Napahinto ako sa paglalakad nang nasa harap na kami ng pinto. Tumigil rin siya sa paglalakad at nilingon ako.
"You sure, you wanna go inside?" Nag-aalalang tanong niya. Bumuntong hininga ako bago tumango. Naglakad ako palapit sa pinto. Tumigil rin ako nang hindi siya sumunod sa'kin. Nagtataka ko siyang tinignan. Ngumiti siya ng pilit. Lumapit siya sa'kin at ginagap niya 'yung kanang kamay ko.
"I'll stay here, Rain. I'll wait for you here. If today brings new hope, I hope it brings me you." Nangingilid ang luhang ani niya. Tumitig lang ako sakanya. Alam kong may double meaning 'yung sinabi niya. My lips form a straight line. Tumango ako. Pinihit ko 'yung pinto. Bago ko pa maisara 'yung pinto ay narinig ko pa 'yung sinabi niya.
"Sana paglabas mo, ako pa rin."
Ipinilig ko 'yung ulo ko. I'm in pain Kylex, but I know what is inside.
Pagharap ko ay nagtama ang tingin namin ng lalaking unang minahal ko. Jacob.
Napatigil ako. Ngumiti siya sa'kin kasabay ng paglaglag ng luha sa gilid ng mata niya.
"You're here." Masiglang ani niya pero mahina. Bumuntong hininga ako at lumapit sakanya.
"How are you?" Seryoso kong tanong at umupo sa upuan na nasa gilid ng kama niya. Pinilit niyang umupo kaya inalalayan ko siya.
"Thank you."
Tumango ako.
"I'm sorry for all the pain." Napatingin ako sa kamay niyang humawak sa kamay ko. I am used to love this hands of him before. Hinawakan ko pabalik 'yung kamay niyang nakapatong sa kamay ko.
"It's okay, Jake. I know that everything's happen for a reason." Ngiti ko sakanya. Ngumiti siya tapos suminghot. Ngumuso ako.
"After all this time, Rain. I still love you." Basag ang boses niyang sabi. Suminghot din ako at nagpunas ng luha.
"Jacob."
Tumawa siya."Minahal naman talaga kita, Ulan. Mahal naman talaga kita. I am just blinded by the thought na mahal ko si Andrea. I'm sorry." Basag ang boses niyang sabi. Nasasaktan akong makitang nasasaktan ang lalaking minahal ko dati. Sumikip 'yung dibdib ko. I'm sorry, Jake. Kung sana ako parin 'yung dating, Ulan. Siguro puwede pa. Pero hindi na e'. Sa loob ng isang taon, maraming nang nangyari. Kasama na do'n 'yung kapatid mo.
"Jacob, I'm sorry—-
Hinila niya ako at niyakap.
"Shhh. Alam ko na, Ulan. Kinuwento na lahat ni Kylex ang lahat. I'm happy to see you happy even though I am no longer the reason behind your smiles." Mahina niyang sabi. Kumalas ako ng yakap at sumalampak ng upo.
"I am not happy, Jake." Nakanguso kong ani. He chuckled.
"Go take the risk, even if you think that you may fail but at least you've tried your best. That's the bravery within you." Nakangiti niyang sabi sabay turo sa'kin. Bumuntong hininga ako.
"Let your loved ones know that you love them before it's too late."