Chapter 3

62 7 0
                                    

Hindi pumasok sa tatlong subject si Kylex. Kanina pa ako tingin nang tingin sa pinto kung may Kylex Ethan na papasok, pero wala. Hays! Anong ginawa mo, Ulan? Nagtampo na ang baby ko. Kailangan niya talaga ng super duper ultra mega lambing pagbalik niya. Gusto ko nang makita 'yong nakabusangot niyang mukhaaaaa. Namimiss ko na ang kulugong 'yon.

Pagpasok ng pang-apat na prof namin ay sumunod naman papasok si Kylex. Saan siya galing?
Hindi siya umupo sa dating upuan niya. Do'n siya sa kabilang raw umupo. Nakipagpalit siya kay Lenox. Ayt, sayang naman. Bago umupo si Lenox ay nginitian niya ako. Ngumiti nalang ako pagbalik bago ko ibinalik 'yong tingin ko kay Lex. Napabuntong hininga ako. Nasobrahan ko ba 'yong pangungulit ko? Siguro nga Ulan! Bawas bawasan mo naman kasi 'yang kapilyahan mo.

Buong period siyang tahimik sa upuan niya. Paminsang minsang nakikipag-usap kay Freya, 'yong muse namin na katabi niya. And I swear, kanina ko pa sila sinisiringan. Nagseselos ako amp! Mas nagseselos ako sa mga babae kesa sa mga nagugustuhan niyang lalaki. Ewan ko ba! Basta, ayaw kong masaya siya sa ibang babae.

Palihim rin akong sinisiko ni Wendy(best friend ko) tuwing nahuhuli niya akong mariing nakatitig sa dalawa. Tss.

Hindi man lang niya ako binabalingan! Bakit ka titignan? Gusto ka ba? Pambabasag ng ibang bahagi ng isip ko. Edi wow! Mapapasa'kin rin naman 'yan. Watch and learn.

Pagkatapos ng last period namin sa umaga ay mabilis niyang niligpit ang gamit niya at sabay silang lumabas ni Freya. Hindi maaari!

Dali dali ko ring kinuha yung bag ko at lumabas. Nagtanong pa si Wendy kung saan ako pupunta. Sinabi ko nalang na may pupuntahan lang ako at magkikita nalang kami mamaya sa caf. Tumango naman siya.

Pagkalabas ko ay luminga-linga ako sa paligid. Asa'n na 'yong mga 'yon? Hayun!

Nakita ko silang paliko sa isang pasilyo kaya tumakbo ako roon para maabutan sila. I want to apologize of what I did earlier. Mabigat ang dibdib ko tuwing hindi niya ako pinapansin ng ganyan. Mas gugustuhin ko pang nagagalit siya sa'kin at palagi akong sinisigawan kesa sa ganyan. Ayoko ng ganito.

"Kylex!" tawag ko sakanya. Napatigil naman sila sa paglalakad. Bumaling sa'kin si Freya, samantalang si Kylex ay nanatiling nakatalikod. Kinalabit siya ni Freya at sinabi yatang tinatawag ko. Nagkibit balikat lang siya at hinila na palayo si Freya. Amp! Ba't gano'n? Ang sakit. Pasimple kong hinawakan 'yong tapat ng dibdib kong kumirot. Ano ba 'to? May sakit na ba ako sa puso? 'Wag naman.

Sambakol ang mukha kong naglakad patungo sa Cafeteria. Nando'n na si Wendy at kinawayan ako nang makita ako.

"What's with that face?" tanong niya sabay tulak ng isang tray ng pagkain palapit sa'kin na ang tantiya ko ay inorder niya para sa'kin. Napabuntong hininga ako bago ko sinimulang lantakan 'yong pagkain.

"Hinabol ko si Kylex," pagsisimula ko. Tumaas naman 'yong kilay niya.

"And?" tanong niya bago sumubo ng fries.

"I just want to say sorry sa ginawa ko kanina... pero hindi niya ako pinansin. Hinila lang niya si Freya palayo," malungkot kong kwento. Napabuntong hininga naman siya.

"Alam ko kasi, sis. Tigil tigilan mo na si Ethan. Kung gusto mo lang siyang kulitin dahil  bored ka, please stop it. Siguro nakukulitan na 'yon sayo, kaya hindi ka na pinansin," sabi ni Wendy. Napatigil naman ako.

Hindi ko naman siya kinukulit at inaasar dahil lang sa bored ako eh. Gusto kong makuha 'yong atensyon niya. I want him to like me. Gusto kong baguhin 'yong pinaniniwalaan niyang lalaki ang gusto niya. I want him to fall for me. I want him to fall very hard. Just like what he did to me.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon