Chapter 31

40 8 0
                                    

"Hindi ego ang nasaktan sa'kin, Kylex. Puso. Puso na ipinagkatiwala ko sa'yo, pero sinira mo." Matigas kong sabi sakanya. Suminghot siya. Hinawakan niya ako sa pisngi.

"I'm sorry, baby. I am asshole that time. Pero sa una lang naman 'yon. Hindi ko 'yun itinuloy. Lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam ko sa 'yo ay totoo. I never fake my love and care for you, baby." Tila hirap niyang sabi sa'kin. My heart racing so fast. Hinarap ko siya at pinakatitigan sa mata.

"Bakit ka gumaganti?" Walang emosyon kong tanong sakanya. Lumunok siya.

"Hindi 'yon natuloy—-

Pinutol ko siya.

"Bakit ka gumaganti?" Matigas kong tanong.

"Baby.." nag-aalinlangan niyang ani. Umirap ako. Okay. Akma na sana akong aalis nang mabilis niya akong hilahin sa braso.

"Heto na, sasabihin na. Manatili ka lang." ipinatong niya 'yung noo niya sa balikat ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

"Naalala mo si Jacob? 'Yung first boyfriend mo?" Panimula niya. Napakunot noo ako. What's with Jake?

"Anong meron kay Jacob?" Nagtatakang tanong ko.

"Kuya ko siya." Nanlaki 'yung mga mata ko sa narinig. What the hell? Bakit siya pa? Hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya.

"Siya 'yung dinadalaw ko dito sa hospital, Rain. Nacoma siya ng isang taon, dahil naibangga niya 'yung sasakyan niya sa isang poste. At dahil 'yon sa pang-iiwan mo. Nagpakalasing siya. At 'yon ang dahilan kung bakit gagantihan sana kita sa pananakit sa kuya ko—na hinti natuloy." Malakas ko siyang itinulak. Kaya pala! Nagpunas ako ng luha.

"Baby."

"Tinanong mo manlang ba, kung bakit ko siya iniwan, ha?! Tinanong mo manlang ba?! Pinagpustahan nila ako, Ky! Kapalit ng panliligaw ng kapatid mo, sa kapatid ng barkada niya. Ang saya 'di ba? Ang saya saya! Walang duda. Magkapatid nga talaga kayo. Mga manloloko!" Sinampal ko siya ng malakas sa kanang pisngi. Tuloy tuloy na naglaglagan 'yung mga luha ko. Ang sakit. Feeling ko napagkaisahan ako. Pareho akong niloko ng mga taong minahal ko. Ang tanga tanga mo, Rain! Ang tanga tanga! Niloko ka na nung una, hindi ka pa nadala!

Mabilis ko siyang tinalikuran.
Hindi pa ako nakakatatlong hakbang nang yakapin niya ako galing sa likod.

"I'm sorry. I'm sorry,baby. Kahapon ko lang din nalaman ang lahat. Kagigising lang din ni Kuya. I'm sorry, baby. I really am." Umiiyak niyang ani galing sa likod ko. Tumigil ako sa paglalakad. Suminghot ako.

"Nasaan siya?" Mahina kong tanong. Hinigpitan niya 'yung yakap niya sa'kin na parang 'pag bibitiwan niya ako ay hindi na niya muli akong mahahawakan kahit kailan.

"You wanna see him?" Basag ang boses niyang tanong. Tumahimik ako sandali. Tumango ako. Pero hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap.

"Let me go." Matigas kong ani. Mas lalo niyang isinubsob sa balikat ko 'yung mukha niya.

"I can't, Rain." Tila hangin niyang sabi. Sumikip 'yung dibdib ko.

"Akala ko ba pupuntahan natin si Jacob?" Seryoso kong tanong. He groaned. Lumuwag 'yung pagkakayakap niya.

"Okay. But promise me, that you won't leave me this time." Nanghihina niyang sabi sabay bitaw sa'kin. Hindi ako sumagot.

Hindi lahat ng umaalis, Kylex, ay hindi nasasaktan.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon