Trust is like eraser. It gets smaller and smaller after every mistake.
Ganito nga talaga ang buhay.Minsan pasasayahin ka, pero madalas pinapalungkot ka.
Naiinis ako sa sarili ko, kase andali kong magtiwala sa isang tao. Kung gaano nila kadaling kunin ang tiwala ko, ay gano'n din nila kadaling sirain ito.
Wala akong kabuhay buhay na naglalakad sa corridor ng school. Kung sa iba, parang ordinaryong araw lang 'to, pero para sa'kin parang may nagbago. Wala na ang sigla ko sa pagpasok. Gusto ko nga sanang lumiban ngayon pero hindi p'wede, malapit na kasi ang periodical namin para sa last sem.
"Beshy!" Nagkukumahog akong nilapitan ni Wendy at tinignan mula sa baba, pataas. Anyare?
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Tumili siya at niyugyog 'yung balikat ko.
"Si Tristan at Kylex, nagsuntukan kanina!"
"Ano?! Bakit daw?" nanlalaki 'yung mga mata kong tanong.
"Hindi ko natanong e', pero ang naabutan ko kanina, 'yung sinabi ni Tristan na sinaktan ka daw ni Kylex? pagkatapos no'n may dumating na na prof." Hindi magkandauga ugang kwento niya. Napabuntong hininga ako.
"Sinaktan ka ni Kylex? Bakit?" Kunot noong tanong niya.
"Wala na kami, Wen." Seryosong ani ko at tsaka naglakad papuntang upuan ko. Sinundan naman niya ako.
"What? Anong nangyari?" Pangungulit niya. Wala na akong nagawa, kaya ikinuwento ko sakanya 'yung nangyari.
"Ano?! Aba't walanghiya pala 'yung Freya at Kylex na 'yun e'!" Nangangalaiting ani niya. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil anlakas ng boses niya.
"Hayaan mo na." Ani ko.
"Aba't hindi p'wede 'yon! Kung ayaw mong gumanti, ako ang gaganti para sa'yo!" tatayo na sana siya pero pinigilan ko.
"Wen, walang maganda sa paghihiganti. Hayaan mong karma ang gaganti para saakin. Kung gaganti ako, anong ipinagkaiba ko sakanila 'di ba?" Paliwanag ko. Ngumuso siya at bumalik sa pagkakaupo.
"Sabagay, tama ka. Ang bait bait ng kaibigan ko. Pa'no nila nagagawang saktan 'tong taong 'to?" ani niya tsaka pisil sa kamay ko. Ngumiti naman ako sakanya at iniwala nalang 'yung usapan.
"Asa'n na pala sila ngayon?" tanong ko. Tumaas naman 'yung kilay niya.
"Sinong sila? baka siya?" malisyosang tanong niya. Kinurot ko siya sa tagiliran.
"O' ba't defensive ka?" natatawa niyang ani. Ngumuso ako.
"Oo, asa'n siya? si Tristan asa'n?" sabi ko nalang.
"Asussssss!" pang-aasar niya.
Akma ko na naman ulit sana siyang kukurutin pero umilag siya."Nando'n sila sa clinic. Sabi mo ha?! si Tristan lang pupuntahan mo." ngiti ngiti niyang ani. Umiling ako at tayo. Pupuntahan ko si Tristan.
"Si Tristan lang."
Kamatok ako ng tatlong beses sa pinto, bago ako pumihit papasok. Unang nagtama ang panihingin namin ni Kylex. Umaliwalas 'yung mukha niya pagkakita sa'kin. Umiwas ako ng tingin at binalingan ko naman si Tristan.
Nasa magkabilang bahagi sila ng sofa. Bumuntong hininga ako at nilapitan siya. Narinig ko pa ang pag 'tss' no'ng isa.
"Anong nangyari?" tanong ko kay Tristan at tumabi ng upo sakanya. Hinawakan ko 'yung pasa sa gilid ng labi niya at pinisil.
"Aray ko naman, angel!" Nakangiwing ani niya. Umismid ako.
" 'Yan ang napapala ng mga basagulero!" Ismid ko. Tumikhim siya.
"Mga, angel? ako lang naman ah." Irap niya. Ngumisi ako.
"Edi 'ng'. Ang arte. Ano ba kasing nangyari? Ayos ka lang ba? Dapat kasi hindi ka na pumapatol sa mga taong ganyan." kunot noong ani ko. Humalakhak siya.
"Yes, ma'am! Sa susunod, hindi na ako papatol sa mga taong GANYAN." ngisi niya na ipinagdiinan pa 'yung salitang 'ganyan'. Umiling ako at tumayo na.
"Una na ako. Magsisimula na ang klase." ani ko. Hinawakan ni Tristan 'yung kamay ko at ngumuso.
"Dito ka munaaaa. Ikaw na gumamot sa pasa ko, please?" pagpapacute niya. Amp!
"Tse! Magdusa ka, ginawa mo 'yan e' "irap ko.
" e' pinagtanggol naman kita eh." pangongonsensya niya. What ever you say!
"Maiwan ka diyan." Final kong ani at lumabas na.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay may humila na agad sa braso ko at isinandal ako sa pader. Wtf?!"Hindi mo man lang ba tatanongin kung ayos lang ako?" kunot noong ani niya habang nakatitig sa mga mata ko. Bumilis 'yung tibok ng puso ko. Umiwas ako ng tingin.
"Bitiwan mo ako." Pagpupumiglas ko dahil nakahawak siya sa magkabilang kamay ko at nakadiin sa magkabilang gilid ko.
"Hindi mo manlang ako tatanongin, Ulan?" parang nagtatampong tanong niya. Kumunot 'yung noo ko.
"Bakit pa, Kylex?" matigas kong ani at tinignan siya sa mata. Tumawa siya ng mapakla at binitiwan ako. Bahagya siyang tumalikod at nagsalita.
"Just accept the fact that your favorite person isn't interested with you anymore, Kylex." basag ang boses niyang ani sa sarili niya. Pinunasan ko 'yung luhang lumandas sa pisngi ko. Bakit ba nasasaktan ako para sa taong sinaktan ako?
I still do interested with you, Kylex. But I'm trying my best to stop caring anymore.