"O may tatakas." Akmang susundan ng isang lalaki ang tumakbong si Heidi nang humakbang si Copper at harangan ang daan nito.
"You won't go anywhere," his voice was dangerously staid.
Ngumiti ito. "Are you a Zeltics agent?"
Di umimik si Copper at tiningnan lang ito ng masama. Mahaba ang buhok nito. He was a huge foreigner with a mustache. Marahil ay Italian o Spanish. Lumagpas ang paningin niya sa balikat nito. Doon nag-concentrate ang mga mata niya. Sa lalaking may suot ng collar. Nakasandal sa puno at nakahalukipkip. Habang humihithit ng sigarilyo.
Malakas na pumipintig ang puso niya tulad sa isang mabagsik na hayop. Sa balintataw niya ay nagbalik ang patay na katawan ni Ayano. Tadtad ng saksa. Halos maubusan ng dugo. Tila lumulutang ang bangkay sa sarili nitong lawa ng dugo. Sa leeg nito ay naroon ang isang collar na may kadena. Iginapos na parang hayop. May kung anong umantak sa dibdib niya kasabay ng pagpait ng panlasa niya.
"Kung makatingin ka, parang gusto mo kaming kainin ng buhay." Pumaling ang ulo nito. "Lancer, titirahin ba natin 'to? Nakakalalaki e."
"He's not the usual, Trevon." Lumapit ang lalaki at lalong naaninag ni Copper ang mukha nito. Naroon sa ilalim ng kanang mata nito ang krus na tattoo. Sa tagiliran nito ay kipit nito ang isang mahabang baton na gawa sa bakal. At kumintab ang dulo ng talim. A spear? Javelin? No. It was a harpoon. Ang sandatang ginamit nito sa pagkitil ng buhay ng kapatid niya.
"Senji Ryuzaki..." seryosong bigkas niya.
"So kilala mo ako? Nihonjin?"
"Thirteen years ago, you killed a fifteen-year old girl. Natatandaan mo ba ang dalagita sa Ritzuki? Ayano Ueda..."
"Aaah..." Tumango ito. "Wari na... wakaranai... di ko maalala sa sobrang dami ng pinatay ko." Tila baliw na tumawa ito.
Nag-igting ang bagang niya. Agad niyang hinugot ang kanyang kogatana sa loob ng jacket niya. "Papatayin kita." Naramdaman ni Copper ang pagkilos ng isa na mas malapit sa kanya. Naglabas ito ng baril. Bago pa nito mapaputok iyon ay naunahan niya na ang bala nito. Mabilis siyang kumilos at sumuray sa hangin ang kanyang sandata.
"Huh?" Nang tingnan nito ang baril ay hati iyon sa gitna. "Fucking shit! Lancer!" tawag nito sa kasama. Napaupo ito ng itutok niya sa leeg nito ang talim ng espada niya.
"Huwag ka nang tumawag ng tulong. I'll send you to hell. Your pals are waiting there." Itinaas niya ang sandata at akmang hahagupitin niya ang kaharap nang harangin iyon ni Lancer gamit ang harpoon nito.
Umigkas ang isang paa nito na madali niyang naiwasan. Sa pag-ikot niya sa ere ay muli siyang sumugod. This time it was on the psychopath's direction. Subalit nagagawa nitong sanggahin ang talim ng kogatana niya.
May advantage ang pagiging mahaba ng harpoon. Nagagamit ang gitna pangsangga at ang magkabilang dulo sa pag-atake. Di ordinaryong bakal ang sandata nito. Mas matibay kaysa sa talim ng sandata niya.
"Nababasa ko ang mga kilos mo. Kahit gaano ka pa kabilis, mas may ekspiryensiya ako." Ang talim ng armas ay sumugat sa binti niya. Umurong si Copper at napaluhod.
"For a psychopath, you are pretty good," komento niya. "Kasama na bang inanod ng katinuan mo ang takot mo kay Kamatayan?"
Tumawa ito. "There's no such thing as a reaper as well as there's no such creator as God. Nabubuhay ang tao para gawin ang gusto niya. Walang puwedeng humadlang sa kung anong namamayani sa isip niya. Boundless. Limitless. Ang moral ang lumalason sa walang hanggang posibilidad at kakayahan ng isang nilalang. Ipokrito ang lahat ng tao. They tend to used the word insane just an excuse for their true nature. Hindi dahil sa nababaliw ang isang tao kaya siya pumapatay at gumagawa ng masama. Dahil iyon mismo ang nasa kaibuturan niya. Tulad mo, di ba?"
Naestatwa si Copper. Sa isip ay tumatak na wala siyang pinag-kaiba sa taong kaharap. May pagpipilian ba siya ng mga oras na 'yon? Sa bawat patak ng dugong kumapit sa espada niya, dalawang bagay lang ang pinagpilian niya. Kung papatayin niya ang nasa death list o hindi. But he killed them all. Why? Dahil isa siyang assassin ng HYDRA? For all he knew, that was just an excuse. Maaring tama ang taong ito. Sa kaibuturan niya ay isa lang siyang mamamatay-tao.
"We don't need excuses to kill, Copper. Positions, law, values... hindi 'yon ang concern natin. We are not either on the administrative or the parliament's side. Isinasakripisyo natin ang emosyon at kunsensiya natin para sa kapakanan ng mga inosenteng tao."
Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi nang maalala niya ang sinabi ni Paul. "No... Hindi ako tulad mo. Oo, pumapatay ako at malamang nga dahil pinili ko. Pero di ako tulad mo na walang dahilan. Ginusto kong dumihan ang mga kamay ko ng mga tulad mong kriminal dahil sa loob ko gusto kong magkaroon ng pakinabang sa iba ang patapon kong buhay. Hindi ako pumapatay dahil sa makasariling rason." Determinadong tumayo siya. Mula sa jacket ay kinuha niya pa ang isang kogatana.
"May kanya-kanya sirkumstansiya ang bawat nilalang kung bakit nabubuhay sila sa paraang iba sa nakararami. Masama o mabuti. May dahilan ang lahat. Di kita huhusgahan dahil di ko nasaksihan kung anong naging buhay mo sa nakaraan."
"Hindi ako tulad mo, Lancer. Ni gatiting hindi tayo magkapareho. I'm maybe a cold-blooded assassin but I still have feelings remained. Nagagawa pa rin akong unawain ng iba. At nagagawa ko pa ring magligtas ng buhay. Anu't-ano man, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na papatay ako para sa pansariling rason." He drawn his sword. Sa magkabilang kamay ay kumikislap ang daloy ng kuryente sa mga sandata niya.
Nanlalaki ang mga mata nitong napatitig doon. "You are hiding a dangerous weapon there..."
"Bakit? Natatakot ka ba?" Nagsimula siyang humakbang palapit dito.
Ngumisi ito. "Zen zen..."
Sabay na sinugod nila ang isa't-isa. Nagkatamaan sila ng sandata. Sinasangga ang atake ng isa't-isa. "Mukhang hindi ka apektado ng mababang boltahe ng kuryente. Gamot daw ang kuryente sa mga taong may tama sa utak," patutsada niya.
"Bakero!" Naggiritan ang mga ngipin nito. Naging mas agresibo ang mga atake.
Umigik si Copper nang madaplisan siya ng dulo ng talim sa tagiliran. Subalit nagawa niya ring sugatan ang kalaban sa dibdib nito. Tumulo ang dugo ni Lancer mula sa tuwid at mababaw na hiwa sa dibdib nito.
"Urgk!" Humihingal na natuptop nito ang sugat.
Di niya ininda ang tama sa tagiliran at itinaas muli ang sandata at naghanda sa isang pumuwesto para sa isa pang pag-atake.
"Soka... Anata... Kuro shinigami. I can see the black reaper in your aura." Muli ay humalakhak ito. "The lady back then... 'yong kasama mo. Pamilyar siya sa akin."
Awtomatikong naibaba ni Copper ang mga braso. "You..."
****
- Amethyst -
BINABASA MO ANG
LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomanceCopper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya dahil sa isang serial killer. He vowed to eliminate murderers especially the one who killed Ayano...