Manila, Philippines
"Starting from now on, you are terminated in the service, Serrano!" Kasabay no'n ay pinukpok ng chief of police ang mesa.
"B-bakit Sir? Wala akong ginawang masama," agad na reklamo ni Heidi.
Isang nang-uuyam na ngiti ang sumibol sa mga labi nito. "Wala? Namatay si Mr. Liang! Sabihin mo nga sa akin kung aware ka kung sino ang taong 'yon? Kung gaano siya kaimportante?"
Kumunot ang noo ng dalaga.
"Siya lang naman ang founder ng Morph. Isa 'yong foundation na tinutulungan ang mga bata at may kapansanan sa buong mundo. Isa siyang Chinese National na ibinahagi ang yaman niya sa napakaraming charity institution sa buong mundo. Isa siyang mabuting Samaritano na kilala ng lahat! At napatay siya mismo dito sa bansa natin! Specifically in this city! Moreover with my constables escorting him along the assassination was executed! Nakakahiya ang nangyari, Serrano! Sinisisi tayo ng mga tao. Alam mo ba kung anong sinasabi nila? Na ang mga pulis na gaya natin ay display lang sa istasyon! Na wala tayong kuwenta!"
"S-sir... alam niyong hindi ko ginusto ang nangyari. Ginawa 'ko ang parte ko para protektahan ang subject. Anong malay ko na tatambangan kami sa daan? Anim na kalalakihan ang pumigil sa amin. Dalawa lang kami ni Guiller. Ni wala kaming kaide-ideya na nasa ganoong alanganin ang buhay niya. At napatay si Guiller!" tukoy niya sa kasamahan niyang pulis.
"That's it! Kung talagang napaligiran kayo, bakit nakaligtas ka? At ganyan lang ang injury na sinapit mo?" Iminuwestra nito ang kamay sa kanya. Itinuturo ang benda niya sa braso na naka-sling.
Ha? Napailing si Heidi. Hindi makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang superior. Anong ibig nitong palabasin? Na may kinalaman siya sa pagkamatay ng Chinese? Naikuyom niya ang mga palad. Matagal na siyang nagtitiis sa mga maling akusasyon at pamamalakad nito.
Nakakalungkot mang aminin. Totoong nakakasuka ang trabaho ng isang pulis hindi dahil sa mga kriminal na hinaharap nila kundi mismong sa mga pulis rin na inaabuso ang awtoridad na iniatang sa kanilang balikat. Di naiiba si Chief Gabriel Latoga. Pinapalabas nitong ginagawa nito ang trabaho nito pero ang totoo, kulang na lang ay ipaubaya nito sa mga tauhan ang lahat ng report sa istasyon na 'yon.
"Wala kang magagawa kundi ang tanggapin ang desisyon ko kung ayaw mong lumala pa ang posisyon mo. Lahat ng mga tao dito ay pinaghihinalaan ka, Serrano."
"That's bullshit! Sinuwerte lang ako sa pagkalaglag ko sa bangin! Kung namali ako ng bagsak, malamang hindi niyo na ako kinakausap pa ngayon! At anong magiging motibo ko? Wala kayong ebidensiya para akusahan ako, Sir. Wala din kayong karapatang i-terminate ako dahil wala akong ginagawang mali! Tutulong akong malutas ang kaso. I-assign niyo 'ko sa murder case ni Mr. Liang. I can also be a witness if you want."
Kumunot ang noo ng chief. "Witness?"
"Natatandaan 'ko ang mukha ng iba sa kanila. Sa tingin ko makikilala ko sila kung makikita ko ulit sila." Hindi niya puwedeng makalimutan ang mukha ng dalawang lalaki sa anim na taong tumambang sa kanila. At ang nakakagulat doon, hindi sila mga Filipino. They looked more like Japanese or Chinese.
Ang isa na may kakaibang aksesorya mula sa leeg nito. Isang choker o collar na may kakatwang disenyo. Bago siya mahulog sa bangin ay kitang-kita niya sa mga mata nito ang kakaibang kislap. Na para bang ang pagpatay ay nagbibigay ng kasiyahan dito. At talagang nanayo ang balahibo niya sa panghihilakbot—isang natural na reaksiyon. At iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam siya ng matinding takot.
"Kung nakita mo ang mukha nila at magiging witness ka, lalong magiging magulo ang sitwasyon mo, Serrano. Hindi ka ba natatakot na baka ang pamilya mo ang balikan nila?"
BINABASA MO ANG
LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomanceCopper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya dahil sa isang serial killer. He vowed to eliminate murderers especially the one who killed Ayano...