Part 31

569 52 1
                                    

Ikalabing-apat na araw nila sa camp. Pansin ni Copper ang pananahimik ni Heidi. Wala ang takot sa mga mata nito na dating nababakas niya. Nag-aalala siya para dito. Malaki ang naging impact ng pagkamatay ng kapatid nito sa estado ng emosyon ng dalaga. At di iyon maganda. Tila sila lumulusot sa butas ng karayom para lamang mabuhay. 

Humarap ito sa panganib at nagawa nitong lagpasan ang pagsubok na 'yon. Pero paano kung mukhang nawalan na ito ng ganang lumaban? Sa isang iglap ay naglaho ang kinakapitan nito para gustuhing bumalik at mabuhay. Di niya nakita o nakilala ang kapatid nito pero si Heidi ang tipong pinahahalagahan ng sobra ang isang pamilya. Kung may magagawa lang siya para ibsan ang kalungkutan nito. 

Pero ano bang magagawa ng isang tulad niya? Kailanman ay di siya kumilos upang bigyang-pabor ang sino man sa paligid niya. Subalit sa mga oras na 'yon, gusto niyang matutong magpahalaga sa nararamdaman ng isang tao para sa babaeng ito.

"Apat kayong natira sa huling yugto ng training. Ngayon pa lang binabati ko na kayo," saad ng pinakamataas sa mga instructor ng ahensiya. "Nakikita niyo ba ang dalawang pinto ng drill building sa may di kalayuan?" Itinuro nito ang tila kaha ng posporong inprastraktura ilang metro ang layo sa kanila. "Dalawa ang entrance. Iisa lang ang exit. Hahatiin namin kayo sa dalawang grupo. First come first serve ang magiging labanan." Isang malademonyong ngiti ang sumibol sa mga labi nito. "Ibig sabihin, kailangan niyong kitlin ang buhay ng isa't-isa."

Hindi nag-react si Copper at patuloy lang na inobserbahan ang babae sa tabi niya. Kahit anong mangyari hindi niya hahayaang mamatay si Heidi.

"Jet and Heidi ang Group A. Duke and Cyber ang Group B." Sumenyas ito at may ilang tauhan ang naglapag ng apat na kuwarenta'y singko at ilang magazine na loaded ng bala sa mesa sa harap nila. "Huwag kayong umasang magiging dalawa lang ang kalaban niyo. Sa loob ng drill building may mga naghihintay na sorpresa sa inyo. Sa pagsabak sa isang laban, tainga ang ginagamit para makiramdam. Hindi niyo 'yon magagamit sa loob. Magkakaroon ng ingay o distraction pagpasok niyo. Sa halip na pandinig ang gamitin niyo, dumepende kayo sa killing instinct niyo—your hunting nature. Lubus-lubusin niyo na ang paggamit ng mga baril na 'to. At aabangan ko sa dulo ang magiging bagong security escorts ng Zeltics. Goodluck beginners!"

Agad na kumilos si Copper nang makaalis ang instructor. Mabilis na kinuha niya ang mga gamit at ikinabit sa katawan. Dama niyang hindi kumikilos si Heidi sa tabi niya. When he finished his accouterments, siya na ang nagkabit ng holster belt sa baywang ng babae. Ang nagsalpak ng magazine sa baril. Siya na rin ang naglagay ng leather tee sa torso nito na may bulsa sa mga gilid. Tumingin siya sa mga mata nito pagkatapos.

"Hey... hey..." Sinapo ng magkabilang kamay niya ang mukha nito. "Look at me. Look at me, Heidi."

Tumaas ang paningin ng babae sa kanya. There, he could see pain. Pure pain. Grief. Hopelessness. Weariness. Parang may sumasakal sa kanya at di siya makahinga sa tanawing 'yon. Pero pinilit niyang patigasin ang ekspresyon.

"I'm going to get you out of here so endure this last torture. Gusto mong mabuhay, tama? C'mon say it."

Hindi ito kumibo pero nagtubig ang mga mata.

He caressed her cheeks. "Ang sabi mo sa akin noon kung wala akong makitang magandang rason para mabuhay. Huwag kong gawing last resort ang kamatayan. Dahil kung nawala sa'yo ngayon ang lahat... malay mo naman... baka bukas may mahanap ka... may makita ka. Kung hindi bukas... sa susunod na bukas... You said you believed that everyone is born to realize that living is great. Na sa gitna ng mga masamang pangyayari, may nakalaang magandang dahilan para ngumiti ka. Hindi mo lang alam kung papaano akong binago ng mga salitang 'yon. Na sa kabila ng lahat ng nagawa ko, may sumibol na pag-asa dito." Itinuro niya ang dibdib. "Na kahit hindi naging maganda ang simula o pangit man ang kalabasan. Tinanong ko sa sarili ko na baka naman puwede pa."

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon