Part 24

634 62 4
                                    

TULOY-TULOY si Copper sa pagpasok sa cabin ni Heidi. Disoras ng gabi at tulog na ang lahat. May nagbabantay sa labas ng pasilidad pero wala sa loob.

Hindi niya nakita ang babae sa kutson nito. Sa halip ay nasa isang sulok ito at nakaupo yakap ang mga binti. Tulala ito at walang kakilos-kilos. Parang may gumapos sa puso ni Copper sa nakitang anyo ng dalaga. Of course she would get scared of everything in that damn place! Walang normal na taong hindi matatakot o maapektuhan sa nangyari at nasaksihan nito. 

Ang isa sa napansin ni Copper ay mukhang sanay ang mga recruits sa karahasan taliwas sa mga aplikanteng kinukuha nila mula online. Mukhang ang mga aplikante online ang gagamitin para sanaying pumatay ang mga trainees. Kung ganoon ay mga kandidato ang buhay nila para gamitin ng mga tunay na napipisil at may potensiyal na maging agent. Ang kaisipang 'yon ay nagpa-ismid sa kanya. Lahat ng mga tao na naroon ay may kalalagyan sa kanya.

"Jet..." bulong ng babae matapos umangat ang mukha. Paos at malat ang tinig na halatang galing sa pag-iyak.

Muli ay gusto niyang mapamura na agad niya ngang ginawa "Damn it!" Kaninang-kanina pa gustong kumawala sa bibig niya ng mga salitang 'yon. Yes. Damn it all! Damn heavens! Damn this girl! Sa mga buhay doon na balak niyang tapusin, ang kaisa-isang buhay na mahalaga sa kanya ang muntik nang malagay sa alanganin. At sa harap niya pa mismo! Muntik niya nang sugurin ang tarantadong instructor na nanakit kay Heidi. 

Pigil na pigil niya ang sarili at halos mabaliw siya sa pagkontrol sa galit. Ang emosyong wala siya sa lahat ng mga misyong nahawakan niya ay dagling gustong kumawala sa dibdib niya. He was literally thinking of decapitating the guy when he saw Heidi's blood dripping on the side of her lips. Kung nagkataon ay masisirang lahat ang plano ng HYDRA.

"Gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko magmula ngayon. Makikinig ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo." Lumuhod siya sa harap nito. Itinaas ang baba ng babae at nilagyan ng dala niyang cream ang sugat sa gilid ng mga labi nito.

"Jet—"

"I'll arrange a time where every damn rascal on this place put their guard down. Tatakas ka at hindi ka na magtatanong pa."

"That's—"

"Ang kaisa-isang gagawin mo Heidi. Di mo alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Gusto kitang sakalin dahil kung kailan sinabi kong mag-ingat ka, saka ka naman susulpot sa harap ko at magpapasampal lang sa kung sinong pontio pilato!" Nilagyan niya ng band-aid ang pisngi nito. May diin kaya naman napangiwi ang dalaga. Lihim na nagtagis ang mga bagang dahil sa nakitang pasa doon.

Hinawakan ng babae ang mga kamay niya. "Bakit ka nandito?"

"Huwag mo 'kong agawan ng linya. Why are you here?"

"I-I'm..." Yumuko ito. "K-kailangan ko ng pera."

Kumurap siya. "Pera? Para saan?"

"Nasa ospital ang kapatid kong si Joseph. Nagtatrabaho ako para masuportahan ang medikal na pangangailangan niya. Isa lang siyang bata at ni ang kumilos o tumayo mula sa kama niya ay hindi niya magawa. Walang sino mang susuporta sa kanya kundi ako lang."

His forehead creased. "Nasaan ang parents niyo?"

Nalaglag ang mga luha sa mata niya. "Patay na sila."

"You said—"

"No." Umiling ito habang umiiyak. "Ako lang 'yon... sinasabi ko 'yon dahil iyon ang gusto kong isipin para hindi masyadong mabigat dito." Dinuro nito ang dibdib. Umiling ito habang tinatakpan ang tainga. "Ayoko nang makita pang may taong mamamatay sa harap 'ko..."

Copper's heart felt like tearing into more little shreds than it already had before. Makita niya pa lang na umiiyak ito at nahihirapan, hindi siya makahinga. So... she was an orphan like him?

Kaya pala halos pasukin nito ang lahat ng trabaho dahil nasa ospital ang kapatid nito. "Kailangan mong lakasan ang loob mo, Heidi. Simula pa lang 'to. Tutulungan kitang tumakas."

Pagkalito ang gumuhit sa paningin nito nang tingnan siya. "T-tatakas? Papatayin din nila ako?"

"Nasaksihan mong binaril niya ang recruit ng walang hesitasyon, di ba?"

Napahinto ito na tila nag-isip. "Sa tingin mo ba... kung hindi ako nakialam at hindi ko siya tinulungan, hindi siya babarilin ng lalaking 'yon?"

Ilang segundo siyang tumahimik bago marahang tumango. At nakita niya ang pagsibi ng dalaga habang tuluy-tuloy ang mga luha. 

"She wouldn't be shot. But she would still die. Unti-unting sakit at paghihirap. It would be a painful and slow death. Ano sa tingin mo ang mas nakabuti, Heidi?"

Nabaghan ito sa narinig. Sumisinghot na pinahiran ang pisngi. "S-sino ka talaga Jet? Bakit ka nandito? Bakit parang naiintindihan mo ang lahat ng nangyayari dito? Masama na ang kutob 'ko sa lugar na 'to pero wala sa hinagap ko na nandito ka. Malabong pera ang dahilan mo sa pagpasok dito."

"Hindi mo na kailangan pang malaman. Di para sa mga tulad mo ang lugar na 'to, Heidi. Mas mabuting huwag ka nang mag-ungkat."

Napakagat ito sa labi. "Narinig ko na naman ang mag salitang 'yan." Sumigok ito. "Ang pagiging walang alam ang nagliligtas sa buhay ng isang ordinaryong nilalang, tama?"

Di na nipigilan ni Copper ang sariling gagapin ang mukha nito at saluhin ng magkabila niyang kamay. "Mabuti kang tao, Heidi. Sana masabi ko sa'yo na gano'n din ako pero hindi—hindi ako mabuting tao. May mga bagay sa mundo na hindi mo maiintindihan kung hindi mo naranasan. At ayokong maintindihan mo kung kailangan maranasan mo kung gaano kalupit ang klase ng mundong 'to. Maniwala ka. Mas maganda kung wala kang alam."

"N-nang umalis ka at di nagpakita ng ilang buwan... sobrang na-miss ko ang malamig na lalaking parang walang pakialam sa paligid niya. Bigla kang sumusulpot pero bigla ka na lang di magpapakita. Na-realize ko na may naiwan kang bakas dito, Jet." Tinuptop nito ang dibdib. "Alam mo bang para mo akong iniwan sa ere matapos mo akong halikan na parang gusto mo ako... tapos iyon na pala ang huli nating pagkikita. Di ka man lang nagbigay ng hint na lalayas ka na pala." Humagikgik ito habang walang tigil ang pagpatak ng mga luha. "Sa ilang buwan na 'yon, lagi kang sumasagi sa isip ko. Kung anong nangyari sa'yo. Kung nasaan ka. Anong ginagawa mo. Kung naiisip mo kaya ako kahit isang beses sa isang buwan..."

Iniiwas ni Copper ang mga mata. May kung anong dumagan na sobrang bigat sa dibdib niya. It was an intense pain inside his chest but he didn't feel bad about it. Dahil kaakibat no'n ang pagkapunan ng kaluluwa niyang walang laman. Masakit pero ibinalik ang kanyang pakiramdam. Na lahat ng naranasan niya ay may iisang rason lang. 

Tama. Iyon ang hinahanap niya sa simula't-simula pa lang , di ba? Isang rason para mabuhay. Bukod sa paghihiganti sa pagkamatay ni Ayano. Gusto niyang mabuhay para iligtas ang taong ito. Protektahan ang buhay nitong naging tila isang liwanag sa madilim niyang daan.

Sinunod niya ang kagustuhan ng katawan. He pulled her closer to his body and inhaled her familiar scent. He missed her! Terribly missed her! Ngayong malapit ito ay saka niya napagtanto kung gaano niya ito kailangan. Hungkag para sa kanya ang anim na buwang nagdaan na hindi niya man lang ito nasisilayan. Ang isiping malapit lang ito sa kanya ay nagbibigay ng galak sa puso niyang pinulot nito ang mga piraso. 

Sa simpleng interaksiyon niya sa dalaga, sa nakikita ng kanyang mga mata, sa mga salitang lumalabas sa bibig nito, at sa nadarama niyang kapayapaan sa tuwing nababakas niya sa mga mata nito na kaya nitong mabuhay para sa hinaharap. Nagbibigay ito ng pag-asa sa kanya—na ang tulad niya ay may puwang sa mundo sa pagbibigay nito ng puwang sa kanya sa puso nito.

"Jet..." Ramdam niya ang higpit ng yakap sa kanya ni Heidi. Ang panginginig ng katawan. Ang panlalambot at pangangatal na nagsasabing natatakot ito. Kawalan ng lakas sa mundong puno ng pasakit at hirap. Iaalis niya ito doon ano man ang mangyari.

****

- Amethyst -

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon