Kanina pa lingon nang lingon si Kylex dito sa likod. Tuwing magtatama 'yong tingin namin ay nginingitian ko siya, samantalang iniirapan naman niya ako. Sungit.
Makalipas ang dalawang minuto, lumingon ulit siya. Ano bang problema ng barbing 'to? Tinignan ko 'yong nasa likod ko. Si Gab. Siguro hetong gwapo na naman 'ykng tinitignan niya, amp! Apakalande ha! Ibinalik ko 'yong tingin ko kay Kylex. Masama na ang tingin sa'kin. What? Hindi ko siya aagawin sa'yo! Inirapan ko siya. Inirapan niya rin ako. Titingin- tingin pa kung maiinis din naman pala.
Dahil boring naman mag discuss si Ma'am, nagsulat nalang ako ng kung ano ano sa notebook ko. Habang nagsusulat ako, may gumulong na ballpen sa gilid ng upuan ko. Kukunin ko sana pero may naunang kamay ang pumulot, kaya ang resulta, nahawakan ko 'yong kamay niya at nagkauntugan pa kami.
"Aray ko," sapo ko sa noo ko. Ampotek naman! Dali dali naman akong dinaluhan ni Gab. Siya pala may ari no'n.
"Are you okay? Masakit ba?" nag-aalalang tanong niya habang marahang sinusuri 'yong noo ko. Huhu magkakabukol pa yata ako.
"Ayos lang ako. Antigas ng bungo mo," nakanguso kong ani. Napahalakhak naman siya. Gwapo rin naman 'tong si Gab, pero mas gwapo ,'yong barbie ko.
"Haha sorry, balik ka na sa upuan mo, careful," ani niya at inalalayan niya akong umupo. Gentleman huh? Sana ganito rin sa'kin 'yong isa riyan!
"Thanks, Gab," ngiti ko. Tumango naman siya. Pagkaupo ko ay siya namang padabog na tayo ni Kylex at naglakad patungo rito sa likod.
"Pwede bang palit tayo ng upuan?" tanong niya sa katabi ko. Nagkatinginan kami ni Wendy, dito sa kabilang gilid ko. Ano? Para saan?
"Sure," sabi nung babae at pumunta sa dating upuan ni Kylex. Padabog namang umupo 'yong kupal. Problema niya ba?
"Ba't nandito ka?" tanong ko. Nagtataka. Binalingan naman niya ako. Napatingin ulit siya sa labi ko bago umiwas. Bumilis 'yong tibok ng puso ko.
"Pakialam mo ba?" pagsusuplado niya. Nagkibit balikat nalang ako. Napatingin ako sa likod ko nang masagi 'yong upuan ko. Nasagi pala ni Gab. He mouthed "sorry'. Ngumiti ako.
"Pwede ba makinig ka? Hindi 'yong kung ano ano 'yang ginagawa mo riyan," malamig na ani ng katabi ko. Hindi naman siya nakatingin sa'kin pero alam ko namang ako 'yong pinaparinggan neto.
"Nakikinig naman ako ah?" sabi ko. Marahan niya naman akong nilingon.
"Really? Sa pagkakakita ko, nakikipag ngitian ka riyan," kunot noong ani niya. Napairap ako.
"Nagseselos ka ba?" Tanong ko. Nanlaki naman 'yong mga mata niya.
"Hindi," sagot niya sabay iwas ng tingin.
"Nagseselos ka eh. 'Wag kang mag-alala, hindi ko naman aagawin sa'yo 'yang Gab mo," sarcastikong sabi ko. Napa tssed naman siya.
Nagulat ako nang 'pinaharap niya sakanya 'yong chin ko. Nilabas niya 'yong panyo niya at pinunasan ang mga labi ko. Shiz! Parang gustong kumawala ng puso ko sa lakas nang tibok! Nakakunot noo niya itong pinupunasan. Ang bango ng panyo niyaaa!
" 'Wag ka na ngang mag lip tint," he clenched his jaw. Napanganga ako. Para akong nakakakita ng greek God sa harap ko. Focus na focus siya sa pagpunas. Bakit? Trip niya na naman 'tong lip tint ko? Pambihira!
"Ano ba, Kylex," imbes na pagsusuplada ang tono ng boses ko, naging malamya ito. The heck?
Kinunutan niya ako ng noo.
"Trip mo ba 'yong lip tint ko? 'Wag kang mag-alala, bibigyan kita niyan," nakangusong ani ko. Inirapan niya ako.
"Sa susunod 'wag ka nang gumamit niyan! Ngiti nang ngiti kay Gab! Sabi nang hindi bagay," malamig niyang ani kasabay nang pag bell, hudyat na tapos na ang klase. Napatunganga parin ako sa papalayong likod ni Kylex. Ano Kylex? Hindi ba talaga bagay o nagseselos ka lang talaga?