"Sinong nagturo sa inyo sa Zeltics?"
Mula sa likod ng pinto ay naroon si Copper. Nakasilip sa awang habang pinakikinggan ang diskusyon ng dalawang lalaking sinundan niya at apat na katao na nadatnan ng mga ito sa loob.
"Internet. Na-recruit ako mula sa internet," anang may katabaan at kaliitang lalaking mukhang teenager.
Pinasadahan ito ng tingin ng tatlong lalaking nakahalukipkip habang pinapaligiran ang mga ito.
Pumalatak ang pankista. "Then, sinasabi ko sa'yo. Hindi ka nakapasa. Bagsak ka na dito pa lang. Pasensiya na." Naglabas ito ng baril na may silencer at walang pakundangang binaril sa ulo ang binatilyo.
Hindi na gumulat pa kay Copper ang ganoong tagpo. Tila sanay ang mga tauhan ng ahensiya na pumatay ng basta-basta. Pinapatay nila ang mga sibilyan na hindi nila mapapakinabangan—isang permanenteng pagpapatahimik.
Tulala at namutla ang tatlo pang lalaki na napatingin sa nakahandusay na katawan.
"A-anong—walang ganitong biruan!" Sinubukan ng isa na takbuhin ang pinto pero naunahan na ito ng bala.
"Slif, ipinaliwanag mo ba sa kanila na hindi mga duwag ang kailangan natin?"
Isang malaking lalaking nakapony-tail ang buhok ang nag-buga ng usok mula sa hinihithit nitong sigarilyo habang nakataas ang paa sa sofa. "It's more fun to torment coward people."
"Tsk! Ginagawa mo lang 'tong laro. Nag-aaksaya lang tayo ng oras sa mga taong hindi naman natin magagamit. Ang hirap maglinis ng mga kalat." Sinipa nito ang bangkay na nakabulagta sa sahig. Pakatapos ay binalingan nito ang dalawang natitirang lalaki. "Kayo? Anong dahilan niyo? Siguraduhin niyong magugustuhan ko ang sagot niyo. Bakit gusto niyong makapasok sa Zeltics?"
"I-Isang hacker ang naka-chat ko online. S-sinabi niyang isa lang front ang Zeltics Security Agency para sa mga upahang mersenaryo. N-na ang mga bodyguards ng ahensiya ay mga kriminal na pumapatay sa mga kliyente nila kapalit ng mas malaking halaga. I just thought it was a big scoop. Nag-apply din ako sa internet." Nanginginig na tumingin ito sa tinatawag na Slif.
Hacker? Napaisip si Copper. Mukhang may isang tao mula sa labas ng ahensiya ang puwede niyang mapaghugutan ng impormasyon.
"Kilala mo ba 'yong hacker?"
"Hindi—" Isang putok ang nagpatahimik dito. Butas ang noo na bumagsak ito sa sahig.
"Puwes kumuha ka ng scoop sa kabilang-buhay!"
"You there? Ikaw na lang ang natitira. Anong—"
"Pera. Kailangan ko ng pera," agad na sagot nito. Walang bakas ng takot ang mukha pero may senyales ng pag-aalinlangan. "Kaya ako lakas-loob na pumunta dito."
Nagkatinginan ang tatlo sa narinig. "Sinong informant mo?"
"Conrad Baylon."
Ngumisi ang pankista. Inakbayan ang binata. "Gagawin mo ba ang lahat para sa pera?"
"Kahit ano."
"Then you're in. Pero di ibig sabihin no'n na opisyal na miyembro ka na. Preliminary pa lang 'to. May pagdadaanan ka pang ilang rounds para makita namin kung puwede ka, bata."
Ganito kasimple ang estilo nila sa initial recruitments?
Naikuyom na lang ni Copper ang kamay. Ngunit wala pa ring mababakas na ano mang galit o emosyon sa kanyang mukha. An assassin that met killers was like a wolf that met snakes. Umahon ang kanyang pagkasabik. Sa pag-atras ng paa niya ay isang basyo ng lata ang naapakan niya mula sa likuran. Lumikha iyon ng ingay.
"Ano 'yon? May tao ba sa labas?"
Nagmamadaling bumaba siya ng hagdan. Walang tunog at magagaan ang mga yabag ng boots niya. Nakarating siya ng fire exit subalit ramdam niyang hinahabol siya mga ito. Dinig niya ang mga tunog ng mga sapatos ng mga ito sa semento.
Nang marating niya ang corridor ay tumingin siya sa kanan at kaliwa niya. Restroom ang nadaanan niya. Imbes na panlalaking CR ang pasukin niya ay pinasok niya ang pambabae. Isang tao lang ang naroon. Na ngayon ay nanlalaki ang mga mata at nakangangang nakatingin sa kanya. Ang bartender at ang gasoline girl!
Kumurap ito. "M-mali ba ako ng pinasok?"
"Shit! Talaga bang may nakarinig sa atin?!" Naulinigan ni Copper ang mga tao sa labas. Agad na gumana ang isip niya sa ganoong sitwasyon.
"Sorry! Lalabas na ako!" Papahakbang pa lang ang bartender ay nagawa niya na itong pigilan at hilahin.
Kinabig niya ito sa baywang at tinakpan ang bibig nito. "Sshh..." Lalong nanlaki ang mga mata nito. "Stay quiet. Don't say anything." Itinulak niya ito papasok sa isang cubicle. Alam niyang may kakayahan itong pumalag kaya naman mas hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.
"Pasukin mo na!" Bumukas ang pinto ng CR.
"Langya! Baka may gumagamit na babae?!"
Sa masikip na kinalalagyan nila ay bumaba ang tingin ni Copper sa babaeng kabig-kabig niya. Kitang-kita niya ang hindik na pandidilat ng mga mata nito habang nakatingala sa kanya.Di hamak na mas maliit ito kompara sa may kataasang height niya. Ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang mga palad.
Tila posas ang isang kamay niya na iginapos ang mga kamay nito sa likuran. Ang malambot na dibdib nito ay halos mapiga mula sa pagkakadikit sa dibdib niya. And the girl started to breathe erratically. Damang-dama niya ang mabilis na tibok ng puso nito. Kumurap ito pagkatapos ay tuluyang pumikit.
Napansin niya ang mahahabang pilik-mata nito, at ang pino nitong kutis. Hindi niya magawang ialis ang paningin sa magandang mukha ng dilag. Hindi man niya gusto, nagkakaroon ng reaksiyon ang kanyang katawan. Isang reaksiyon na akala niya'y matagal na niyang napagtagumpayang labanan. Pero maraming namamatay sa maling akala.
****
- Amethyst -
![](https://img.wattpad.com/cover/231985439-288-k968225.jpg)
BINABASA MO ANG
LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]
RomanceCopper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya dahil sa isang serial killer. He vowed to eliminate murderers especially the one who killed Ayano...