"Urgk!" Pagdilat na pagdilat ng mga mata ni Heidi ay nakaramdam siya ng pagbaliktad ng sikmura.
Deretsong bumangon siya at tinakbo ang banyo. She was throwing up but not releasing anything. Parang may biglang nanuntok lang sa kanyang sikmura.
"Hah!" Humihingal na hinilamusan niya ang sarili matapos ng pagduruwal. Itinaas niya ang buhok ng panali. Nasalat niya sa gilid ng kanyang leeg ang tila umbok o pantal. Napamulagat siya nang maalala niya ang lahat ng nangyari sa nagdaang gabi.
Huh? Awtomatikong iginala niya ang mga mata. Apartment niya 'yon. Sumilip siya sa binatana at nakitang sumisikat na ang araw sa labas. Pero paano siya nakarating doon?
Sinuri niya ang sarili. Intact pa naman ang suot niyang damit. Walang nananakit sa katawan niya kundi ang maliit na sugat sa gilid ng kanyang bibig. Dali-dali siyang nanaog sa kanyang maliit na kuwarto. Ang backpack niya ay nakalapag sa mesita.
Sinunggaban niya 'yon at ipinagpag ang lahat ng laman sa kanyang kama. Kumpleto ang mga gamit niyang naroon. Maging ang susi niya sa apartment na mukhang hindi naman nagalaw mula sa pinakasulok ng personal kit niya.
Kunot ang noo napaupo siya sa kama. Pilit niyang inalala ang mga pangyayari. May mga bangag na lalaking umatake sa kanya ng gabing 'yon. Nanlaban siya pero naturukan siya ng isang heringgilya sa leeg niya. At base sa naging epekto sa kanya, malinaw na drugs 'yon. Karaniwang heroin ang droga na ginagamit sa pamamagitan ng ineksiyon.
One huge dose! Huminga siya ng malalim at nasabunutan ang sarili. Iyon ang napapala niya sa pagiging panatag. Kung nagkataong napahamak siya, maiiwanang mag-isa si Joseph.
Pero teka? Bakit nga ba hindi siya napahamak? Sigurado siyang napraning na siya ng gabing 'yon dahil lutang ang pakiramdam niya. Ipinikit niya ang mga mata. Mayroong dumating bago siya nawalan ng malay. Isang malabong imahe ng lalaki ang gumuhit sa balintataw niya. Suot nito ang isang black coat at may hawak itong matulis na bagay. Di niya malinaw na maaninag ang mukha nito. Pero tila may takip na nakatabing sa bibig nito.
Bigla siyang napadilat! At napailing. Hindi kaya isang aparisyon lang ang nakita niya? Malamang dulot ng halusinasyon na epekto ng gamot. Isang tagapagligtas ang biglang sumulpot tulad sa mga pelikula? Okay, that was a hilarious joke! Pero ang tanong. Paano nga siya nakauwi? Imposibleng naglakad siya habang groggy siya.
Kringg!Kring!Kriiinnggg!
Napaigtad si Heidi sa biglang pagtunog ng cellphone niya. Kinapa niya 'yon sa bulsa.
"Hello."
"Heidi, papasok ka ba? Bakit wala ka pa dito?" boses ni Owen.
"Ha?" Bumaling ang mukha niya sa nakasabit na orasan. At nanlaki ang mga mata niya nang makita ang oras.
"Shucks! Oo andiyan na! Makisabi kay bosing papasok ako!" Binitawan niya ang aparato ng di na nagpapaalam. Litong pumasok siya sa banyo. Muling lumabas at kumuha ng damit sa cabinet. Di siya puwedeng mag-absent! At hindi 'yon ang tamang oras para isipin ang isang bagay na magpapaturete lamang sa kanya.
Saktong dalawampung minuto ay nakapaligo na siya at naihanda ang sarili. Bitbit ang bag ay lumabas siya ng bahay. Tinakbo niya ang daan papunta sa may sakayan ng jeepney. Mahigit sampung minuto ay nasa gasoline station na siya. Malapit lamang 'yon kaya lang ay naipit siya sa traffic. Kalahating oras siyang late pero di siya pinagalitan. Iyon kasi ang kauna-unahang beses niyang pagkahuli sa trabaho.
Ilang sandali pa ay busy na sila sa pag-aasikaso sa mga sasakyang nagpapakarga.
"Nabalitaan niyo ba? Kagabi may nahuli daw 'yong mga pulis na mga adik diyan lang sa may kabilang kanto malapit sa comshop nina Footz."

BINABASA MO ANG
LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomanceCopper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya dahil sa isang serial killer. He vowed to eliminate murderers especially the one who killed Ayano...