Chapter 38

41 6 0
                                    

"Help me fix it. Mend it with you." Mabilis ang tibok ng puso kong ani. Mabilis niyang sinapo 'yung magkabilang pisngi ko at pinagdikit 'yung mga noo namin.

"You don't even know how much I love you, baby." Basag ang boses niyang ani.

Nang tumagal kami do'n ay napagpasyahan na naming bumalik. Habang naglalakad kami pabalik ay pasimple niyang sinasagi ng kamay niya 'yung mga daliri ko. 'Pag titignan ko naman siya ay kunwaring may tinitignang iba. Napapangisi nalang ako. Alam ko 'yung gusto niyang gawin. Nahihiya siya siguro. Tahimik akong tumatawa sa hitsura niya. He looked so nervous.

Nang tinanggal ko 'yung kamay ko sa gilid ko at humalukipkip ay tuluyan na siyang sumimangot. 'Di ko na tuloy napigilang tumawa. Sinamaan niya ako ng tingin.

"What's funny?" Iritado niyang  ani. Tumigil ako sa pagtawa, pero napapangiti pa rin.

"You're so grumpy!" I teased. He rolled his eyes.

"You're so grumpy!" He mocked my words.

"Ano? aawayin mo na naman ako? Gusto mo 'atang maghiwalay na talaga tayo ng tuluyan e'!" Kunwari galit galitan kong ani, pero sa loob loob ko, humahagalpak na ako ng tawa lalo na nang manlaki 'yung mga mata niya.

Magsasalita pa sana siya, pero sakto namang nakarating na kami.

"O' ano na namang mga mukha 'yan? Akala ko 'pag nagkasolo kayo, magbabati na kayo." Salubong sa'min ni Jake.

Napakunot noo naman si Elise.
"You know each other?" Turo niya sa'min ni Kylex. Tumango nalang kami.

Napatakip siya sa bibig niya.
"I knew it! Kaya pala may napapansin ako." She giggles. Tumawa si Jacob.

"Anong napapansin mo?" Natatawang tanong niya.

"Basta! You're so nosy, Jake. Tsk." Untag niya kay Jacob. Natawa tuloy ako. Ako lang 'yung tumawa sa lahat kaya napatigil ako. Awkward!

Pagkatapos naming maligo ay bumalik na din kami sa mansyon. Umakyat ako sa taas at nagbihis. Nang makapagbihis ako ay napagpasyahan kong tumambay muna sa terrace.

Humalukipkip ako at dinama 'yung ihip ng hangin. Mas maganda pala 'yung view dito sa taas. Kitang kita mo 'yung dagat.

Napatigil ako sa pagmumuni muni nang may yumakap sa'kin galing sa likod. Amoy pa lang kilalang kilala ko na.

"Baby." Bulong niya sa tenga ko. Tumaas 'yung mga balahibo ko sa batok at gumapang sa buong mukha ko.

"Hmm?"

"Magbati na tayo." Naramdaman ko 'yung pagnguso niya. Napangiti ako. Pinagsalikop niya 'yung mga daliri niya sa may tiyan ko. Mas hinigpitan pa 'yung yakap.

"Nag-away ba tayo?" I teased. Nagpakawala siya ng buntong hininga at marahang kinagat 'yung tenga ko. Napatili tuloy ako.

"Ethan!" Nanlalaki 'yung mga mata kong untag sakanya sabay hampas sa braso niya.

"Pinagkakatuwaan mo 'ko!" He hissed at 'yung leeg ko naman ngayon ang pinagdidiskitahan kaya bahagya akong lumayo.

"I am not!" Untag ko at lumayo sakanya.

He smirked.

"Come here." He gestured his hands asking me to come closer. Mas lalo tuloy akong umatras. Umiling ako.

"Let me bite my baby!" Sinugod niya ako kaya nagtatakbo ako papasok sa kwarto. We spent hours para mag-asaran at maglampungan. Nang mapagod ay pareho kaming humiga sa kama at parehong nakatitig sa kisame. Walang nangangahas na bumasag sa katahimikan.

Napatingin ako sakanya nang pagsalikupin niya 'yung mga daliri namin at dinala sa mga labi niya para mahalikan ito. Hinila niya ako palapit at mahigpit na niyakap.

"Can't wait for the moment that you're the first thing that I'll see every time I woke up in the morning. Eating our breakfast and drinking our coffee together, while telling how much we love each other. I'm craving for that moment." He whispered. Me too, baby. Me too.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon