Chapter 21

35 5 0
                                    

Mahabang katahimikan ang bumalot sa'min, pagkatapos ng halik na 'yon. Shiz! Is this for real? Nanatiling magkadikit ang aming noo. Nag-angat siya ng tingin sa'kin at pinatakan ako ng halik sa noo.

"Are you okay,now?" Malambing niyang tanong. Tumango ako. Hindi ako makatingin ng deretso sakanya. Abot abot ang tahip ng puso ko!

"Tungkol sa nakita mo kanina sa'min ni Freya." Pagsisimula niya. Nagsimula na namang kumirot ang puso ko. Hindi ko maipirmi ang tingin ko sakanya, kaya hinuli niya 'yung mga mata ko.

"Rain, wala lang 'yon. Sabi niyang gusto niya ako, pero para sa'kin wala lang 'yon. I'm not interested with her." Ani niya sa'kin, habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi 'yan ang narinig ko kanina! She said, she loves you! Pilit kong nilulunok ang nakabara sa lalamunan ko.

"And besides, you owned me now." Nakangiti niyang ani. Umismid ako.

"Nagbibiro ka lang naman kanina!" Huli na nang mapagtanto kong may bahid ng pagkadisappointed 'yung boses ko. Sana nanahimik ka nalang, Ulan!

Pinagtaasan niya ako ng kilay. The sides of his lips curved.
"Sinong nagsabing nagbibiro ako?" May bahid ng panunuyang tanong niya. Inirapan ko siya at mahinang itinulak palayo, na 'di naman siya natinag!

"Sinong baliw ang magsasabing gusto niyang maging girlfriend ang isang babaeng hindi naman niya mahal?!" May bahid ng pagkairitang ani ko. Amusement was written all over his face, na naging seryoso din kalaunan. Humakbang siya ng isang beses palapit sa'kin at mabilis niya akong ikinulong sa mga bisig niya. Damn, Ethan! Napakadaya mo! Alam na alam mo kung pa'no ako maamuhin!

"Who gave you that idea, that I didn't love you huh?"husky ang boses niyang bulong sa tenga ko. Mabilis na gumapang ang pagtaas ng mga balahibo ko mula likod, papunta sa batok. And my heart racing so fast! Wala akong masabi! Para ko nang nalunok ang dila ko, sa mga naririnig. Pakshet!

"Damn, Rain. Lalo akong nahuhulog sa pagsusungit mo." Halakhak niya sa tenga ko. Uminit 'yung magkabilang pisngi ko. Shemay! Kylex, ba't ka ganyan? Bahagya ko siyang itinulak palayo, pero hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sa'kin. Rinig na rinig na niya siguro ang malakas na pagtambol ng aking puso.

"And may I remind you, Ms. Sanchez. Wala ako ngayon dito sa harapan mo kung hindi kita mahal. Sa tingin mo, sasayangin ko ang oras ko para sa babaeng hindi ko gusto? Sa tingin mo, pupuntahan kita dito para lang linawin ang pangalan ko, kung hindi kita gusto? I don't even care if what someone think about me, Rain. Pero simula no'ng dumating ka, ikaw na lang—ang iniisip mo nalang ang importante sa'kin. Kaya sabihin mo sa'kin kung hindi pa ba pagmamahal ang nararamdaman kong 'to. Kasi kung hindi, hindi ko na alam."

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon