Part 37

617 62 1
                                    

Sinipat ni Copper ang mga tao mula sa loob ng gymnasium. Pasimpleng naglumikot ang paningin niya sa mga bisitang naroroon sa pagtitipong 'yon. Ginalaw niya ang micro-transmitter sa tainga. Gumagamit din ng mga makabagong gadgets ang Zeltics sa guarding disguise ng mga security agents. Talagang hindi pipitsuging ahensiya. 

Tumutok ang mga mata niya sa negosyanteng si Mr. Borromeo. Isang may edad na car dealer na nakasuot ng pulang bow tie na kitang-kita sa puting suit nito. Ito ang subject nila. Ang kauna-unahang taong kailangan nilang patumbahin alinsunod sa instruksiyon ng isang ahente. Iyon ang assignment sa kanila ng pinakamataas na trainer ng Zeltics. 

Isang aktuwal na trabaho para binyagan ang mga bagong miyembro. Di niya alam ang rason kung bakit ipinapapatay ng mga ito ang negosyante pero wala na siyang pakialam pa sa bagay na 'yon. Mula sa kabilang panig ay lumisya ang mga mata niya sa isang taong responsable sa lahat ng mga nangyayari.

Gen. Gaston Brigante was openly talking to a group of acquaintances. Isang Major Lieutenant sa mismong unit nito, dalawang Sergeant, at ilang matataas na empleyado ng ahensiya. Panatag na nagkukuwentuhan ang mga ito sa may di kalayuan habang may kanya-kanyang hawak na kopita. Kapansin-pansin ang palagay na loob ng matanda. Dahil marahil alam nitong lahat ng naroon ay mga tuta nito sa loob at labas ng gobyerno. 

Walang nangyaring pormal na pagpapakilala nang dumating ang mga ito. Maaring hindi nito gustong ipangalandakan na bukod sa mataas na posisyon sa kapulisan ay pinamumunuan nito ang isang grupo ng mga kriminal. At lahat ng tao na naroon ay alam ang bagay na 'yon. Zeltics agents were mingling around like ordinary civilians. Nalukot ang ilong niya. The nerve they had! A party for cheap murderers.

Di pa sila pormal na naipapakilala ni Heidi. Malamang ay pagkatapos nilang maisagawa ang misyon. Mistulang isang malaking production ang pagtitipon para sa isang palabas. At ang entrada ay ang pagbaon ng bala sa ulo ni Mr. Borromeo. Ang simula ng tunay na kasiyahan.

"You are dashing on that three piece suit, Jet."

Nilingon niya ang boses na kanina niya pa hinihintay. He was dumbfounded when he saw Heidi a meter away from him. Bumaba at tumaas ang paningin niya sa ayos nito. She was wearing a pearl tube-dress na hanggang sakong ang haba. May slit iyon hanggang sa kalahati ng hita nito.

Her hair was neatly pulled together on a chignon. At may tendrils na nakalawit sa magkabilang gilid ng mukha nito. Her long lashes were emphasized with black mascara and her lips were as red as bloody petals of fresh roses. She looked like a queen descending from her throne. At naramdaman niya ang pagtutok ng mga mata dito ng ilang mga kalalakihan.

Agad siyang lumapit dito at kinabig ito sa ulo pasandig sa kanyang dibdib. Alam niyang naririnig nito ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso niya. Di siya kinabahan pagkakita sa target pero sa pagsipat sa dalaga ay naturete ng husto ang utak at dibdib niya. Literal na nawala siya sa konsentrasyon. "You are the one to talk. Damn it! Why are you so beautiful?"

"H-huh?"

Kinabig niya palapit ang baywang nito. "Kumukuha ka ng sobrang atensiyon. Ayokong tinitingnan ka ng mga lalaki sa ganoong paraan. I will fucking kill them if they lust over you."

Hinampas nito ang dibdib niya. "Masyado ka. Nababasa mo ba ang naiisip nila?"

Inilapit niya ang bibig sa tainga nito at bumulong. "Hindi ko na kailangang maging mind reader para masabi kung anong nasa isip nila. Obvious naman sa ginagawa nilang paghagod ng tingin sa'yo. The moment I laid my eyes on you, I want to lock you in a room and make love to you 'till we are both senseless."

Itinulak siya nito sa dibdib at namasdan niya ang pamumula ng mga pisngi nito. Lalo itong naging kaakit-akit. "Wala tayo sa tamang oras at lugar para sa mga ganyang bagay, Jet. Isang propesyunal ang nag-ayos sa akin. Bantay-sarado ang kilos natin sa ilang trainers ng ahensiya. Nandito sila. Wala tayong kawala." Pumuno ang pagkabahala sa mga mata nito.

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon