Part 40 (Last Part)

805 82 12
                                    

Okinawa, Japan

NANGINGITING pinagmasdan ni Shiratori ang anak niyang si Makoto na naglalaro sa dalampasigan. Mula sa kinauupuan niyang kubol ay tanaw niya ang batang nakikipaghabulan sa alon ng dagat.

"Sensei..."

Malamlam ang mga matang binalingan niya ang kausap. Dumating ito ng umagang 'yon para sa isang bagay na ipinangako nito.

"As I said, I already found and killed him." Inilapag nito ang pares ng kaluban ng kogatana sa mesa. "It's your turn to kill me."

Mataman niyang tinitigan ang kaharap. "Iyon ba talaga ang nais mo?"

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Pamaya-maya pa ay umiling ito. "No..."

"Sabihin mo sa akin ang dahilan mo."

"Kapag nabuhay ako, Sensei... Hindi ako magdurusa tulad ng sinabi mo noon. Nakita ko na ang sarili kong dahilan para mabuhay. At kung mabibigyan ako ng pagkakataon, tatakbo ako at tatakasan ang lahat para lang makasama siya."

"Kung ganoon, bakit ka narito?"

"Dahil nangako—"

"Na hindi ko tinanggap kailanman. Malaki ang kasalanan ko nang isisi ko sayo ang isang bagay na hindi naman talaga nararapat na iatang sa mura mong balikat. Dahil sa akin, kaya ka kumitil ng buhay. Anong karapatan kong bawiin ang buhay mo? Binigyan mo ako ng pagkakataong makapagbago kasama si Makoto. Namatayan ako ng anak hindi dahil sa'yo kundi dahil sa kakulangan kong unawain ang mga tao sa paligid ko. Sinabi ko ang bagay na 'yon sa'yo nang huling beses tayong nagkita sa Ritzuki. Mabuhay ka at magdusa. Negatibo pero dahilan pa rin para magpatuloy ka. Dahil gusto kong makita mo ang halaga mo para sa iba. Dahil gusto kong maging masaya ka."

Kitang-kita ni Shiratori ang pagkislap ng itim na mga mata ng binata. Ngunit hindi ang talim ng isang mamatay-tao kundi mga luhang naglandas sa maamo nitong mukha.

"Puntahan mo na siya. Naghihintay siya sa'yo. Huwag mong sayangin ang bawat oras dahil ang buhay ay biyaya."

Ganunpaman itinulak pa rin nito ang dalawang sandata papunta sa kanya. "Then I won't be needing this anymore... I promise that I will never kill again, Sensei..."

Tumango siya. "Kunin mo ang nararapat na buhay para sa'yo. Nasaan man si Ayano, iyon din ang gugustuhin niya para sa'yo. Ipakilala mo siya sa akin... Akira..."

Umiling ito. "I'm not Akira anymore... I am Jet..."

~~~~~~~~~~~~~~~

Eight months later...

BUSY si Heidi sa dami ng mga nagpapakarga ng gasolina sa gasoline station. Isang magarang sasakyan ang biglang pumarada. Black Ferrari. Walang ganang kinatok niya ang windshield ng sasakyan ng ilang sandaling hindi bumukas 'yon.

"Ano ba? Magpapagasolina ba kayo?" inis na tanong niya.

Biglang bumaba ang windshield. "A gallon of gas," anang buong boses.

Literal na naestatwa si Heidi nang mabistahan ang itsura ng taong lulan ng kotse. Agad ang pagtulo ng mga luha niya.

"Miss... isang galon ng diesel ang kailangan ko, hindi isang galon ng luha." Sumungaw ang ulo nito mula sa bintana.

Suminghap ang dalaga at isang malakas na sampal ang pinadapo sa pisngi ng lalaki.

"Ouch..." Nasa falling intonation pa rin ang tono nito kahit nasaktan na.

Nilayasan ito ni Heidi habang hindi maampat ang buwisit na mga likidong dumadaloy sa pisngi niya.

"Heidi!"

Umangat sa ere ang katawan niya nang biglang may bumuhat sa kanya mula sa likuran.

"Kukunin ko na ang girlfriend ko," anito sa boss niya na nasa cashier stall. Hindi na nito hinintay pa ang sagot ng ngiting-ngiting may-ari at agad siyang isinakay sa kotse.

Pinagpapalo niya ito sa balikat sa tindi ng panggigil niya ngunit hindi nito ininda ang mga 'yon. Ilang sandali pa ay nasa kahabaan na ng daan ang sasakyan.

"Bakit hindi ka kumikibo?" tanong nito.

"Hindi pa ako nasisiraan para kausapin ang isang taong patay na."

He sighed. "I'm sorry. Sinabi sa'yo ni Paul na namatay ako dahil ayokong umasa ka sa wala. I was really on my death destination that time. Pinuntahan ko ang foster father ko para ibigay ang buhay ko. Namatay ang stepsister ko nang dahil sa akin kaya iyon lang ang tanging paraan na nakita ko para pagbayaran ang lahat."

Bigla niya itong nilingon. "Kung ganoon, bakit nandito ka?"

"Dahil di pa ako puwedeng mamatay na hindi ko man lang nasasabi sa'yo kung gaano kita kamahal, Heidi..."

She shrieked, growled, then yelped... Hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon. Magkahalong tuwa, inis at pagkasabik ang namamahay sa dibdib niya. "Paano ka nabuhay? Nakita 'ko yong mga tama mo sa likuran."

Ngumiti ito. "I told you I'm wearing a vest. Mababaw lang ang naging mga tama."

Di na niya natiis pa ang binata. Umangkla ang mga braso niya sa leeg nito at mahigpit na yumakap dito. "Akala ko namatay ka na talaga..." she cried.

"Whoa!" Itinabi nito ang biglang gumewang na sasakyan. Pero wala nang pakialam pa si Heidi habang nakabaon ang mukha niya sa gilid ng leeg nito. Dama niya ang paghaplos nito sa kanyang buhok. "It's been hard on you. I'm sorry if you wait this long. Inayos ko ang mga dapat ayusin para mabigyan ka ng normal na buhay, Heidi."

Inangat niya ang mukha. "Anong ibig mong sabihin?"

Pinahiran nito ang kanyang mga luha. "Na di na ako hihiwalay pa sa'yo kahit na ano ang mangyari. Pinutol ko na ang koneksiyon ko sa organisasyon. Pinapili ako ni Paul kung mabubuhay ako para sa HYDRA o mamatay ako para sa'yo."

"At pinili mong?"

"Ang burahin ang eksistensiya ng assassin na si Copper. Mabuhay bilang isang simpleng Jet at makasama ka habang buhay." Kasunod ay ang pagsiil nito ng mariing halik sa kanyang mga labi. "I miss you so much, Heidi..."

"Ipinapangako mo bang hindi ka na aalis? Na hindi mo na 'ko iiwan?"

Punung-puno ng pagmamahal sa sa mga mata na tumango ito. "I promise. From this moment on... I'll only live for you. I love you."

"I love you too, Jet... so much..." Muling nagtagpo ang mga labi nila nang biglang umistorbo ang isang ring tone.

Banas na dinukot ni Jet and cellphone sa bulsa at ilang minutong kinausap ang nasa kabilang linya. "I guess bago tayo tumungo ng Japan... kailangan muna nating pumunta sa Canada."

"H-ha?"

"You'll meet my friend, Daniel. Binyag ng kambal nila ni Leila at iniimbitahan tayo."

"You lost me."

"Silver. Paul's son."

Nanlaki ang mga mata niya nang makuha niya ang ibig nitong sabihin. Matamis na nginitian niya ito. "Posible talaga ang happy ending sa lahat."

Mahigpit na niyakap nila ang isa't-isa. "And we are also going on that path," bulong nito.

Sunud-sunod na tumango siya habang napupuno ng kaligayahan ang puso niya. Tama si Paul. If a person lost something, she would gain more than everything if she believes that living itself is as good as mere reason to go on. May umaalis man. May dumarating din.

-- The End --

Author: Thank you for reading Copper's story! Tuluy-tuloy lang tayo sa'yo sa series na ito guys!

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon