Part 19

568 61 0
                                    

"Huwag kang gagalaw." Itinutok ni Copper ang baril sa ulo ng taong mapagkukuhanan niya ng impormasyon. Rodelio Castro—ang nasa mid-forties na may-ari ng Britz.

"A-anong kailangan mo?" Napapalunok na itinaas nito ang magkabilang kamay. Pumuslit si Copper sa passenger's seat ng sasakyan nito. Inabangan niya ang pagsakay nito sa harapan sa madilim na parking lot na 'yon. "P-pera ba? Ibibigay ko!"

"Huwag kang lilingon." Idiniin niya ang baril sa tuktok nito.

Agad na tumalima ito. At di nagtangkang lumingon o kumilos man lang mula sa kinauupuan.

"Sinong umuupa ng basement mo sa bar?"

"H-ha?"

"Hindi ako mangingiming kalabitin 'tong baril kapag di mo sinagot ang tanong 'ko o kaya naman ay kung magsisinungaling ka. Mahusay akong kumilatis ng mga nagsisinungaling. Huling beses ko na lang uulitin. Sinong umuupa sa basement ng bar mo?"

"A-ang sabi nila mga miyembro sila ng isang frat! At ang lugar na 'yon ay para sa isang initiation. Nagre-recruit sila ng mga members mula sa mga boluntaryong sumasali."

"Sila? Sinong sila?"

"H-hindi ko sila kilala."

Kumunot ang noo niya. "You are dealing with people without even knowing them?"

"B-binabayaran nila ako ng malaki. At minsan lang nila ginagamit ang kuwartong iyon."

"Minsan?"

"Isang beses sa tatlong buwan."

"May ideya ka ba kung anong nangyayari doon? Kasalanan ang pagiging ignorante."

"Ha?"

"I guess money really makes the world go round for most of people. Kailan pa 'to?"

"Dalawang beses pa lang nilang nagagamit 'yon. Ni hindi ko sila mga regular na parokyano sa Britz. Hindi ko sila talaga kilala. Duda naman talaga ako noong una. Nasilaw lang ako ng pera. Anong gusto mong gawin ko? Kung gusto mo puputulin 'ko na ang transaksiyon ko sa kanila. H-huwag mo lang akong papatayin."

Tumiim ang kanyang mga mata. "No. Don't do that." Ibinaba niya ang baril. "Umarte kang parang walang nangyari. Kalimutan mo ang pag-uusap nating ito." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan subalit bago siya bumaba ay muli siyang nagsalita. "And if you spilled something about me, I'll hunt you down with the rest of your family."

Takot na tumango ito. Ilang minuto itong di nakakilos mula sa sasakyan at nang lumingon ay wala na doon ang presensiya ng binata. Wala ni bakas na naiwan subalit sa dibdib ng may-ari ng bar ay namuo at naiwan ang takot. Hinding-hindi nito susuwayin ang taong 'yon. Naramdaman nito ang aura ng isang walang takot na mamatay-tao.

Samantalang habang naglalakad si Copper sa kadiliman ng parking lot ay tumunog ang cellphone niya.

"Copper."

Napataas ang kilay ni Copper nang makilala niya ang boses sa kabilang linya. "Silver."

"Puwede mo ba akong puntahan?"

Napahinto siya. "Bakit?" Nang huling beses na magkita sila nito ay iniligtas niya ang buhay nito mula kay Conrad Baylon. Isang orihinal na ahente ng Zeltics. Subalit nakawala ito sa mga kamay niya. He was an important piece on his game yet he needed to settle with another because of this fool assassin's circumstances. 

Magkahalong inis at amusement ang nadarama niya para dito. Ginagawa ni Silver ang mga bagay na di dapat gawin ng isang assassin. Pero ano nga bang pakialam niya? Kumalas na ito sa HYDRA. May oras na nakikita niya ang sarili sa kalagayan nito. Nagawang palayain ni Silver ang sariling nararamdaman na wala nang kinokonsidera pang kahit na ano. 

Marahil ay kaya niya iniligtas ang buhay nito noon. Dahil kung tutuusin, sa pagitan nilang dalawa, mas may saysay ang buhay nito. Hindi ito dinala ng paghihiganti sa kamatayan bagkus ay sa resolbasyon. Tila kahit sa kabilang buhay, ginagabayan ito ng partner nitong si Alpha sa daang hindi nagawang tahakin ng huli.

"I'll give you the information about the identities of Nine Heads. Gusto kong dalhin mo sa kanya 'to."

"Sigurado ka? That is the only thing that saving your ass from HYDRA."

"Ayokong pahirapan si Paul. Magkita tayo, Copper."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

SINALAT ni Heidi ang mga labi niya mula sa pagkakahiga sa kanyang kama. Isang buwan na ang nakalilipas buhat noon. Di na nga nagpakita pa sa kanya ang taong 'yon. Minsan gusto niyang batukan ang sarili. Nawawala siya sa konsentrasyon sa trabaho at sa mga ginagawa niya. Sa lahat ng lalaki, bakit sa taong 'yon nakaramdam siya ng kakaibang uri ng damdamin? Na para bang kilala niya ito at kilala siya nito. 

At parang di iyon ang unang beses na naglapit ang kanilang mga mukha. Hindi madaling kalimutan ang isang taong bigla na lamang susulpot na may tama ng bala, magpapakilalang kriminal, at kayang operahan ang sarili. Sobrang nakakaintriga.

"Hay... napapraning na nga siguro ako." Itinaas niya ang braso sa kanyang noo. Tumagilid siya ng higa. Pero sa balintataw niya ay naiisip niya pa rin ang lalaking 'yon. Ang mga mata nito ay walang alinlangan. Cold. Distant. A killer. 

Di niya alam kung anong itim na hangin ang pumasok sa sa ulo niya para halikan ito. Pero nakita niya na tila kailangan nito ng isang patunay na tatanggapin niya ito sa kabila ng mga sinabi nito. Di niya napigilan ang kahibangan sa ulo niya. Teka lang? Tanggapin? Tatanggapin para saan? Para ano? Ni hindi niya nga nasulyapan ang kabuuan ng mukha nito. 

Bu he's definitely a mysterious guy... Pero tulad ng sinabi niya, mas mabuting hindi na kami magkita. 

Masyado nang komplikado ang buhay niya. Kung tunay nga ang sinasabi nitong isa itong kriminal, bakit niya gugustuhing magkaroon ng kaugnayan dito? But she didn't hate the feeling of being with him. Oo at may takot. Pero naroon din ang pakiramdam ng seguridad. Na para bang hindi nito hahayaang may mangyaring masama sa kanya. 

Tulad ng ginawa nitong pagtulong sa kanya ng gabing 'yon. Malabong mga ala-ala pero nabigyan siya ng kapanatagan sa kabila ng takot. Kailan ba siya huling nakadama ng ganoon? Magmula nang maulila sila sa magulang, wala na siyang inaasahan pang kakapitan at sasandalan kundi ang sarili niya.

****

- Amethyst -

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon