Part 5

638 61 0
                                    

Manila, Philippines

Ibinaba ni Copper ang windshield ng sasakyan na kinalululanan niya. Tatlong araw na ang nakalilipas buhat nang umapak siya sa Pilipinas. Naging mas urbanisado ang kapaligiran subalit pareho pa rin ang atmospera. Ang maliliwanag na kulay ng paligid at ang mainit na temperatura—iyon ang mga pamilyar na bagay na tumanim sa isip niya noong bata pa siya.

Pumarada siya sa isang gasoline station para magpa-gasolina.

"Hi, Sir. Goodmorning." Bumati sa kanya ang gasoline girl. Suot ang cap at simpleng puting collar shirt. Masyado itong maganda para sa trabaho. Maaliwalas ang bukas ng mukha at may matamis na ngiti sa mga labi. Kitang-kita niya ang ginawa nitong pagnganga nang alisin niya ang suot na shades. 

Napatuptop ito sa dibdib at namula ang mga pisngi. Tulad din ng reaskiyon ng ibang mga babae. Ordinaryo. Walang pagbabago at pagkakaiba. He didn't mean to dazzle anybody but Nitro said that he did that unconsciously. Kapag pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin ay di niya makita ang kagandahang hantarang sinasabi ng iba. 

Ang tanging nakikita niya ay isang naliligaw na nilalang na walang kahulugan ang eksistensiya. There was nothing inside of him. Empty. Parang isang espasyo lang sa kawalan. Kaya hindi niya masakyan kung bakit naa-attract sa kanya ang mga babae.

"Two gallons of gas," aniyang inalis ang pansin dito at siniyasat ang kapaligiran sa gilid ng kanyang mga mata. 

Lahat ng gasoline boys sa bench ay nakatingin sa babaeng may hawak ng nozzle sa loob ng gasoline tank. Panaka-naka ay nararamdaman niya ang pasulyap-sulyap nitong tingin sa direksiyon niya. Mula naman sa kabilang panig ng daan ay isang kainan ang naroon. Ang ilang mga parokyano ay nakatingin sa kanila. O baka naman sa sasakyan niya? 

Makatawag-pansin ang isang Ferarri black beast lalo na sa mga mata ng kalalakihan. Specifically mukhang sa saksakyan niya rin nakatingin ang mga lalaking nagtatrabaho sa gasoline station na 'yon. Lumapit pa ang isa sa bumper habang hindi nilulubayan ng tingin ang kotse. Pumapalatak at napapailing. Wala ang salitang luho sa bokalbularyo niya. Di siya mahilig sa magaganda o mamahaling bagay. Lamang mas gusto niya ang mabibilis na sasakyan.

"Sir, four-hundred fifty six," agaw ng babae ang atensiyon niya. Naroon pa rin ang matamis na ngiti sa labi. "Baka gusto niyo rin pong magpa-carwash? Bagung-bago ang modelo ng kotse niyo. Ang pogi!"

"No," tanging nasabi niya lang bago iabot dito ang one-thousand peso bill. "Keep the change." Bubuhayin niya na sana ang makina ng kotse nang may biglang sumigaw.

"Magnanakaw!"

Isang lalaki ang tumatakbo papunta sa direksiyon nila bitbit ang isang bag. Nagpasya si Copper na ignorahin 'yon pero nabaghan siya nang kumilos ang gasoline girl.

"Walanghiya ka!" Sinalubong nito ang magnanakaw. 

Iwinasiwas ng kawatan ang hawak na kutsilyo sa papasugod na dalaga upang palayuin ito. Ngunit di man lang ito kinakitaan ng panic o takot. Ekspertong nakailag ito sa pamamagitan ng maliksing paggalaw. Nang minsan pang umatake ang magnanakaw ay nagawang pigilan ng dalaga sa palapulsuhan ng magkabilang kamay nito mula sa posisyon sa gilid. 

Tumaas ang kaliwang tuhod nito at tumama sa galang-galangan sanhi upang mabitawan ng lalaki ang patalim. Umigkas ang siko ng babae sa mukha nito at binaliti sa leeg pasadsad sa lupa. Ngumiwi ang salarin na nakaramdam ng sakit ng katawan. 

Diniinan ng tuhod ng babae ang likod ng lalaki para di ito makatayo. "Ano?! Papalag ka pa?"

Ilang hiyawan at palakpakan ang pumuno sa paligid. Lahat ng atensiyon ng naroon ay napunta sa babaeng nagpakita ng isang fighting exhibition. Maging si Copper ay di maiwasang panoorin ang sitwasyon. Sigurado siyang may background sa martial arts ang dalaga sa estilo ng kilos nito. 

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon