Chapter 30

35 7 0
                                    

Don't depend on anyone, because even your own shadow leaves you when you're in darkness.

Naiinis ako sa sarili ko. Niloko na ako't lahat lahat, pa'nong siya pa rin? Sinaktan niya na ako, pa'nong siya pa rin 'yung isinisigaw nito? Iniwan na ako, paanong siya pa rin 'yung hinahanap ko?

Suminghap ako at nagpunas ng luha.

"Tahan na, beshy. Baka naman may binisita lang do'n si Kylex." Pagpapagaan ng loob sa'kin ng kaibigan ko. Naka sakay kami ngayon ng taxi papunta sa sinabing hospital. Kung may binisita, bakit umabot ng tatlong araw? Nakakainis.

Pagkababa namin, ay dumeretso agad kami sa front desk ng hospital.

"Miss, anong room number po ng pangalang Kylex Ethan David?" Si Wendy 'yung nagtanong, dahil hindi na talaga ako makapagsalita sa kaba. Kumunot 'yung noo nung nurse habang tumitingin sa listahan.

"I'm sorry, miss. Walang Kylex Ethan David ang nakaconfine dito." Ani nung babae. Kumunot 'yung noo namin at ako na 'yung nagsalita.

"Paki tignan naman ng mabuti, miss. Sigurado po kaming dito nakaconfine 'yung kaibigan namin." Aligagang sabi ko. Tinignan pa ulit ng babae 'yung papel, tsaka umiling. Suminghap ako.

Mas lumapit pa si Wendy sa nurse at siya na mismo ang naghanap. Huminga ako ng malalim. Luminga linga ako at namataan ko ang lalaking gustong gusto ko nang pagsasapakin ngayon. Seryoso siyang naglalakad palapit dito saamin at wala naman siyang iniindang sakit. Bahagyang uminit 'yung pakiramdam ko sa galit. Binalingan ko si Wendy at hinila ko na siya paalis do'n! Bwiset!

"Beshy, bakit?" Nagtatakang tanong niya. Umiling ako at nagpunas ng luha dahil sa inis.

"Hindi na dapat tayo pumunta dito." Pagalit kong ani. Kumunot ang noo niya. Magsasalita pa sana siya pero napako na ang tingin niya sa likod namin.

"Rain?!" Tawag ng pamilyar na boses. Binilisan ko pa 'yung lakad ko pero huminto din ako para hilahin ulit 'yung kaibigan kong parang nakakita ng multo.

"Tara na!" Naiinis kong hila sakanya. Napaawang 'yung bibig niya at tumingin sa'kin bago kay Kylex. Arg! Wendy, bilisan mo nalang!

"Ulan, sandali!" Napaikot ako nang bigla akong hilahin sa bewang ni Kylex. Umahon ulit 'yung galit ko.

"Bitiwan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko. Umigting 'yung panga niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong niya. Umirap ako at tinignan siya ng masama.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?!" Matigas kong untag sakanya. Bahagyang lumamlam 'yung mata niya bago kami sabay na napatingin kay Wendy na nagpaalam na hihintayin nalang niya daw ako sa labas.

"Sabay na tayo." Seryoso kong ani at nagpumiglas sa pagkakahawak ni Kylex sa bewang ko.

"Una ka na, Wendy." Matigas na ani Kylex sa kaibigan ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bitawan mo na nga ako!" Naiinis kong sabi. Umiling siya at hinila niya ako sa gilid na walang tao.

"Why are you here?" Matigas niyang tanong sa'kin. Umismid ako.

"Ano naman sa'yo?!" Sigaw ko sakanya.

"I still care for you, Rain!Even you don't need me anymore. Kaya ngayon, sagutin mo'ko. Anong ginagawa mo dito?" Malamlam ang mga matang tanong niya. Bumilis 'yung tibok ng puso ko sa una niyang sinabi.

"May binisita lang." umiwas ako ng tingin. Yumuko siya at hinuli 'yung tingin ko.

"E' bakit narinig kong tinatanong mo 'yung pangalan ko? Ako ba 'yung ipinunta mo dito?" Tumaas 'yung sulok ng labi niya. Nabuhay na naman 'yung inis ko. Sarap bangasan!

"Alam mo naman pala! Bakit ka pa nagtatanong?! At oo, ikaw 'yung ipinunta ko dito! Nagbabakasakaling patay ka na!" Sigaw ko sakanya. Bahagyang dumaan 'yung sakit at lungkot sa kanyang mga mata. Umiwas siya ng tingin. Naguilty naman ako sa sinabi ko. Umiling ako. Mas masakit pa diyan 'yung ginawa niya sa'yo, Ulan! Kaya bagay lang sakanya 'yan. Tumahimik kami pareho. Suminghot siya kaya napaangat ako ng tingin sakanya. Dali dali niyang pinahid 'yung luhang nalaglag sa pisngi niya na nakita ko naman. Suminghap siya. Sumikip 'yung dibdib ko. Lumapit siya sa'kin. Napaatras naman ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na semento sa likod ko. Itinukod niya 'yung dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko.

"Why is your ego and pride more important than your love for me?" Basag ang boses niyang tanong. Inangat ko 'yung tingin ko sakanya. Sumikip 'yung dibdib ko.

"Hindi ego ang nasaktan sa'kin, Kylex. Puso. Puso na ipinagkatiwala ko sa'yo, pero sinira mo."

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon