Three weeks later...
Tahimik na nagtulos ng kandila si Heidi sa puntod ng kapatid niyang si Joseph. Nakalagak ito sa mismong nitso ng kanyang mga magulang. Halong emosyon ang unti-unting umuubos sa kanya sa mga sandaling 'yon. Lungkot dahil sa pagpanaw ng kapatid. At pagkapalagay ng loob dahil natapos na ang paghihirap nito. Kasama na nito ang mga magulang nila kung saan magiging payapa at tahimik ang kaluluwa nito.
Mabilis niyang inasikaso ang libing nito at isang araw lamang ang naging lamay. Ilang malalapit na kaibigan at katrabaho ang nakiramay sa kanya. Kasama na roon ang dating superior niya na si Chief Gabriel Latoga. Magkahalong galit at poot ang naramdaman niya sa pagsulpot nito. She hit him on his face. Di ito nagtangkang umilag. Sinabi nitong naiintidihan nito ang kalagayan niya. Lalong naglatang ang galit niya. Anong naintindihan nito? Kasabwat mismo ito sa mga taong nagpapatay sa pamilya niya.
Ngunit natigilan siya nang lumuhod at umiyak ito sa harap niya. Isinambulat nito ang katotohanan. Hawak pala ito sa leeg ng isang Major Lieutenant na kasabwat ng pinakamataas ng Director ng PNP, Gen. Gaston Brigante—ang nagtatag ng Zeltics. Kinidnap ang kaisa-isang anak nitong babae para i-drop-out ang kaso ni Mr. Liang at palabasin na walang kinalaman ang mga bodyguard nito at ang ahensiya.
At kung may magiging sabit, linisin ang lahat ng natitirang puwedeng maging witness. Naging pain at sakripisyo sila ni Guiller sa utos mula sa nakatataas. Escapegoat sa mga sisi ng tao at media. Wala itong naging choice nang magpakita siya sa istasyon para mag-report. May mga mata at galamay sa mababang sangay na dawit sa mga karumal-dumal na pagpatay. Ang Lieutenant mismo ang humingi ng address ng bahay nila para patahimikin siya at ang pamilya niya. At ang superior niya ang nakatoka para sa buhay niya.
"Pero buhay rin ako hanggang ngayon. Hindi ka nagtagumpay. Bakit hindi niyo ako binalikan? Di ba kayo nag-aalalang mag-ingay ako dahil sa ginawa niyo?" naalala niyang tanong niya dito.
"Ako ang tumawag sayo no'n at nagbanta sa buhay ng kapatid mo, Heidi. Gusto kong kalimutan mo ang lahat at huwag ka nang bumalik pa. Pinalabas ko sa kanila na namatay ka sa aksidente at wala nang natitira pa sa pamilya mo. Iniutos ko sa ilang mapagkakatiwalaang tauhan na burahin ang record mo. Lahat ng magpapatunay sa eksistensiya mo sa pulisya. Para wala na silang makalkal pa tungkol sa'yo kung sakaling magtagpo ang landas niyo. Ano mang larawan at pangalan ng pagkakakilanlan mo bilang isa sa mga escort ni Mr. Liang..."
Tumulo ang mga luha niya. "B-bakit niyo 'yon g-ginawa?"
Bakas ang pagdurusa sa mukha nito nang tumingin sa kanya. "Dahil sa kabila ng lahat isa pa rin akong ama. I lost my daughter. Nang makita ko ang anak ko, isa na siyang malamig na bangkay. At alam kong kasalanan ko ang lahat..."
Hindi niya na nagawa pang sumbatan ito. Pare-pareho silang nawalan. Pare-pareho silang biktima ng bulok na sistema at manipulasyon ng ilang may katungkulan sa gobyerno. Kung meron mang dapat sisihin, iyon ang utak mula sa PNP.
Subalit ang dahilan ng lahat ng 'yon ay unti-unti nang tinutupok sa purgatoryo. Patay na ang general at ilang kasabwat nito sa kapulisan. Kasabay ng pagkakatuklas sa bangkay nito sa campsite ay ang pagsabog ng baho at masasamang gawain nito sa media. Ang talamak na aktibidades ng ahensiya na ikinukubli ng mapagpanggap at pekeng sekyuridad na ibinibigay nito sa mga target na personalidad.
Walang laman ang diyaryo at telebisyon sa nakalipas na ilang linggo kundi ang paglilitis sa kaso ng ilan pang natitirang mga kasabwat ng general at mga empleyado ng Zeltics. Sila ang itinurong utak sa pagpaslang kay Jinhai Liang. Tumayong star witness ang superior niya at ilan pang naging biktima ng pagbabanta. Nadiin ang mga dapat madiin. Nakulong ang mga dapat ikulong. Subalit ang nananatiling misteryo ay kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Gen. Brigante at sa mga tauhan nito. Terorismo. Iyon ang konklusyong lumabas mula sa media.
BINABASA MO ANG
LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomantizmCopper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya dahil sa isang serial killer. He vowed to eliminate murderers especially the one who killed Ayano...