Chapter 7

57 5 0
                                    

Dali dali kong kinuha 'yong cellphone niya at binuksan. Naka plain black wallpaper siya, boring. Enter password amp. Kainis naman.

Aha! Ipapa-open ko nalang sa computer shop NYEHAHAHA!

"Kuya, pa-open nga po ng cellphone ko. Nakalimutan ko kasi 'yong password," pagdadahilan ko sa lalaki. Tumango naman siya at kinuna 'yong cellphone na hawak ko.

"Maghintay po kayo ng ilang minuto, ma'am," ani kuya. Tumango naman ako at naglakad patungo sa sofa ng computer shop. Ano kayang laman ng cellphone ng lalaking 'yon. Wala naman akong kukunin, titignan ko lang HAHAHAHAHA ibabalik ko rin mamaya.

Pagkatapos ng mga ilang minuto ay nabuksan na 'yong cellphone. Binigay ko na rin 'yong bayad at nagpasalamat.

"Salamat po, kuya!" nakangiti kong ani.

"Walang ano man po, ma'am! Balik po kayo," nakangiting sabi niya. At may balak ka pa talagang pabalikin ako? Nginitian ko nalang siya ng pilit saka lumabas.

Habang naglalakad ako ay kinakalikot ko 'yong cellphone niya. Pinindot ko 'yong gallery. Woah, Nyemessss! Ang saraaaap. Ulalammm! HAHAHAHAHA! Shems, may anim na abs ang lola niyo. Nag scroll pa ako at shiz! Lalakeling lalaki siya sa mga pictures niya. May isang picture ang nakapukaw ng atensyon ko. Nakaakbay siya sa isang magandang babae habang  masayang nakatingin sa camera. Parang may malamig na dumaan sa tiyan ko. 'Wag ka ngang over react, Ulan. Malay mo pinsan niya 'di ba? Your bebelabs is a gay, remember? Pangangaral ko sa sarili ko. Ireremove resent tab ko na sana nang may umaagaw ulit sa atensyon ko. Google 'yon ta's may nakalagay na ' How to act and look like a fucking gay'. Napatutop ako sa bibig ko.

OH MY G! I-ibig sabihin—hindi talaga siya bakla?! At nagpapanggap lang siya? Bakit? Ba't siya nagpapanggap? Para saan? 

Wala sa sarili kong pinatay 'yong cellphone. Hindi bakla si Kylex, 100%!

Nang makarating ako ulit sa school ay nakita ko si Tristan, kaklase namin, kaya tinawag ko siya.

"Tris!" tawag ko. Lumingon lingon naman siya sa paligid at nang magtama ang tingin namin ay kinawayan ko siya.

"Favor naman!" malakas kong sabi. Tumakbo naman siya palapit.

"What is it?" tanong niya.

"Pakibigay naman kay Kylex 'tong cellphone niya oh. 'Wag mong sabihing galing sa'kin," pakikiusap ko. Kumunot naman 'yong noo niya.

"Ba't 'di nalang ikaw magbigay?" tanong niya. Umiling naman ako.

"Alam mo namang inis sa'kin 'yong lalaking 'yon 'di ba? Sige na naman oh. Naiwan niya 'to kanina sa Caf," pagmamakaawa ko habang niyuyogyog 'yong braso niya. Parang napipilitan naman siyang umoo at tumango.

" Oo na, Oo na! Basta you owe me a lunch tomorrow," nakangisi niyang ani. Umismid ako.

"Magaling ka rin eh 'no? Oo na, basta 'wag mong sabihin kay Kylex na galing sa'kin 'yan ha?!" pagbabanta ko. Humalakhak naman siya at sumaludo.

"Yes, ma'am!" natatawa niyang ani. Inirapan ko nalang siya bago tinalikuran. Sumigaw pa siya ng, " 'yong libre ko bukas ha?!" Yeah, whatever.

Napangisi ako habang naglalakad. Humanda ka, Kylex Ethan David. Hahanapin ko ang hidden agenda mo—pero sht! Ang yummy ng abs na nakita kooo! HAHAHAHA—ay sayang, 'di manlang ako nakahingi kahit isa.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon