"Mommy! Mommy! Kuya Kyley (Kyler) and Kuya Andy is fighting!!" Nagkukumahog na sumbong sa'kin ng bunso ko.
Naghahanda kasi kami ni Kylex dito sa kusina ng dadalhin naming pagkain para sa picnic mamaya. Nagtinginan muna kami ni Kylex bago kami tumakbo palabas ng kusina.
At naabutan nga namin ang panganay kong nakasakay na kay Andy, anak ni Elise at Jacob. Yes, nagkatuluyan 'yung dalawa. Hawak hawak ng anak ko 'yung collar ng pinsan niya.
"Kyler!" Dali dali ko silang dinaluhan at pinaghiwalay. Pinatayo naman ni Kylex si Andy. Sakto naman ng pagpasok ni Jacob at Elise.
"Bakit ba kayo nag-aaway?" Tanong ko sa anak ko. Humikbi siya at itinuro si Andy.
"Andy is stealing my girlfriend!" Galit niyang sigaw. Nanlaki 'yung mga mata ko.
"She's not your girlfriend!" Balik naman ni Andy. Bumuntong hininga ako at lumuhod sa harap ng anak ko.
"Kylex, baby. You're still a kid. Marami ka pang makikilalang iba, anak. And besides, you are still 5 years old." Ani ko sa anak ko. Mas lalo namang nalukot 'yung mukha niya.
"But I want Zandra!" Sigaw niya. Napangiti nalang ako at ginulo 'yung buhok niya. Zandra is Wendy's daughter. Magkakaibigan kasi 'yang tatlong 'yan. 3 years old pa lang si Zandra at si Kyler naman at Andy ay 5 years old na.
"Okay, okay. Gusto mo bang magustuhan ka ni Zandy?" Tanong ko. Mabilis naman siyang tumango.
" Be a good boy. Kaya kapag lagi kang nakikipag-away, hindi ka magugustuhan ni Zandy." Pangangaral ko sakanya. Ngumuso siya pero unti unti ring tumango. Ngumiti ako sakanya.
"Papakasalan ko si Zandy, mommy." Seryoso niyang ani na parang siguradong sigurado na siya. Tumango na lang ako.
"You will."
Pagkatapos nun ay tumakbo na siya sa labas para makipaglaro ulit sa pinsan niya.
Tumayo ako at tumabi kay Kylex.
"Malaki na talaga 'yung anak natin." Natatawa niyang ani. Sinapak ko siya sa braso.
" E' pa'no ba naman, kung ano ano itinuturo mo diyan! Ambata bata pa lang, tinuturuan mo nang manligaw!" Untag ko sakanya. Humalakhak naman siya.
"Masmaganda na 'yon para 'di maunahan." Tawa niya.
"Tuturuan ko rin 'yung anak ko kung pa'no bumihag ng puso ng babae." Singit naman ni Jacob. Tinampal naman ni Elise 'yung pisngi niya. Napatawa ako.
"Mas gwapo naman 'yung anak ko." Pagmamayabang ni Kylex.
Umismid si Jacob.
"Says who?" Pang-aasar niya."Says the more handsome than you." Balik ni Kylex. Napangisi nalang ako. Hindi pa rin talaga nawawala 'yung bangayan ng magkapatid. Ang tatanda na pero 'yung mga kilos, parang bata!
"Hindi na kita hahayaang manalo sa'kin ngayon." Jacob smirked.
"Kailan ka ba nanalo sa'kin? HAHAHA watch and learn, pre. Nasaamin pa rin ng anak ko ang huling halakhak."
//END//
[A/N: Yey, tapos na! Maraming maraming salamat sa pagbabasa, babies! Nawa'y samahan niyo ulit ako sa mga susunod ko pang kwento. Ily!]