntong hininga bago naglakad palabas ng kwarto.

Kinabukasan ay maaga akong kinatok ni Jacob sa kwarto at sinabing magswi-swimming daw kami. Bumangon nalang din ako kahit antok na antok pa ako.

Nagsuot ako ng black one piece at pinadoblehan ko nalang ng white t-shirt at maong shorts.

Paglabas ko ng mansyon ay naabutan ko na sina Kylex at Elise na naliligo sa dagat. Si Jacob naman ay nakatayo lang doon habang hawak hawak 'yung camera niya. He's taking pictures. Nang palapit na ako sakanya ay bigla niyang itinutok sa'kin 'yung camera. Napatalikod tuloy ako bigla.

"Ano ba 'yan, Jake!" Nakasimangot kong ani. Tumawa naman siya. Nang humarap ako ay nakita kong nakatutok parin sa'kin 'yung camera. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. He chuckles.

"Beautiful." Pamumuri niya.

I made face.
"Anyenye!"

Tumawa ulit siya.

"Let's swim?" Inilahad niya 'yung kamay niya sa'kin. Ayoko pa sana pero nang mapatingin ako sa dalawang taong nagsasabuyan ng tubig sa hindi kalayuan ay tumango nalang ako ng wala sa sarili. Nag-iinit 'yung ulo ko. Parang ang sarap lumunod.

Pumunta muna ako sa may lilim ng puno at tinanggal 'yung damit ko. Naiwan nalang 'yung one piece ko. Napatingin ako kay Elise. She's wearing a pink two piece. Maganda din 'yung katawan niya. Pero mas maganda 'yung akin syempre. Hmp!

Naglakad na ako papunta kay Jacob at lumusong na kami sa tubig.

Bahagya akong napatili ng sabuyan niya 'yung likod ko.

"Aack! Ang lamig!" Tili ko. Tumawa naman siya. Sinamaan ko siya ng tingin. Itinaas naman niya 'yung dalawang kamay niya na parang sumusuko. Pero hindi ako nagpatalo. Sinabuyan ko rin siya ng tubig kaya ang resulta, naghabulan nalang kami sa tubig. Ang hirap tumakbo 'pag nasa tubig! Tili tuloy ako ng tili ng maabutan niya ako. Pinagkikiliti niya ako sa bewang. Damn!

"Tama na-HAHAHAHA! J-jake!"

"HAHAHAHAHA you little tease!" Tuloy tuloy lang siya sa pagkiliti sa'kin. Pinagpapalo ko na din siya sa dibdib pero hindi siya natitinag!

"Kuya, stop it. Ansakit sa tenga ng boses niya." Napatigil kami nang magsalita si Kylex sa likuran ko. Nagpantig 'yung tenga ko sa narinig. Lumingon ako sakanya. Iritadong iritado 'yung mukha niya.

"Ayaw mo ng boses ko? Edi magtakip ka ng tenga!" Masungit kong ani sakanya. Tumalikod na ako at nagmartsang umahon. Nawalan na ako ng gana. Nakakainis! No'ng si Elise 'yung tili nang tili, hindi naman siya nagrereklamo! Mas matinis pa nga 'yung boses niya kesa sa'kin. Tss.

Narinig ko pang nagtalo 'yung magkapatid bago ako makaahon. 'Di ko nalang sila pinansin at naglakad nalang ako papunta sa may lilim ng puno. Nakita ko 'yung tuwalya ni Jacob kaya 'yun nalang 'yung kinuha kong pampunas sa katawan ko. Umupo ako sa may nakalatag na banig at kumuha ng isang piraso ng barbecue. Niluto siguro nila 'to kaninang madaling araw.

Sa kalagitnaan ng pagsubo ko ay may naramdaman akong dumikit sa likod ko. Napalingon tuloy ako. Naabutan ko si Kylex na kumukuha ng barbecue. Inirapan ko siya. Ang lawak lawak bakit kailangan niya pang dumikit sa likod ko?!

Nang makakuha siya ay naupo siya sa may hindi kalayuan sa'kin. Bali nakaharap siya sa likod ko. Tahimik lang akong kumakain.

"Why are you here?" Tanong ko nang hindi na nakapagpigil.

"Wala lang." he just said.

"Iniwan mo doon 'yung babae mo?" Sarkastiko kong tanong. He sighed.

"Ako 'yung iniwan doon ng babae ko. Sinundan ko lang." Seryosong ani niya. Napakunot noo ako at tumingin sa paligid.

"Wala naman dito si Elise ah?" Nagtatakang tanong ko. Parang kinukurot 'yung puso ko.

"Sino bang nagsabing si Elise ang babae ko?" He sounds amused. Natahimik ako. Kumalabog 'yung puso ko. Tumikhim nalang ako para maiwala 'yung pagwawala ng puso ko. Nakita ko siyang tumayo  gamit ang gilid ng mata ko.

Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko. My heart racing so fast. Ulan 'di ba galit ka? Bakit nga ulit ako nagagalit? Hayst! Kainis!

"Do you still love me?" Basag ang boses niyang tanong. Ramdam kong nakatingin siya sa'kin. Hindi ako sumagot. Yumuko ako. Ginagap niya 'yung kamay ko.

"I made a mistake."
Yes, you did.

"I did. I hurt you."
But you see? I still love you.

"Pero tatawagin mo ba akong selfish, kung sasabihin kong 'wag mo 'kong sukuan?"

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon