Part 16

610 61 1
                                    

Inilapag niya ang tray sa mesa malapit dito. Dalawang tray para sa tubig na mainit at para sa mga gamit na hinihingi nito. May dala rin siyang palangganita na may maligamgam na tubig kung saan nakababad doon ang isang bimpo.

Binitiwan nito ang ginagawa at inilapag sa kit pagkatapos ay kinuha ang ilang forceps, scalpel, at gunting. Inihagis nit ang mga iyon sa tray na may tubig na mainit. Tinulungan niya itong tanggalin ang jacket nito. Mas mabigat iyon sa inaasahan niya. Parang may kung anong laman sa loob.

Nakasuot ito ng itim na long-sleeve polo shirt sa ilalim ng jacket. Salubong ang kilay na umayos ito mula pagkakasandal sa sofa. Tila nasasaktan ito o nahihirapan. Subalit nagawa pa ring itaas ang magkabilang manggas ng polo hanggang siko.

Pinunit nito ang damit sa bahagi ng sugat nito at naiiwas na lang ni Heidi ang paningin dahil di niya kayang tingnan sa malapitan. Nang pasimple niyang sulyapan ay tila pinupunasan na nito ang sugat.

"I have a vest. But that damn bullet still passed through. Suwerte na hindi malalim ang tama," balewalang paliwanag nito.

Lakas loob na tumingin siya sa ginagawa nito dahil wala namang bakas ng kahit anong sakit sa tinig nito. Pero parang nakalulon siya ng bato. Literal na may maliit na butas sa tagiliran nito.

Nanlaki ang mga mata niya nang basta nitong dinampot ang scalpel na nakababad sa mainit na tubig. Kumunot ang noo nito pero parang hindi napaso.

"U-uy..." impit na tawag niya.

Umangat ang mukha nito. "Bakit?"

"M-masakit kaya ang mapaso." Kinagat niya ang daliri.

"Mind over matter." Muli itong yumuko at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"K-kailangan mo ba ng tulong?"

"Can you perform a surgical operation?" tanong nito na hindi na pinagkaabalahang tingnan siya.

Ilang segundo siyang napipilan. Seryoso ba siya? "H-hindi e..."

"Then just shut up. If you can't take it, you can leave."

Pero di siya umalis mula sa kinatatayuan. Kinagat nito ang isang kapirasong tela mula sa ibabaw ng takip sa mukha nito. Nang umungol ito tanda na nasaktan na sa ginagawa ay tumingala na lang si Heidi. Mahigit tatlumpung minutong nakatingin lang siya sa kisame habang palakas ng palakas ang impit na pang-ingit at pag-ungol ng binata. 

Gusto niyang takpan ang tainga pero kung gagawin ay alam niyang hindi makakatulong 'yon sa sakit na nararamdaman nito. Kailangan niyang tumayo doon upang hindi nito maramdamang nag-iisa ito sa ganoong sitwasyon. Kung siya ang nasa kalagayan nito—although hindi niya kayang isipin man lang na kaya niya ang ginagawa nito, gugustuhin niya rin na kahit papaano ay may kasama siya.

Dang! Tunog ng pagtama ng tingga sa stainless. Nang tingnan niya ang tray ay naroon na ang bala ng baril. Nais niyang pumalakpak pero pinigilan niya ang sarili. When she looked down at him, he was sweating a lot. Umupo siya sa tabi nito at pinunasan niya ang pawis sa noo nito. Akmang tatanggalin niya ang tabing sa ibabang bahagi ng mukha nito nang pigilan nito ang kamay niya.

"Kapag tinanggal mo 'yan. Papatayin kita."

"H-ha?"

Humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. "Iyon ang huling linya ko sa taong pinatay ko kani-kanina lang."

Naestatwa si Heidi. Hindi nakahuma sa narinig. Pero gumapang ang kilabot sa buong katawan. "K-kriminal ka?"

"Worse." Itinaboy nito ang mga kamay niya palayo. Kinuha ang mga gamit sa kit at sinimulang tahiin ang sugat. The guy was skilled. At mukhang sanay ito sa mga ganoong bagay.

LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon