Chapter 35

33 5 0
                                    

Pumasok kami sa loob ng malaking bahay. May ikalawang palapag siya. Sumunod naman sa'min 'yung dalawa. Naririnig ko pa 'yung hagikhikan nila sa likod. Amp! Ansakit sa tenga.

"Sino lang 'yung nandito?" Tanong ko kay Jake. Hila hila niya 'yung maleta ko. Yes po, opo. Maleta po. Sabi niya kasi magbabakasyon kami e'. Kaya hayan. Bakasyon na kasi namin ngayon. Tapos naman na din 'yung examinations.

"Dalawang kasambahay at si Kylex. Paminsan minsan ding dito natutulog si Elise." Ani niya. My lips turned into grim line. Kagaya ba ngayon? Tss. Naiinis na naman ako. Gano'n ba talaga sila kaclose?

"Bihis lang ako." Rinig kong sabi ni Elise. Nagtuloy tuloy kami sa pagpasok ni Jacob.

"Do you want to take a nap?" Tanong ni Jacob. Siguro nga. Inaantok rin ako e'. Hindi ako nakatulog sa byahe.

"Yes, please." Tumango siya at iginiya ako sa ikalawang palapag. Habang paakyat kami ay naririnig ko ang yapak sa likod namin. Sumusunod pa rin siya?

"This is your room." Turo niya sa isang pinto. Luminga linga ako. Andaming pinto.

Napatingin ako sa lalaking nakahalukipkip sa pinto na katapat ng magiging kwarto ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

"And this is my room. Katabi lang ng kwarto mo. You can knock the door if you need anything." Ibinalik ko 'yung tingin ko kay Jacob. Tumango ako. At nagpaalam nang papasok na ako. Hindi na ako lumingon sa isa.

Pagkapasok ko ay padapa akong sumalampak sa kama. I groaned. I'm so tired. Mga ilang minuto pa ay narinig kong bumukas 'yung pinto. May nakalimutan sigurong ibilin si Jacob.

"What is it, Jake?" Nakadapa paring tanong ko. Naramdaman kong lumubog 'yung kama.

"May nakalimutan ka bang ibilin?" Tanong  ko. Hindi na ako nag-abalang tignan siya.

"Rain."

Napabalikwas ako ng  bangon nang marinig kong si Kylex 'yung nagsalita.

"What are you doing here?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko.

Masama 'yung tingin niya sa'kin. Anong ginawa ko? Ako nga dapat 'yung nagagalit dito!

"Bakit kayo nandito?" Seryosong tanong niya. Umirap ako.

"Bakit? Ikaw lang ba may ganang pumunta dito?" Taas kilay ko. He clenched his jaw.

"Bakit kayo magkasama?" Iritado niyang tanong.

"Anong pakialam mo?" Inirapan ko siya.

"Don't use that line to me, Rain." Madiin niyang ani. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit? Ayaw mo ba ako dito? Na-i-istorbo ba namin kayo ng babae mo?" Salubong ang kilay kong ani. He groaned.

"Wala akong babae." Pagalit niyang sagot. Umismid ako.

"Whatever you say." Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Get lost, Ethan!

"We're not done talking, woman." Hinatak niya 'yung kumot na nakatalukbong sa'kin.

"Ano ba! Akin na nga 'yan!" Pilit kong inaagaw 'yung kumot na hawak hawak niya. Inilayo niya sa'kin 'yun.

"Not until we're not done talking." Madiin niyang ani. Binitiwan ko nalang at pasalampak na umupo.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryoso niyang tanong. Hindi pa rin ba siya tapos diyan?!

"Magbabakasyon." Simpleng sagot ko.

"Dito?" Kunot noong tanong niya.

Umirap ako. "Bawal?"

"Lumayo nga ako, tapos ikaw naman 'yung lumalapit?" Kunot noong ani niya. Napatingin ako sakanya.

"Bakit ka umalis?" Salubong ang kilay kong tanong. Umiwas siya ng tingin. Ngayon ko lang napansin na nakapagpalit na pala siya. Nakasuot na siya ng maong na short at plain black na V-neck t-shirt.

"Kailangan ko lang hanapin 'yung sarili ko." Hindi makatinging sagot niya. Para namang kinukurot 'yung  puso ko.

"Really, Ky? Hanapin 'yung sarili mo? Dito? Sa piling ni Elise? Gano'n ba?" Kunot noong tanong ko. Parang may nagbabara sa lalamunan ko.

Marahas siyang bumaling sa'kin.

"No." Madiin niyang sagot.

"Gano'n 'yon, Kylex. Kaya please, gusto ko na munang magpahinga." Humiga na ako at tumalikod sakanya.

"Sa tingin mo, masaya akong makita kang may kasamang iba, Ulan? Sa tingin mo, makakaya kong manatili at nasisilayan kang masaya sa iba ha?" Parang may hinanakit niyang sabi.

"Nakakamatay ang maling akala." Simpleng sagot ko.

"Babalikan naman kita e'. Magpapalamig lang ako dito ng mga ilang araw." Binalewala niya 'yung sinabi ko. Humarap ako sakanya. Nagtama naman 'yung tingin namin.

"Bakit mo'ko babalikan?" Seryosong tanong ko.

"Kasi mahal kita, Ulan. At kung mahal ka, babalikan ka." Marahan niyang sagot. Tumibok ng malakas 'yung puso ko.

"Hindi, Kylex. Kung mahal ka, hindi ka iiwan. You left like I was never a reason for you to stay."

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon