Chapter 6

62 5 0
                                    

Sa mga sumunod na araw, gano'n parin ang pakikitungo niya sa'kin. Minsan namamansin, pero madalas suplado. I'm getting used to it.

Ngayon, I'm staring at him who's heartedly laughing with Freya. So unfair! Sa'kin ang sungit sungit niya! Tapos kay Freya, kung makatawa, akala mo wala nang bukas! Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, siguro nilalamayan na sila ngayon.

Tumayo ako at nagmartsa patungo sakanila.

"Hi!" I greeted cheerfully. Mabilis namang humupa 'yong tawanan nila at seryosong bumaling sa'kin. What? Dumating lang ako, tumigil na kayo? Share niyo naman sa'kin para makasali rin ako sa pagtawa niyo! Pasimple akong umirap sa kawalan. Nagiging maldita ka na, Ulan ha!

"Bakit kayo tumigil?" I asked innocently. Tinaliman ako ng tingin ni Kylex.

"Ba't ka narito?" nakakunot noong tanong niya. I smiled widely.

"Makiki-join sa tawanan niyo?" sagot ko.

He groaned.

"Hindi mo ba alam na bawal ang nakikisali sa usapan nang may usapan?" salubong ang kilay niyang sabi. Whatever!

"Aw, I didn't know that," pa-inosente kong sabi sabay takip sa bibig ko. Gusto niyo lang magkasolohan!

"And besides, may itatanong lang ako, mahal," malawak ang ngiti kong sabi. Mas lalo namang nadepina 'yong gitla sa noo niya. Gwapo parin kahit ganyan. Gusto ko ngalang masahiin 'yong noo niya para mawala ang pagkakakunot. If he would just let me.

"Anong tagalog ng 'I love you'?" kagat labi kong tanong. Kumagat ka sa banat ko, pleaseeeee?!

Hindi makapaniwala niya akong tinignan.

"Pumunta ka talaga rito para lang diyan sa walang kwenta mong tanong?!" medyo malakas niyang ani. Napanguso ako at 'tsaka tumango.

"Ano nga?" pangungulit ko.

"Hindi mo alam?" balik niya. Umiling naman ako.

"Kung gano'n, aral muna, bago landi," malamig niyang ani. Napaawang ang labi ko. Narinig ko namang napahagikhik si Freya. Saka lang siya tumigil nang sinamaan ko siya ng tingin. Ayts! Bahala nga kayo riyan. Inirapan ko silang dalawa daka padabog na tumayo at nag lean sa harap ni Kylex.

"Magaling na ako. Gusto mo turuan kita?—kung pa'no ako mahalin?" nakangiti kong ani at hinipan 'yong buhok niya pataas. Cool! Nanlaki 'yong mga mata niya at bahagyang lumayo.

"Ang baho!" nakakunot noong sabi niya. Nanlaki 'yong mga mata ko at inamoy ko 'yong hininga ko. Amp! Hindi naman ah?!

"Mabango naman—

"Ang baho ng ugali mo!" pagpapatuloy niya at hinila na si Freya palayo. Ngumuso ako at padabog na upo. Ang hirap paamuhin 'yong lalaking 'yoooon. Arg! Maghintay ka at sa oras na mahuli ko 'yong kiliti mo, hindi kita titigilan! Napatalon ako nang may maramdaman akong nagvibrate sa besang kinapapatungan ng kamay ko. 'Yong cellphone ni Kylex! BWAHAHAHA humanda ka.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon