EPILOGUE

68 5 0
                                    

After 5 years..

If love is real, it will never fail. But it doesn't mean you'll never get hurt, it doesn't mean that you'll not cry. People usually thinks this way, 'Love is about happiness and happiness and happiness alone'. But you see, God always have his ways on making people stronger. We get hurt for a reason. And that reason would make us better. That goes with a relationship too.

"Hey."

Napaayos ako ng upo nang bigla nalang pumasok sa office ko si Jacob. I rolled my eyes.

"You didn't know how to knock?" Irita kong tanong sakanya. Nagkibit balikat lang siya at umupo sa harap ng table ko.

"First day of your work, stress na stress ka. Loosen up, Rain." He giggles. Umirap ako at itinulak siya.

"Arg! 'Yung documents lukot na!" Saway ko sakanya. Inupuan ba naman 'yung mga papers sa mesa.

Humalakhak naman siya bago tumayo.

"Ba't ka ba nandito?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ngumisi siya sa'kin. Problema neto?

"Sigurado ka bang mahal ka ng jowa mo?" Nakangisi niyang ani habang pinapaikot ikot 'yung mga susi sa hintuturo niya. Kumunot 'yung noo ko.

"Anong klaseng tanong 'yan?" Seryoso kong tanong. Lumapit siya sa'kin at bahagyang humilig sa mesa.

"Answer my question, babe." Nakangisi niyang ani. Itinulak ko siya sa mukha.

"Oo naman. Pake mo?" Taas noong sagot ko. Humalakhak siya bago tumalikod sa'kin at naglakad papunta sa sofa.

"Weh?" Natatawa niyang ani. I rolled my eyes.

"Lumayas ka na nga dito. Istorbo ka." Binato ko siya ng lukot na papel. Imbes na matamaan ay sinalo pa niya ito. Kainis!

"Ha?"

"I said—-

"Hakdog." Humagalpak siya ng tawa. Bwiset! Panira ng araw, amp.

"Ba't ka ba kasi nandito?!" Naiirita ko nang tanong. Inilabas niya 'yung cellphone niya at may pinindo-pindot doon.

"Nasaan si Kylex?" Tanong niya ng hindi lumilingon sa'kin.

"Nasa trabaho, malamang." Pambabara ko. Tumawa siya.

"Weh?" Ani niya ulit habang nakatingin pa rin sa cellphone niya.

"Oo nga—-

"Eh sino 'tong nakikita ko ngayon dito? Nasa isang date, pare. Ang porma niya oh. May pa-candle light pa sila!" Napakunot ako ng noo. What is he talking about? Kumalabog ng malakas 'yung dibdib ko.

"Stop teasing me, Jake." Irap ko.

"Am I?" Nakataas kilay niyang balik sa'kin. "Why don't you see it yourself, para maniwala ka?" Inilahad niya sa'kin 'yung cellphone niya.

Umiling ako. Parang may nagbabara sa lalamunan ko. Kung nagbibiro lang siya, sana itigil na niya! Hindi na ako natutuwa!

"Stop it—-

"Oh come on, Rain. Tignan mo, para maniwala ka." Inilahad niya pa rin sa'kin 'yung cellphone niya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago naglakad palapit sakanya. Nanginginig 'yung mga tuhod ko. It is not what you think, Rain. Mahal ka ni Kylex. 5 years na kayong magkasama. Ngayon ka pa ba magdududa.

Kinuha ko 'yung cellphone sa kamay niya habang pigil pigil ang paghinga. Pero kusang tumulo 'yung mga luha ko nang mapatunayan 'yung mga nasa isip ko. Sh*t! Kitang kita sa picture kung gaano kasaya si Kylex sa harapan ng isang babae. Which is si Freya. My heart is squeezing. May mga pagkain sa harapan nila. May kandila pa! Tinignan ko 'yung caption. "He's so happy".

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon