Part 25

555 64 3
                                    

Pasimpleng tumingin si Heidi kay Jet habang tumatakbo sila sa clearing. Parang hindi nito iniinda ang mga pinagdadaanan nila. Ikaapat na araw ng training. Stamina at endurance ang pinapalakas sa kanila. Di siya nahirapang mag-adjust dahil pinagdaanan din niya 'yon noong estudyante pa lang siya. 

May dalawang oras na silang tumatakbo. Pagkatapos ay aakyatin nila ang net at maglalambitin sa ilang bars para makatawid sa isang ilog. May mga weights sila sa paa kaya naman nakadagdag 'yon sa pagod nila.

Pagkatapos ng morning routine ay dumiretso sila sa sparring center. May mga boxing gloves, punching bags, treadmills, hefts at ilan pang gamit para sa physical and power training. Nagtungo sila sa arena. Doon nangyayari ang mga fighting at teaching sessions. Kung saan itinuturo ang ilang pag-atake at pag-depensa. 

Hindi sila nasalang ni Jet sa ilang araw at ipinagdarasal niyang hindi na dahil natuklasan niya kung gaano kalakas at kaliksi ang mga kasamahan niya. Parang sanay na sanay na ang mga ito sa labanan.

"Keep your chin up. Huwag mong ipakitang natatakot ka," bulong ni Jet nang dumaan ito sa tabi niya. Ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob para magpatuloy. At ito din ang tanging tutulong sa kanya para makatakas sa lugar na 'yon. 

Kahit pinanghihinaan siya ng loob, kailangan niyang lumaban para mabuhay. Marami pa siyang kailangang gawin sa labas ng camp na 'yon. At si Joseph. Di niya hahayaang mamatay siya at iwan itong mag-isa.

"You want to live right? If so... you'll do whatever I say. Hindi kita hahayaang masaktan... so huwag kang magpadalus-dalos tulad sa unang araw..." 

Mga salitang hindi niya inaasahang sasabihin ng binata. Maraming tanong ang nananatiling nakalambitin sa isip niya para sa lalaki. Misteryo sa kanya ito noon at lalong naging misteryoso sa ngayon. Subalit kailangan niyang i-focus ang sarili niya sa training. 

Iyon muna ang magagawa nila sa ngayon dahil malabo siyang makahanap ng tiyempo upang pumuslit sa dami ng tauhang nakabantay sa paligid. At kung magawa mo man, posibleng maligaw ka sa bundok at kakahuyan sa lugar na 'yon.

"So... ang susunod na isasalang ay sina Heidi at Maxwell."

Napaigtad siya nang marinig ang pangalan niya. Agad na pumaling ang ulo niya kay Jet. Pagkabahala ang nasa mga mata nito. Pareho nilang di inaasahan na ang makakalaban niya sa sparring ay ang tila wrestler na lalaki. Malaki at literal na bato ang katawan.

"I'm going fisrt," agad na boluntaryo ni Jet. "Gusto 'ko siyang makalaban."

"Puwes i-reserba mo na lang 'yang lakas mo sa susunod. Kung sino ang tinawag, iyon ang aakyat," anang instructor. "At kung sino man ang matalo sa dalawa, pasensiyahan pero may nakaambang sopresa sa inyo. Kaya ibigay niyo ang lahat ng magagawa niyo."

Lalong sumalsal ang kaba sa dibdib ni Heidi. Kahit di nito sabihin mukhang alam na niya kung ano ang tinutukoy nito. Elimination of failures. Totoo ang sinabi ni Jet. Na mga tau-tauhan lang sila sa isang laro. Kumbaga mga latak lang sila sa mga recruits na sala na.

Mabagal na inihakbang niya ang mga paa. Nang mapadaan siya kay Jet ay pinigilan siya nito sa braso. Alam niyang nararamdaman nito ang pangangatal niya. Pero sa pagkakataong 'yon ay wala itong magagawa para pigilan ang mga mangyayari.

"Patamaan mo ang chin at crotch area niya. Huwag kang mag-aksaya ng oras na atakehin ang ano mang bahagi ng katawan niya bukod sa mga 'yon," napipilitang bulong nito.

Maingay siyang lumunok. 

Chin...crotch...chin...crotch. 

Parang sirang plaka na pinaulit-ulit niya 'yon sa isip niya. Nang makaakyat siya ng arena ay nakangisi sa kanya si Maxwell. Mukha itong tunay na wrestler sa suot na leotard. Kayang-kaya siyang ibaruka ng isang kamay nito habang kumakain gamit ang chopsticks. Meaning hindi na nito kailangang pag-isipan dahil ang mismong lakas nito ang magpapabagsak sa kanya.

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon