Part 18

588 58 1
                                    

Umangat ang kilay ni Copper nang mabistahan sa cellphone niya ang pagtawag ni Nitro.

"Yes?"

"I've got info for you, dude."

Umayos siya ng upo mula sa divan. "Tungkol saan?"

"Remember Jinhai Liang? Ang Chinese national na pampito sa pinakamayaman sa Asya? Ang nagtatag ng Morph?"

"Yes. What about it?"

"Four years ago nang dumating siya sa Pilipinas, may escort siyang dalawang pulis. It appears na di lang mga bodyguards mula sa Zeltics ang kasama niya."

"Pulis?"

"Local police. SPO2 Guillermo Masungcay. Natagpuan siyang patay kasama ng katawan ng matanda. The cause of death was a cut on his windpipe. Pero 'yong isa pang pulis hindi natagpuan sa crime scene. Actually set-up ang nangyari sa dalawa."

"Anong gusto mong sabihin, Nitro? Na may kasabwat ang Zeltics sa PNP?"

"Tumpak!"

"Paano natin 'yan mapapatunayan?"

"Yong missing in action na isang pulis. Hanapin mo siya, Copper. Baka may alam siya."

"Give me her name."

"Iyon ang problema. Lahat ng records niya as a police officer ay burado. Pangalan. Istasyon na pinagtatrabahuhan, address, contact number. Wala. Parang sinadyang burahin ang eksistensiya niya sa serbisyo."

"Kung gano'n, paano mo nalaman ang eksistensiya niya?"

"May nakipag-coordinate sa akin mula sa isa sa mga tauhan na nanambang sa Chinese. He was threatened though hanggang doon lang ang nalalaman niya. Kinuwento niyang nahulog 'yong police officer sa bangin. Pero walang natagpuang katawan kahit nang siyasatin ang buong paligid na pinangyarihan ng insidente. Ang hula ko ay buhay pa 'yong babae at nagtatago sa mga taong tiyak na nagtatangka dito."

"Paano ko siya hahanapin kung ni isang impormasyon tungkol sa kanya wala ako?"

"Actually meron."

"What?"

"Sabi ng informant maganda daw."

Natigilan siya ng ilang segundo. "So?" malamig na tanong niya.

"Errr... that's all I've got, dude."

"Laking tulong, Nitro."

"Sorry, Copper. I'm going to check all the accidents happened four years ago. Kung nasangkot sa ano mang krimen o aksidente ang babaeng 'yon diyan sa siyudad. Posibleng patahimikin siya ng mga taong may pasimuno sa pagkawala ng record niya. Kaya lang baka matagalan."

"Sigurado ka bang buhay pa siya?"

"Kailangan natin siya ng buhay para malaman natin kung sino sa mga pulis ang kasabwat ng Zeltics. At kung ang Zeltics ay may kaugnayan sa TRIAD, makukumpirma natin kung isa nga sa mga kuko ng criminal organization ang isa sa mga General diyan sa Pilipinas. Alam mo ang ibig kong sabihin, di ba?"

Naningkit ang kanyang mga mata. "I'll be keeping my eyes on here."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"CRUSH mo ako, no?" nakataas ang kilay na tanong ni Heidi sa kaharap na si Jet. Ang binatang nakilala niya na parang nanirahan sa Antarctica sa sobrang kalamigan ng attitude. Ilang linggo na itong di sumusulpot sa harap niya kaya nagulat siya nang ito ang kauna-unahang customer na pumasok ng gabing 'yon sa loob ng bar na pinagtatrabahuhan niya.

"Anong ibig sabihin ng crush?" Flat na naman ang tono sa pagtatanong ng ungas. Hindi ito nakatingin sa mukha niya bagkus ay inuusisa nito ang baso ng Bloody Mary na ginawa niya para dito. Parang noon lang ito nakakita ng ganoong klase ng inumin.

"Abnormal ka talaga. Crush! Hinahangaan. Uhm... Gusto mo ako. Ganoon!" aniyang napahampas pa sa counter.

Umangat ang tingin nito mula sa baso. "Is that a good thing?"

Pumalatak siya habang di makapaniwalang pinagtaasan ito ng kilay. Nasaan kaya ang lalaking ito nang magbigay ng orientasyon si kupido tungkol sa paghanga at pag-ibig? 

Tinapik niya ito sa balikat. "Kita mo 'yong mga babaeng 'yon?" Pasimple niyang inginuso ang tatlong babae na nakaupo sa isang table. Pawang malalagkit ang mga tingin sa nilalang na insensitive na tila walang clue kung gaano naaakit dito ang mga kabaro niya.

Pumaling ang ulo nito sa mga 'yon. Kumaway ang mga babae. Nagpa-cute ng todo. Balewalang binawi nito ang ulo. Ni hindi gumanti ng kaway. "They are flirting."

Pumitik siya sa ere. "O, alam mo naman pala e! Alam mo rin kung ano ang salita para doon! Ganoon ang ginagawa mo sa akin. Kaya lagi mo akong kinakausap." 

Pero teka? Bakit feeling niya napakakapal ng mukha niya sa sinabi? Di por que iyon ang ginagawa ng karamihan ng mga lalaking lumalapit sa kanya ay ganoon na rin ito. Lalo na kung taglay nito ang isang mukha na kababaliwan maging ni Aphrodite.

"Wala akong balak na makipag-sex sa'yo."

Biglang nanlaki ang mga mata niya. "Laki naman ng agwat na tinalunan mo! Iyon agad?"

"Mali ba 'ko? Women are flirting because they are itching to do that. And I'm not flirting with you right now. May gusto lang akong itanong kaya ako nagpunta dito."

Gustong iumpog ni Heidi ang sarili sa sahig. Hiyang-hiya na nag-iwas siya ng tingin. Mukhang mali siya ng basa. At ang mga sinasabi nito, di niya malaman kung hustler o inosente ito sa ganoong mga bagay. Hirap siyang aminin pero totoo naman 'yon. Prangkahan. Diretso. Salita ng isang taong di pa nararanasang makaramdam ng malalim na kahulugan ng pagtingin. 

Mababaw ang pagtrato at tingin sa lahat. Parang hindi normal sa isang binatang tulad nito na kayang-kayang kuhanin ang atensiyon ng kahit sinong babae. O baka naman siya ang nagiging mababaw? Dahil hinuhusgahan niya ang binata sa panlabas na anyo nito. Hindi ba dapat na mas alam niya? Na may kanya-kanyang sirkumstansiya ang bawat tao. 

"Anong itatanong mo?" Curious na tumunghay siya dito.

"Sinong may-ari ng basement sa ibaba nitong bar?"

Kumunot ang noo niya. May basement ba sa bar na 'yon? Hindi niya yata alam 'yon. Mag-iisang taon na siyang nagtatrabaho doon pero wala siyang alam tungkol sa bagay na 'yon. "Si Mr. Castro ang manager dito. At siya ang may-ari nitong Britz kaya malamang ang lahat ng sulok sa lugar na ito ay sa kanya."

Natigilan ito. "Let me rephrase my question. Who rented the basement in here?"

Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko alam. Itanong mo kay Mr. Castro. Kaya lang wala siya ngayon. Saka para saan ba 'to? Bakit ka nagtatanong?"

"I guess asking you won't do. Kalimutan mo na lang."

"Ha?"

"Is this even edible?" Itinuro nito ang Bloody Mary.

"Masarap 'yan!" Kinuha niya dito ang baso at sumipsip siya. "Ayaw mo ba?"

Umangat ang isang kilay nito at inagaw pabalik ang baso. Sumimsim ito at natigilan. Pagkalipas ng ilang segundo ay muli itong sumimsim. Mukhang nagustuhan nito ang cocktail drink. 

****

- Amethyst -

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon