Part 36

637 57 1
                                    

"NITRO." Seryosong tumutok ang mga mata ni Copper sa screen ng laptop.

"You are so late, dude." Kinamot nito ang ulo. "Lucky for you I stayed up all night. So, bukas isasagawa na natin ang plano. Natapos mo na ba ang pagkakabit sa mga explosive devices?"

Tumango siya bilang sagot.

"Good then. Nasa border na sina Lead at Argon. Minumura ka dahil nagpapalipas sila ng gabi sa kakahuyan at di mo man lang nagawang kumontak." Tumawa ito.

"Ginawa ko na kanina pa." Nang tawagan niya si Lead ay sinabi nito ang eksaktong oras ng pagpunta ng mga ito sa camp. At sa mga panahong 'yon, kailangang naisagawa na niya ang kanyang second assignment.

"Okay. So, we are settled. Confirm na ang pagpunta diyan ni Gen. Brigante. Ilang kasabwat niya mula sa pulisya ang malamang na isabit niya. It's just purely disappointing when heroes of the country are actually the villains. And we villains, are actually the heroes."

Wala siyang reaksiyon sa narinig. Para sa kanya ay walang pagkakaiba. Pare-pareho silang kumikitil ng buhay. At pare-parehong itinatago ang mga sarili sa likod ng isang organisasyon. Pero ganunpaman alam niyang may mas kabuluhan ang ginagawa nilang pagpatay. Naroon lang siya para dalhin ang mga kaluluwa ng mga ito sa impiyerno. Pure and simple.

"Hey... bakit parang wala kang mga patutsadang side comments? You are so freaking silent, dude."

Bumuntong-hininga siya. "Nitro... when you actually got something you want, you tend to be more selfish than you already are. When you taste something so wonderful... you don't want to taste the bitterness of reality. Hindi mo na gustong magising pa mula sa isang napakagandang panaginip."

Kumurap ito sa kabilang screen. "You are speaking in riddles, Copper. Sweet talk? It's not like you at all. Be straight, dude. May nangyari ba?"

Tumawa siya ng pagak salo ang noo. "Yeah." Sa isang sulok ng kuwarto ay sinulypan niya ang nahihimbing na si Heidi sa kama. What happened between them send him straight to a colorful world. Sa isang iglap ay nagliwanag ang daang nilalakaran niya.

Nakita niya ang sarili na namumuhay kasama ang dalaga. At iyon ang nagpapahirap sa kalooban niya. Akala niya'y makukuntento siya sa isang gabing makukuha niya ito. Pero mas naging sakim ang kanyang puso. Biglang-bigla'y gusto niyang mawala ang lahat ng sagabal sa buhay niya makasama lang niya ito.

"Copper... your tone is similar to Silver when he took a favor from me months ago. At isa lang ang dahilan ng pinagkaganoon niya. Babae."

Tumingin siya ng diretso dito. Hindi itinanggi ang hinala ng kasamahang assassin. "I have someone so precious to me. Kahit ako nananinibago sa sarili ko. Di ako makapaniwalang kakainin ko ang lahat ng mga sinabi ko. Nitro... bukas may kasama akong tatakas dito."

"A girl?"

Tumango siya.

Ngumiwi ito. "Huwag mong sabihing nahulog ka sa isa sa mga tauhan ng Zeltics?"

"There is no way, leech. Iba siya sa mga halang ang kaluluwang nandito kasama na 'ko."

Napabuntong-hininga ito at sumandal sa headrest ng upuan. "Anong gusto mong gawin ko, Copper?"

"Kinausap ko na si Lead. I gave him an instruction to secure Heidi. I told him it's Paul's instruction. Change of plans. Kung di ko sasabihing utos ni Paul, malabo akong pakinggan ng mga 'yon."

Humagigik ito at hinampas ang kaharap na table habang sapo ang tiyan. "You actually gone that far? You know Lead and Argon are not fools."

"They aren't. They are just lazy bummers who would not confirm the Lifter if something came up. Pain in the ass. That's what probably they are thinking right now."

"Okay." Itinaas nito ang mga kamay. "I'm not going to get my hand on this. So what's your alibi? Di mo puwedeng idahilan na gusto mo lang iligtas ang buhay niya. In the first place, bakit siya nandiyan kung hindi siya isa sa mga agents?"

Ilang segundo siyang natahimik. Subalit nagpasya na din ditong ipaalam ang totoo. "Recruits. She's an online recruit. Wala siyang muwang sa tunay na kulay ng Zeltics. Ang nag-iisang buhay na walang alam at umabot sa huling yugto ng pagsasanay. Naniwala sa'kin si Lead dahil sinabi 'kong isa sa mga espiya natin sa loob si Heidi. Isang pulis na dawit sa kaso ni Mr. Liang apat na taon na ang nakakaraan. Isang informant mula sa PNP na inilaglag ng mga kasamahan niya."

Nanlaki ang mga mata nito nang may napagtagni-tagni. "Don't tell me she's that girl? Heidi Claire Serrano?" Biglang bumalikwas ito sa pagkakasandal. "Nandiyan siya para maghiganti?"

"Pure coincidence. Di niya sasayangin ang buhay para sa paghihiganti. Hindi siya tulad ko na walang pagpapahalaga sa buhay," pabulong na ang huling pangungusap niya. "If ever Paul lay a hand on her, I'll surely kill him. At kung hahayaan mong mangyari 'yon, alam mo na kung anong mangyayari sa'yo, Nitro sakaling mabuhay ako pagkatapos ng misyong 'to."

"Okay, dude... that's not the way of asking a favor. Magkaiba talaga kayo ni Silver. Idinadaan mo 'ko sa pagbabanta."

Tumiim ang mga mata niya. "Wala sa bokabularyo ko ang magbanta. Alam mo 'yan. Ginagawa ko kung anong sinasabi ko, Nitro. Humihingi talaga ako ng pabor. Nagbibigay lang ako ng kapalit kung magagawa mo o hindi."

Napatungo ito at lumunok. "What's your deal?"

****

- Amethyst -

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon