It hurts every day, the absence of someone who was once there.
Tatlong araw. Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. Siguro, napagod na siya. Siguro,ayaw na niya. Siguro, sumuko na. Siguro, napagtanto niyang hindi naman pala niya ako gano'n kamahal, kaya andali dali niya akong hayaan. Siguro nga gano'n.
I sighed.
Ano naman, Ulan? Hindi ba mas maganda nga 'yon para makita mong hindi talaga siya 'yung karapat dapat? 'Yun na nga e'. Gusto ko, siya pa rin 'yung karapat dapat.Napabuntong hininga ulit ako.
"Ang lalim naman niyang pinaghuhugutan mo, beshy." Ani Wendy sa tabi ko. Naglalakad kasi kami ngayon papunta sa library.
"Wala." Ani ko. Umismid siya.
"Asuuuuus! Nangungulila ka lang kay Kylex eee'!" Pang-aasar niya.
Napanguso ako.
"Andami mong alam. Tara na nga!" Pambabalewala ko sa sinabi niya. Ano, Rain? Naguguilty ka dahil hindi 'yon totoo o dahil 'yun ay totoo? Tsk.
"Teka, asa'n nga ba si Kylex?" Bulong ni Wendy nang nasa library na kami. Inilipat ko 'yung page ng binabasa ko. Hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan.
"Hoy!" Sundot niya sa tagiliran ko.
Sinamaan ko siya ng tingin."Anooooo?!" Naiinis kong ani. Tumingin tuloy banda sa'min 'yung librarian.
"Quite!" Napayuko kaming dalawa. Kasalanan niya 'to!
"Sa tingin mo, beshy. Ba't kaya wala si Kylex ng ilang araw 'no?" Bulong niya pa rin. Umirap ako.
"Aba malay ko. Tanungan ba ako ng nawawala ha? Pake ko naman kung wala siya. As if hinahanap ko. As if namimiss ko. Tss." Irita kong ani tsaka inilagay na 'yung mga gamit ko sa bag ko. Napatigil ako sa paglalagay nang maramdaman kong nakatitig sa'kin ang gaga. Napahilamos ako sa mukha gamit ang mga palad ko.
"Asuuuuus! Kunwari ka pa! Wala namang nagsasabing hinahanap at namimiss mo ah." Ngiting ngiting pang-aalaska niya. Inirapan ko siya.
"Sinasabi ko lang! Parang gano'n kasi 'yung ipinaparating mo!"
"GET OUT, YOU TWO!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ng librarian.
Dali dali kaming tumayo at lumabas ng library.
Hindi parin matigil tigil sa pagtawa si Wendy. Arg! Bahala ka nga diyan!
Pagkalabas namin ay sakto namang papasok sina Freya at mga kaibigan niya. Lalampasan na sana nila kami nang hawakan siya sa braso ni Wendy. Hell? Anong kabaliwan ng babaeng 'to?
"Hoy, babae. Asa'n 'yung boyfriend mo?" Matigas na tanong ni Wendy. Tumingin naman sa'kin si Freya, bago niya tinignan ng masama si Wendy.
"You mean, Kylex?" Maarte niyang tanong. May kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Sila pala talaga huh? Tumawa si Wendy.
"Ay 'di ka sure, girl? O' sa bagay, sa kalandian mong 'yan, hindi na nakakapagtaka." Tumatawang ani Wendy. Siniko ko tuloy siya. Pinandilatan naman niya ako ng mata. Babae ka!
Umirap si Freya.
"Nasa hospital si Kylex. Now, fck off bitches!" Maarte niyang ani sabay talikod, pero hinaklit ulit siya ni Wendy sa braso.
WHAT?! Hospital? Anong nangyari?! Dumagundong ng malakas 'yung dibdib ko. No, it is not what you think, Rain.
"Ano?! Si Kylex nasa hospital? Saan?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Wendy. Umasim 'yung mukha ni Freya.
"St. Martin Hospital. Get your dirty hand off of me!" Maarte niyang ani sabay hila sa braso niyang hawak hawak ni Wendy.
"Tse! Mas madumi pa 'yang mukha mo, kesa sa kamay ko!" Irap ni Wendy sabay hila sa'kin palayo.
Tulala akong nagpapatianod sa pagkakahila niya.
"Beshy, puntahan natin si Kylex!" 'Yugyog niya sa balikat ko.
Tumulo 'yung luha ko. Ano na naman 'to, Ky? Gustong gusto mo talaga akong sinasaktan 'no?