Part 21

594 62 2
                                    

Kyoto, Japan

HYDRA Main HQs

"So gentlemen. Nasa atin na ang impormasyon sa wakas. General Gaston Brigante—the current General and Police Director of Philippine National Police and National Operations Center. Siya ang mastermind sa likod ng Zeltics." Pinindot ni Nitro ang isang maliit na remote control. Mula sa power point ay lumitaw ang larawan ng matikas na alagad ng batas sa kabila ng limampu't-anim na edad.

"Whoa! Ang pinakamataas na rango sa commissioned officers? Ibig sabihin, siya ang isa sa pangil ng TRIAD?" tanong ni Lead.

"Walang konkretong ebidensiya o solidong pruweba tulad ni Godfrey Falkner. Pero alam natin kung gaano kalawak ang sakop ng TRIAD. Di lang iilang bansa ang sangkot. Di lang iilang malalaking tao mula sa gobyerno ang nagbabalat-kayo para kilingan ang mga krimen. Ang ilang nasa mababang antas, pinipiling maging bingi at bulag dahil ang mismong nasa taas ang nabubulok," sabat ng Lifter na si Paul.

"So, what's the verdict?" Lead asked.

Umismid ang Lifter. "The usual. The Nine Heads decided to execute Class B, Plan A."

Tumahimik ang ilang assassins na nasa loob ng conference room. Maraming klase ang misyon pero iisa ang plano. Plan A means assassination. Walang Plan B o Plan C. Isa lang ang hatol sa mga nagkakasala. The divine punishment of HYDRA—death. Isang salita kung saan umiikot ang trabaho nila.

Mula naman sa isang panig ay naglalakbay ang isip ni Copper sa isang taong pakay niya mismo sa loob ng Zeltics. Sa ibinigay na impormasyon ni Leila, natukoy niya ang pagkakakilanlan sa taong 'yon. Senji Ryuzaki—tinatawag sa alias na Lancer. 

Isang ex-convict na nakulong dahil sa pagpatay sa sarili nitong pamilya. A psychopath that escaped the prison nang magkaroon ng isang pagsabog sa detention center ng mga nasa death row sa Tokyo mahigit labin-limang taon na ang nakararaan. Isang pagsabog na nagpakawala sa isang baliw na halimaw. Ang taong walang awang pumatay kay Ayano. Mula sa ilalim ng mesa ay mahigpit na naikuyom niya ang mga kamay.

"Di lang basta ang ulo ang ang tatanggalin. Pasasabugin din ang buong katawan. At magmula sa loob, itatanim ang bomba," malupit na saad ni Paul. "The mastermind, officials, agents, members and recruits. Of course hindi kasali ang recruit na mag-a-undercover." Sinulyapan nito si Copper. "Nakahain na ang death sentence. Binigyan lang tayo ng isang buwan para maisakatuparan ang plano. Si Copper ang papasok. Kapag naputol na ang ulo. Isusunod ang katawan. Kapag naisagawa ni Copper ang lahat ng preparasyon, aantabay kayo sa pinakamalapit na distansiya nang hindi kayo nata-track, Lead at Argon."

"So, sa ending lang kami kailangan?" patuyang komento ni Argon. "Walang kuwenta."

Malamig na tinitigan ito ni Copper. "Hindi ko sila kailangan dito. Magagawa ko 'to ng mag-isa. Why don't you send their asses on low ranking missions instead, Paul?"

"I'll damn kill you!" Biglang tumayo si Argon. Inawat ito ni Lead. Pero hindi nagpaawat ang assassin. Parang sawang kumawala at sinugod si Copper.

Pumatong ang mga palad niya sa mesa, kumuha ng puwersa at tuwid na bumaliktad ang katawan sa ere. Nag-landing siya sa kabilang panig ng table. Aktong ilalabas niya ang kanyang kogatana nang isang M1911 ang tumutok sa noo niya. At ganoon din sa ulo ni Argon. Ang nasa pagitan nila ay nakakunot na si Lead.

"Sige lang. Kapag naubos ang pasensiya ko. Siguraduhin niyo nang may laman ang mga vault locker niyo. Ako na mismo ang magdadala sa inyo sa impiyerno."

Copper calmly stifled his killing intent. Ganoon din si Argon. Hindi nauna si Lead sa mga ito sa HYDRA para sa wala. Ito ang kauna-unahang frontliner na sumabak sa isang Class A mission—handling cases related on nuclear warheads, terrorism and whatnot. Kumbaga sa armas, mga pipitsuging pistol lang sila kumpara sa isang rocket launcher.

"Hindi dahil sa isa kang frontliner, matatakot na 'ko sa'yo," ani Argon na nakatingin sa kanya.

Hindi siya kumibo. Kailanman di niya pinagmalaki o pinagmayabang ang pagiging isa sa mga top assassins. Bakit niya naman ipagmamalaki ang isang bagay na hindi niya ginusto? Frontliner man, support-center o backliner, ang assassin ay mananatiling assassin lang.

Samantalang ang nasa harap na si Nitro ay napapangiwi na lang at ang Lifter na si Paul ay sapo ang noo habang umiiling. Masyado nang matanda si Paul sa mga sitwasyong minsan ay nagkakainitan ang mga assassins. Makikita mo ang puno't dulo ng problema. Sa military, navy, marines, at crime squad institution, ang mga chief, lieutenant, at captain ay iginagalang ng mga nasa ibaba. 

Hindi ipapakita ng isang tauhan ang pag-aaway sa harap ng superior nito. Walang maglalakas ng loob na hugutin o maglabas ng sandata sa harap ng isang formal meeting. Pero sa mga assassins ng HYDRA, hindi uso ang formal speech o ang pagsunod sa moral code. Mag-aaway kapag nagkapikunan. May instances pa na nawawasak ang mga gamit sa loob dahil walang pakundangang magpaputok ng mga de kalibreng baril kapag nagkainitan. 

Kung papagitnaan mo at wala kang pisikal na abilidad para sabayan ang mga ito, siguradong bangkay kang pupulutin. Lifter siyang naturingan pero kahit kailan ay hindi niya naringgang i-address siyang Sir ng mga tinamanang. Tumataginting na old man ang bansag sa kanya ng iba. Minsan ay pinagdududahan niya ang posisyon niya. Mukhang tumatanda na talaga siya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"SO... sinong balak mong ipalit kay Silver, Paul?" tanong ni Copper. Nasa control room silang tatlo nina Nitro. Inililipat ng huli ang mga data na nakuha nila sa Zetics sa computer niya.

Tumining ang paningin ng matanda sa ilang segundo. "Hindi kayang palitan ng kahit na sino ang lalaking 'yon."

Umismid siya. "Apat na lang kami sa harap. At alam mong dumarami ang kaso sa mga matataas na antas."

"How about Argon? That guy is a top notch in sparring sessions. Very flexible ang katawan at daig pa niya si Spiderman sa pag-akyat sa matataas na building na di gumagamit ng gear o wire. Heard that the guy was a previous acrobat," sabat ni Nitro na di inaalis ang mga mata sa screen ng computer.

"Shut up leech. Four is enough," biglang kabig niya.

Tumawa ang pinakahenyong assassin. "Unti-unti ko nang nagugustuhan ang ugali mo ngayon. Did you meet someone in Manila with a contagious sense of humor?"

Bigla siyang napahinto sa narinig. Naalala niya si Heidi. Ang babaeng kaisa-isang may kakayahang pangitiin siya at patawanin nang di niya namamalayan. Ilang buwan na ba ang nakaraan magmula ng lisanin niya ang Pilipinas? 

Tatlong buwan. Pero walang araw na hindi napagkit sa isip niya ang dalaga. Gabi-gabi na lang ay naiisip niya kung ano kayang ginagawa nito o kung nasa mabuting kalagayan ba ito. 

"Paul... sa tingin mo ba masaya si Silver sa naging desisyon niya?"

Ngumiti ang matanda. "That's the root word. His decision. His choice. Doon pa lang alam mo na ang sagot, Copper."

****

- Amethyst -

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon