Part 34

595 57 2
                                    

"Siya ang police officer na tumalon sa bangin four years ago matapos naming mapatumba si Jinhai Liang. Di ko malimutan ang takot at tapang na nabanaag ko sa mga mata niya. She was a fighter. I was taking a liking to her at planong gawin siyang isa sa mga agents. Pero mas pinili niyang magpatihulog sa bangin. Sinong mag-aakalang buhay siya at nandito mismo sa kampo ng Zeltics?"

Copper gnashed his teeth. Humigpit ang pakakahawak niya sa espada. May kung anong apoy na naglalatang sa dibdib niya.

"Kapag napatay kita dito, susundan ko ang babaeng 'yon. Aabutan ko pa siya, hindi ba? Gusto ko ang tapang ng babaeng 'yon."

That was it! He lunged forward. Ang pagbanggit kay Heidi ay isang taboo para sa mga kaaway niya. Lalo kung mismong sa bibig ng isang kriminal na gaya nito. Di siya papayag na ni dulo ng buhok nito ay mahawakan ng tarantado. Kumuha ng puwersa ang mga paa niya sa pagtalon sa katawan ng mga puno. 

Lumipad siya sa ere at inabot ng sipa ang tampalasan sa mukha. Diniinan niya ang guard ng kanyang kogatana tanto at itinodo ang lakas ng kuryente mula doon. Ang dulo ng espada niya ay tumama sa gitna ng harpoon. Dahil sa pressure, unti-unting nagkalamat ang armas nito. Bumigay iyon at naputol.

Nanlaki ang mga mata ni Lancer dahil ang kabilang sandata niya naman ay tumagos sa likod nito. "Argk—" Sumuka ito ng dugo. Gigil na diniinan ni Copper ang talim ng armas sa dibdib nito. 

"Ang tanging mga taong may karapatang mabuhay ay mga taong may dahilan lamang. Ako, wala na. Ikaw, meron pa. Hangga't di mo siya nakikita, mabuhay ka at magdusa."

He pushed his sword on the hilt with all his force 'till he could see with his own eyes that the devil was suffering between pain and death.

Subalit kahit sa huling hininga nito ay nakuha pa ring ngumisi ng baliw. "M-magkikita p-pa ta...y-yo s-sa i-impiyer...n-no."

Nang hugutin niya ang sandata ay tirik ang mga matang bumagsak ito sa lupa. Ilang sandaling hindi kumilos si Copper sa kinatatayuan. Tumingala siya kasabay ng biglang pagbuhos ng ulan mula sa maulap na kalangitan. Nabitawan niya ang tanto mula sa mga kamay. Binalot ng walang hanggang kahungkagan ang puso niya. 

Ang dahilan kung bakit siya nagpatuloy na mabuhay sa loob ng ilang taon ay naisagawa niya sa loob ng ilang minuto. Pinatay niya ang demonyo gamit ang dalawa niyang kamay. Isang mapait at kuntentong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. There was only one thing left for him.

"Huwag kang kikilos!"

Nilingon niya ang boses. At naroon ang lalaking nagngangalang Trevon na may hawak ng spare gun na nakatutok sa kanya. Hindi siya tuminag. Walang lakas ang mga paa niya para gumalaw. Maging ang mga kamay niya para damputin ang kanyang kogatana

Ang isip niya ay blanko. Nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa tubig-ulan. Dama niya ang nagsisimulang kumirot na sugat sa kanyang tagiliran at binti. 

So why won't he end it now? Nasa kanya na ang lahat ng karapatan, hindi ba? Shiratori wouldn't mind. Walang may pakialam kahit pa mamatay siya doon. Iyon ang kahihinatnan niya ano man ang mangyari. Kamatayan.

"Mukhang handa ka nang mamatay. Puwes, hayaan mong tapusin ko ang buhay mo."

Wala siyang planong iwasan ang bala. Ngunit bago pa nito magawang iputok ang baril ay may pumutok na sa likuran nito. Tinamaan ito ng bala sa binti.

And Heidi was there standing behind the man. Umiiyak na nakatingin sa kanya. Ibinaba nito ang hawak na baril. Copper couldn't utter a word.

Wala ito dapat doon. Dapat ay nakatakas na ito. Binabaybay ang daan sa mas ligtas na lugar. Anong ginagawa nito? The emptiness in his heart was replaced by pain. Subalit napunan din ng init ang dibdib niya pagkakita sa mukha ng dalaga.

Ngunit nanlamig ang buo niyang katawan nang itutok dito ni Trevon ang baril. At ang babae ay ni hindi man lang nasindak at nanatiling nakapako ang mga mata sa kanyang direksiyon. Para siyang inalisan ng hangin sa baga. The girl wasn't planning to shoot in return. Binitiwan nito ang baril.

Gimbal na napahinga ng malalim si Copper. "Damn it!" Awtomatikong kumilos ang kamay niya at dinampot ang sandata. Pero malayo ang distansiya niya sa lalaki kaysa sa distansiya nito kay Heidi. Di siya aabot kung direkta niyang susugurin ang walanghiya. Napuno ng takot ang kanyang sistema. Pumintig ang pulso niya at rumagasa ang daloy ng dugo. Damang-dama niya ang adrenaline sa sikmura niya.

Hinagis ni Copper ang espada sa direksiyon ni Trevon. At sa kauna-unahang pagkakataon ay umusal siya ng dasal na sana'y tamaan niya ito sa tamang oras.

"Urgk!" Tumusok sa dibdib nito ang sandatang mabilis na naglakbay sa hangin. Nalaglag ang baril na hawak at tumimbuwal sa lupa ang katawan.

Copper sighed in relief. Pakiramdam niya ay kinuha ng tagpong 'yon ang kalahati ng kanyang buhay. "Heidi..." bulong niya habang nakatingin dito. He saw her tattered expression under the pouring rain. Nakangiwing inihakbang niya ang mga paa sapo ang tagiliran. Subalit ganoon na lamang ang sakit na gumuhit sa kanyang dibdib nang umatras ito palayo.

"Plano mong mamatay kani-kanina lang, di ba?"

"Heidi—"

"Gago ka!" Lumapit ito at hinampas siya sa dibdib. "You are going to ditch me afterall!" Umiiyak ang dalaga habang pinapalo siya ng nakakuyom nitong kamay. "Magpapakamatay ka at iiwan mo akong mag-isa!"

"Heidi..." Di niya sinubukang sanggahin ang mga paghataw nito kahit nasasaktan siya. Mas nasasaktan ang puso niya sa nababakas na paghihirap sa mga mata nito.

Bigla itong yumakap sa kanya. "I knew it! Ikaw ang lalaking nagligtas sa akin, Jet." Nang humiwalay ito ay tinakpan ng palad nito ang ibabang parte ng mukha niya. Sumigok ito habang lumuluha kasabay ng pagdausdos ng tubig-ulan sa pisngi nito. "Lagi kang nandiyan... Napakalapit. Pero bakit hindi ko man lang napansin? All this time... na kasa-kasama kita... may gustong kumawalang kung ano sa dibdib ko. Alam ko na ngayon. Kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. Kung bakit naging panatag ang puso ko. Kung bakit nagawa kong hagkan ang isang estranghero. Ikaw ang nagligtas sa buhay 'ko, Jet!"

****

- Amethyst -

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon