"Aaaaaack! Ang gwapo niya talaga!" malakas na tili ng mga babae.
Napatawa ako nang makita parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha ni Kylex habang palabas ng kotse niya. Yes po, opo! Kahit barbie 'yang mokong na 'yan, anlakas parin makahatak sa mga kababaihan. Pa'no ba naman kasi eh ang suplado. 'Di niya alam na mas lalong naaattract ang mga babae sa pagsusuplado niya, at isa na ako ro'n. Plus hindi naman siya babae kung magsuot ng damit. Ang isinusuot niya naman ay ang mga usual na isinisuot ng mga lalaki and he is so fucking smoking hot with that.
Padabog niyang isinara 'ykng pintuan ng kotse niya. Agang-aga ghorl, sambakol ang mukha. Nang mapatingin siya sa gawi ko ay kinawayan ko siya. Inismiran naman niya ako. Aba!
"Kylex!" tawag atensyon ko sa kanya. Hindi siya pumansin. As usual. Your lola is peymusing ha? He do not pansin pansin my gorgeous peys!
Hinabol ko siya at mabilis na lumingkis sa braso niya.
"Hi mahal! Magandang ako sa umaga," nakangiti kong bati. Sinamaan niya naman ako ng tingin at mabilis na binawi 'ykng braso niya. Napanguso naman ako.
"Who are you?" kunot noong tanong niya. Aba't—- pinagloloko ba ako ng barbie na 'to? Humanda ka sa'kin.
"Mahal naman, sorry na. Wala lang naman 'yon eh. Kaibigan ko lang si Jacks. 'Wag ka nang magselos. Ikaw lang naman mahal ko eh," nakangusong sabi ko. Sinadya ko talagang iparinig 'yon sa mga taong malapit sa'min. Tinignan naman niya ako ng 'what-are-you-fcking-saying' look. Yes po, opo! May fucking fucking. Charot HAHAHA!
"Rain, tumigil ka, hindi na nakakatuwa," inis niyang sabi sabay irap sa'kin. Napatawa ako ng nalakas.
"HAHAHAHAHA Hindi pala kilala ha?" may panunuyang sabi ko. Umasim naman 'yong mukha niya at tinalikuran ako.
"Hoy mahal! Hintayin mo naman ako!" Habol ko sakanya. Mas lalo naman niyang binilisan 'yong lakad niya. Potek naman oh.
"Mahalll!" sigaw ko pa, kasi ang layo na nga niya talaga. Bakit naman kasi ang liit ng biyas mo, Ulan? Kainis naman oh.
Nang makapasok ako sa room namin, todo hingal ako. Kasi naman! Ang bilis bilis maglakad.
"Mahal naman, hindi mo man lang ako hinintay—-
"HINDI NA AKO MAGTATAKA KUNG BUKAS NA BUKAS AY NASA HEADLINE NG NEWSPAPER 'YONG PANGALAN KO, DAHIL NAKAPATAY AKO NG MGA MALALANTOD NA PUSA," malakas niyang sigaw. Napatigil lahat ng tao sa room. Ako naman eh kunwari hindi nakuha 'yong sinabi niya.
"Asa'n 'yong malantod na pusa, mahal?" pagbibiro ko. Padabog naman siyang tumayo at nilapitan ako. Halaaaaa! Isasalvage na yata ako ng mapapangasawa ko!
Nang makalapit siya sa'kin ay dinungaw niya ako at binigyan ako ng nagbabagang tingin.
" 'Pag 'di ka pa tumigil, aanakan na kita."