Kyoto, Japan
HYDRA Main HQs
"ANG galing mo talaga, Lead! Wala kang kupas sa sharpshooting!" Tinapik ito ni Nitro sa balikat. Nasa training center ng headquarters ang ilang assassins ng HYDRA. Ang bawat isa ay sinasanay ang mga sarili sa paggamit ng baril.
"Bakit tahimik si Copper?"
Narinig ni Copper ang pagbanggit sa kanya subalit nanatili siyang nakaupo sa mono block habang nakasandal sa dingding.
"Palagi namang ganyan 'yan. Ang alam ko katatapos lang ng misyon niya sa Tokyo."
"Pumalpak ba?"
"Nagbibiro ka ba? Siya lang ang tanging assassin na walang failed record sa HYDRA sa dami ng mga misyon na hinawakan niya. Kaya paborito siya ng ilang mga Lifters."
Muli ang tahimik na si Copper ay nagpanggap na walang naririnig. Subalit nilapitan siya ng tatlong kasamahan na naroon na waring di na nakatiis—sina Nitro, Lead, at Radon.
"Hey, dude. I heard that Ritzuki was literally eaten by fire. You really overdid it... man," komento ni Lead.
Di siya sumagot at nanatiling nakapako ang mga mata mula sa malayo na tila may tinatanaw.
"Hindi pa kita nakitang gumamit ng baril. Paano mo naisasagawa ang mga misyon mo gamit lang ang maikling espada na 'yan?" tanong ni Radon.
Bumaba ang tingin niya sa hawak na kaluban sa narinig. "A sword can attack the opponent at the same time it can protect its owner. A gun can't do the latter," he whispered.
"Kung ganoon ang sandata mo ay para sa mga taong hindi pa handang mamatay?" tanong ni Nitro.
Tiningnan niya ito. "Who knows? Siguro ay para sa isang taong walang choice kundi ang mabuhay kahit pa gusto niya nang mamatay."
"May nangyari ba sa Ritzuki?"
Napatungo siya at naningkit ang mga mata. Itinaas ang paa sa mono block na nasa harap niya at mula doon ay isinampay ang isang braso. Imbes na isang kaluban ng kogatana lang ang nasa kamay niya ay dalawa ang hawak niya.
Blanko ang mga mata. Bumalik sa ala-ala niya ang nangyari sa pagitan nila ng taong minsang tumayo bilang ama niya.
Gadali lamang ang pagitan ng talim ng kanyang kogatana sa mukha ni Shiratori. Dumilat ang matanda ng ilang segundo pa ang nagdaan subalit nanatili pa rin itong nakatayo.
"Anong problema? Hindi mo ba kaya?"
"I have no right to kill you. Maaring may dahilan pero wala akong karapatan." Ibinaba niya ang kogatana. "Hindi ako hihingi ng tawad, Sensei. Pero di ibig sabihin no'n na di ko pagbabayaran ang kasalanan ko sa'yo. Mabubuhay ako sa paraang gusto mo. Kaya mabuhay ka rin sa paraang nakalaan sa'yo." Kinuha niya ang knapsack na nasa likuran niya at hinagis 'yon sa harap ng matanda.
Nagtatakang tumingin ito sa sisidlan bago nagtatanong ang mga matang bumaling sa kanya.
"Pumunta ka sa Okinawa. Lahat ng dokumentong kakailanganin mo para sa pekeng pagkatao, nariyan. Putulin mo ang natitira mong kaugnayan sa TRIAD. Palalabasin ko sa organisasyon na napatay kita at ganoon din ang palabasin mo sa publiko. Alam kong wala nang natitira pa sa'yo kundi ang Ritzuki. Isuko mo na ang lugar na ito. Isang bankbook na nakapangalan sa'yo ang kasama diyan kaya huwag kang mag-labas ng pera gamit ang tunay mong pangalan. Hindi ka nila matutunton kung gagawin mo ang sasabihin ko."
"Anong sinasabi mo?! Sinabi ko nang wala na akong dahilan para mabuhay. Huwa—"
"Si Makoto. Nasa Okinawa si Makoto."
Nanlaki ang mga mata nito. "Paanong—"
"Nagawa kong bawiin siya sa balintunang kasosyo mo. Kahit di mo sabihin, alam kong hawak ka sa leeg ng TRIAD kaya pikit-mata mong ginawa ang gusto nila. Pinalabas nilang namatay siya kaya naman nagalit ka at binalikan mo sila. Pero wala ka nang nagawa nang kunin nila sa'yo ang teritoryo mo. I'd already deal with that shitface who tried to hurt your son."
Nanlalatang napaluhod si Shiratori. Pumatak na mula sa mga mata nito ang mga luha. "A-akala ko... patay na si Makoto..."
"He's not. Ngayon ay alam mo na. Di niya kayang mabuhay ng nag-iisa sa murang edad. Kaya may dahilan ka para mabuhay na kasama siya. Di lang si Ayano ang anak mo. Kahit di mo pa siya anak sa babaeng minahal mo, dugo at laman mo pa rin siya, Sensei."
Impit na napahagulgol na lang ang matanda habang tumatango Pamaya-maya pa ay tumayo ito at may kinuhang kung ano sa loob ng tansu o Japanese cabinet. "This is the partner of that kogatana. Ito na siguro ang tamang oras para ibigay ko sa'yo 'to, Akira. Tanto is usually in pair."
"None of your damn business," aniya nang bumalik ang isip niya sa kasalukuyan.
"Tsk! How boring..."
"Kung ayaw niyo ng boring, pustahan na lang," suhestiyon ni Lead. Naglabas ito ng isang libong dolyar. Game na nagbitaw rin ng kani-kanilang pera sina Nitro at Radon. "Ang mananalo ay kung sino ang pinakamaturo dito." Itinaas nito ang daliri at parang baril na inasinta ng hintuturo ang shooting range.
Ngumiwi si Nitro. "Ikaw ang pinakamagaling humawak ng kahit anong uri ng baril, Lead. Ilang taon ka na sa field. Kumbaga beterano ka na."
"Toss coin na lang. Bigyan niyo ng konsiderasyon si Copper. Hindi yata siya sanay humawak ng baril." Naglabas naman ng barya si Radon. "Heads ako."
"Tails!" sabay na saad nina Nitro at Lead. Nagkatinginan pa ang mga ito. "E, di heads din si Copper para fair."
Hindi niya malaman kung maiinis siya o mapapantastikuhan sa mga assassins na nag-aasal-bata. Wala sa karakter ng mga ito kapag nasa misyon.
"Wala sa dalawa ang pusta 'ko." Kinuha niya ang barya kay Radon at hinagis sa shooting range. Maliksing hinugot niya ang baril sa baywang ni Lead. Ikinasa niya 'yon at itinutok sa target. Pumutok ang baril saktong pababa mula sa ere ang coin.
Napanganga at natulala ang mga ito nang mahulog sa sahig ang butas na barya. Saktong-sakto ang butas sa gitna. Surely it was neither a head or a tail.
Sumipol si Lead.
"It's none. I win," bale-walang saad niya. Hinablot niya ang pera sa kamay ni Lead. Muling isinalpak niya sa baywang nito ang baril bago naglakad paalis.
"Aren't that cheating?" wika ni Radon habang napapakurap. Nasundan na lang nito ng tingin ang likuran ni Copper. "Saka akala ko ba hindi siya sanay gumamit ng baril? He's so damn good!"
"Wala kaming sinabing ganyan. Lahat ng frontliner, sanay gumamit ng baril. At isa si Copper sa pinakamaturo. Di niya lang pinapahalata na magaling siya sa kahit na ano," napapailing na paliwanag ni Nitro. "Tsk! Ang pera ko..."
"That guy is surely cool."
****
- Amethyst -
![](https://img.wattpad.com/cover/231985439-288-k968225.jpg)
BINABASA MO ANG
LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomansaCopper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya dahil sa isang serial killer. He vowed to eliminate murderers especially the one who killed Ayano...