Chapter 33

34 6 0
                                    

"Let your loved ones know that you love them before it's too late."

Ngumiti ako.

"Thanks, man." Pinisil ko 'yung kamay niya. Suminghot siya.

"Haha nababakla ka na naman." Asar ko sakanya. Ngumisi siya.

"Kasalanan mo 'to." Sakay niya sa biro ko. Sabay kaming natawa. Natahimik din pagkatapos. Tumingin ako sa cellphone ko. Mag-iisang oras na pala ako dito. Tumingin ako kay Jacob at tumayo na.

"Uhm, I have to go, Jake. Next time ulit. Naghihintay sa'kin si Kylex sa labas." Mahina kong paalam. Bumuntong hininga siya at hinawakan 'yung kamay ko. Napatingin ako sa kamay niya.

"Before you leave, I just want you to know that I'm so grateful because I met someone like you. Thank you for all the memories we once shared. You'll always have a special place here in my heart. Thank you. And for the last time, I love you, Rain."

Dahan dahan kong ipinihit pasara 'yung pinto. I sighed. Kahit papaano nabawasan rin ang bigat na nasa dibdib ko. Finally, ayos na kami ni Jacob.

Napalinga linga ako at hinanap si Kylex. Where is he? Baka nasa labas na? Naglakad ako palabas ng hospital. There's no sign of Kylex. Baka umuwi na? Naboring siguro kakahintay. Tumingin ako sa cellphone ko. Hindi manlang nagtext huh? Ba't ka concern, Ulan? Ayos na kayo? Napabuntong hininga ako. Makauwi na nga.

Hindi lahat ng bagay na abot kamay  mo, ay p'wede nang mapasaiyo. 'Yung iba hawak mo na, pero binitawan mo. 'Yung iba akala mo sa'yo, pero may iba pala talagang nagmamay-ari nito. At hindi lahat ng nang-iiwan ay hindi ka na  mahal, 'yung iba dumaan lang talaga upang sa iyo'y magbigay aral. Kagaya ng sa'min ni Jacob. Noong una, akala ko siya na. Pero hindi ko alam, na may darating pa palang iba. Mas higit at mas nakakalamang.

Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog 'yung cellphone ko.

Kylex calling...

Napatigil ako. 11:15 p.m. Anong meron?

Pinindot ko 'yung answer button, pero hindi ako nagsalita. May narinig akong nagkiskisang baso o isang babasaging bagay. Rinig na rinig ko rin 'yung paghinga niya.

Nang hindi ako nakatiis ay nagsalita na ako.

"Hello?" Walang sumagot. Paghinga niya lang 'yung naririnig ko.

"Kylex"
"R.ain.."

Magkapanabayan naming ani. Napakunot noo ako. Teka, umiinom ba 'to?

"Lasing ka?" Seryoso kong tanong.
May narinig akong suminghot.

"It is really hurt when you have to let go of someone you've been holding on for so long just so she could chase after someone she truly loves." Tila hangin niyang ani na rinig ko naman. Napakunot noo ako. Tinignan ko 'yung cellphone ko. Pinagsasabi neto?

"Ano?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko siya maintindihan. Let go of someone? She? Who? What?

"I'm sorry if I couldn't make you happy, baby. I am now setting you free. Be happy. The both of you." Then the call ended.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon