"Nitro, may gusto akong malaman," saad ni Copper. Kausap niya ang assassin sa screen ng tablet kung saan nakikita niya mismo ito.
"Tungkol saan?"
"May nabanggit ka sa akin months ago. Tungkol sa isang eksistensiya ng pulis na nadawit sa pagpatay kay Jinhai Liang. Yung police officer na sinadyang burahin ang profile record ng PNP. Alam mo na ba ang identity niya?"
"Ah, yes. That one." Tumango ito at nagsimulang tumipa sa keyboard na nasa harap nito. "I dug all the things I could get from my source. Apat na taon na ang nakaraaraan, may nangyaring car accident sa EDSA. Kasabay no'n ang isang massacre na nangyari sa Quezon city na pumatay sa mag-asawang Anthony Serrano at Sylvia Serrano. Yung walong taong gulang na anak naman ay nasa kritikal na kondisyon. Pinaulanan ng bala ang mismong residence area ng pamilya. DOA ang mag-asawa pagdating sa ospital. Profuse hemorrhage ang ikinamatay ng babae at ang tama naman sa baga ang ikinamatay ng lalaki. Tinamaan sa ulo ang bata pero hindi napuruhan. Ang nakakapagtaka, hindi pinagtuunan ng mga pulis ang kaso. Simpleng homicide na di nakitaan ng motibo. Walang witness. Walang suspect. At wala nang follow-up reports. Case close. That's a fucking cover up, dude! Sinong tangang maniniwala sa imbestigasyon na 'to?"
Lihim na napalunok si Copper sa narinig na impormasyon. Ayaw tanggapin ng utak niya na may kinalaman ang taong pinaghihinalaan niyang nasangkot sa kasong 'yon. It all actually made sense. Pero ang isiping pinagdaanan nito ang kalunus-lunos na bagay na 'yon, kumikirot ang dibdib niya. "Anong kinalaman ng car accident sa kaso?" he grimly asked.
"Anak ng mag-asawa ang babaeng naaksidente. Her name is Heidi Claire Serrano. Criminology graduate. At siya lang ang tumugmang description na maaring naging escort ni Mr. Liang."
Naipikit na lang ni Copper nang mariin ang mga mata nang makumpirma ang hinala. Sa sobrang tindi ng nararamdamang emosyon, namamasa ang gilid ng kanyang mga mata. Ikiniling niya ang ulo paiwas. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang bagay na 'to, Nitro?"
"Huh? Akala ko hindi na importante dahil may konkreto na tayong ebidensiyan. Iyon lang naman ang habol natin, di ba? Ang malaman kung sino ang general na kasabwat ng TRIAD."
Di niya maiwasang mapamura. Mukhang nagulat naman si Nitro sa reaksiyon niya.
"Anong nangyari, Copper?" concern na tanong nito.
"Wala," kaila niya subalit kitang-kita ng henyong assassin ng HYDRA na namomroblema ang malamig na assassin. Kailanman ay wala itong kinonsiderang problema sa misyon. Copper didn't show this side of him. Kilala ito ni Nitro bilang isang dispatcher na may maikling pasensiya at mala-kontrabidang ugali.
Kahit kailan ay wala itong naging pakialam sa mga tao o bagay na may kaugnayan sa misyon hangga't naisasakatuparan nito ang mga 'yon. Tahimik at ni hindi nakikipag-usap sa ibang assassin upang ipakilala ang sarili. Mula nang magka-sanga ang landas nito at ni Silver, tila ba may pagbabago sa mga kilos ni Copper. Iyon ang obserbasyon ni Nitro.
"Nitro. Puwede bang ipadala mo sa'kin ang mapa ng lugar na 'to? Yung detalyado. Kung may malapit na bayan sa lugar na 'to, maki-check mo kung ilang kilometro ang layo."
Nagtataka man ay sinunod nito ang binata. "Bigyan mo 'ko ng isang minuto."
Ilang sandali pa ay natanggap niya ang impormasyon na ipinadala ni Nitro. Naputol ang koneksiyon. Nang ma-receive niya ang data ay muli siyang napamura nang hindi niya ma-buksan 'yon. The leech forgot to deactivate his password! Damn genius! Muli niya sanang kokontakin si Nitro pero naalala niya ang sinabi nito.
Malay mo naman mahilig sa shinsengumi characters ang encoder nila diyan? Parang ako?
He paused then swallowed. Nagkibit-balikat siya at sinubukan nga ang salitang 'yon. Tama ang password. Napaismid siya. The guy was so guileless! He actually guessed Nitro's secret code. Di siya makapaniwala. Pagdating niya sa headquarters ay may access na siya para mapasok ang operational sequestered room nito. Kung saan itinatago nito ang iba pa nitong imbensiyon. Matalinong tao na may mababang common sense. What a weird fellow...
Pinag-aralan niya ang mapa. May malapit na bayan limang kilometro mula sa camp. Walang gaanong dumaraang sasakyan sa highway kaya di siya sigurado kung makaka-hitch-hike si Heidi. Marami ang tauhang nakaantabay papunta sa may daan at siguradong mapapasabak siya sa putukan at imposibleng walang makapansin do'n. Kailangan ay tahimik niyang mapakawalan si Hiedi upang di masira ang misyon.
May secret trail sa kakahuyan kung saan puwedeng daanan at lumusot sa main road pagkatapos ng tatlong kilometro. Sobrang layo na ang distansiya no'n sa campsite. There! Heidi could escape! Kalahati pa lamang sa mga inactivate explosive devices ang naikabit niya sa mga tagong lugar. Naipupuslit ang bomba ng isang inside man ng HYDRA na nakatoka sa artillery. Palihim na iniaabot nito sa kanya ang mga 'yon sa kailaliman ng gabi. Mas marami ang nagbabantay sa labas kaya naman malaya siyang nakakagalaw sa loob. Di mahirap sa kanya na lusutan o salisihan ang mga tauhan. It was one of his cup of tea—a noiseless intrusion.
Maialis niya lamang si Heidi sa lugar na 'yon ay wala na siyang balak pang pigilan ang sarili. An assassin should do his job without holding back after all.
****
- Amethyst -
BINABASA MO ANG
LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomanceCopper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya dahil sa isang serial killer. He vowed to eliminate murderers especially the one who killed Ayano...